Chapter 147

198 3 2
                                    

a/n: the ending is super nearrrrr! di ko masulat-sulat 'yung ending kasi feel ko mahuhulaan ninyo pero keri na HAHAHAAH. Enjoy!


CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-SEVEN

TOTOO ngang kapag masaya ka ang oras ay mabilis na lumilipas, gano'n na ba ako kasaya dahil isang taon na kaagad ang lumipas simula nang sagutin ko si Hunter bilang kasintahan ko?

And today is our anniversary. July 02. Sinunod namin ang unang date kung kaylan naging kami talaga.

Sa loob ng isang taon naming relasyon ay nasubok na ang samahan namin lalo na't LDR kami. Minsan ay every monthsary nagpupunta si Hunter sa New York para dalawin ko at para makapag-celebrate kami, tumatagal siya ng isa hanggang dalawang araw dahil busy sa Agency.

May mga panahong halos wala kaming time mag-usap dahil sa pagkaka-iba ng mga oras namin. Kung hindi kasi ako ang pagod dahil sa training at trabaho, si Hunter naman. Minsan makakapag-usap kami pero mapuputol din kaagad. Minsan may mga maliliit na bagay kaming pinag-aawayan na tinatawanan na lang namin ngayon.

But after all those trials, kami pa rin naman. Nalagpasan namin ang LDR na hindi namin nagagawang mag-cheat sa isa't isa lalo na't ang pinakamahirap daw ay ang unang buwan at taon dahil nami-miss at gusto mong palaging kasama ang karelasyon mo, na masasabi ko namang totoo.

Binuksan ko ang kurtina ng bintana sa sala ng kwarto ko at tumingin sa labas. Umaambon-ambon. Kinuha ko ang chocolate milk ko at humigop do'n. Ka-text ko si Hunter. Nasa ere pa ang lalaki, hindi makababa ang eroplanong sinasakyan niya dahil daw sa traffic sa run way.

Me: Rest! I know pagod ka! I will sundo you sa airport kaya wag kang aalis kung wala pa ako.

Paalalang message ko sa lalaki na mabilis naman nitong na-seen.

Babe: I will. Love you.

Me: Love you too 😘

Pagkatapos no'n at in-exit ko na sa messager ang phone ko. Bumungad sa'kin ang larawan namin ni Hunter sa Spain nung Christmas.

Yes, nadala ko na rin siya sa Spain nung Christmas Break namin. Naipakilala ko na rin siya kina Abuela. I can still remember kung paano siya tinanggap ni Abuela. Ang daming pinaluto para kay Hunter no'n, akala mo fiesta.

Nung New Year ay umuwi kami ng Pilipinas para naman sumama sa Anderson Family na mag-celebrate. Naiwan sina Kuya Ivan sa Spain para do'n mag bangong taon.

And like what Abuela, Papa, and Kuya Ivan did. Dad, Mom, Zene and Kuya Jake accepted Hunter as my boyfriend too. Si Henry ay tawang-tawa dahil hindi daw nito akalaing ako pala ang makakatuluyan ni Hunter; na sumasalisi din daw pala si Hunter sa'kin na hindi alam ni Jake.

Naalala ko pa ang sinabi ni Kuya no'n . "Tangina, hindi ko akalaing ang gusto niyo pa lang asawahin ay mga kapatid ko! Tangina niyo!" Inis na inis ito pero nawala din naman kaagad.

Nasapak nga lang si Hunter.

Nag-alis lang yata ako sa pagbalik sa nakaraan nang malakas na mag-ring ang cellphone ko. Maraming beses akong kumurap bago napagtanto ang nangyayari. Kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag.

"Hey!"

"Zene!!! Happy anniversary!!" bati ni Linda sa kabilang linya.

Napangiti ako.

"Thanks! Where are you?" tanong ko. Inaasahan ko kasing pupunta sila dito.

"Ahm...busy. I'm with Carl!" sagot nito.

"Ah, okay! Say hi to Carl for me. Take care!"

"We will. I call because I want to ask something."

Kumunot ang noo ko. "What is it?"

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon