CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-NINE
TWO WEEKS later since our engagement, umuwi kami ng Pilipinas para sa pamamanhikan ni Hunter. Sinundo kami sa airport ng mag-asawang Henry at Zia.
"I still can't believe na ikakasal ka na!!" nagtititiling sabi ni Zia nang makapasok kami sa sasakyan.
Tumawa ako ng mahina. "Me too." Bumaba ang tingin ko sa baby boy nito. magthre-three months old pa lang si baby. "Ang gwapo naman ng anak mo, Zia," puri ko.
Ngumiti ito. "Thank you! Ang daya nga, eh! Ako ang nagdala ng nine months tapos lahat nakuha kay Henry. Kulay lang yata nakuha sa'kin," may halong pagtatampong sabi nito.
"Is this your engagement ring?" Zia asked, itinaas niya ang kamay ko para makita ang singsing.
"Yes."
"It's pretty! 'Yung engagement ring na ibinigay sa'kin ni Henry before is color blue," anito.
"That's rare," puna ko.
Nanlaki ang mata nito. "I know, right! But I like your ring! It's Tiffany & Co., right?"
"Yap! How did you know?"
"I like ordering rings there. Nakakita na ko ng ganito noon sa shop nila," pagkwe-kwento niya.
"Wow! Ano 'yan nag-iipon ka na sa ipapamana mo kay Hardy?" pang-aasar ko.
Ngumisi ito. "Heirloom lang ang peg, pero why not. Sige. Mag-iipon akong rings ta's ipapamana ko sa mga anak ko hanggang sa apo."
Tototohanin naman nga yata nito ang biro ko. Umiling na lang ako at hinaplos ang ulo ni baby. Ang cute-cute niya. Ang sarap panggigilan!
"Isa lang ibig sabihin no'n, si Henry ang mas nasarapan!" natatawang sabat ni Hunter na naka-upo sa may passenger seat.
Nakita ko ang pag-ngisi ng lalaki.
"Syempre, ako ang napagod kaya dapat lang kamukha ko ang bata," birong anito.
Napa-urong ako ng batuhin nito ng lampin si Henry na tumawa naman.
"Joke lang naman, honey ko!" ani ng lalaki habang nakatingin sa kakambal ko mula sa rearview mirror. Pabiro itong tinawanan ni Zia.
"Kung ikaw lang din ang makakamukha, wag na nating sundan si Hardy. Only child na lang siya," pananakot ni Zia dito.
"Misis ko, joke lang! Wag namang ganiyan! Paano na 'yung basketball team natin?"
"Hmp!" nilingon ako ni Zia. "Gusto mong buhatin si Hardy?"
"Pwede?" nanlalaking matang tanong ko.
Ngumiti siya sa'kin tsaka sunod-sunod na tumango.
"Oo naman. Ganito oh," turo niya. Ginaya ko ang paraan ng paghawak nito sa bata. Umawang pa ang labi ko dahil ang lambot ni baby Hardy. Nakakatakot na ba mapisa ko siya.
"Ang liit niya," mahina na puno ng saya at takot kong wika. Tiningnan kong mabuti ang mukha ng baby, payapang natutulog. Paminsan-minsang kumukunot ang noo nito o kaya naman ay icru-crunch ang ilong.
Napangiti ako.
"Ayan...kuha mo agad, Zene. Nagsasanay na ba sa future baby niyo ni Hunter?" malokong tanong nito.
Nginisihan ko siya.
"Hindi pa namin napapag-usapan," honest kong sagot. "Pero kung darating edi, okay lang, kung hindi naman, okay lang din."
"You will be a wonderful mother, for sure, Zene," nakangiting ani Zia.
Natigil ako sa pagtitig sa mukha ng bata. Tiningnan ko lang din siya. Na-touch naman ako sa sinabi niya. Ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
The Green Eye Devil
RomanceShe owning a pair of eyes na hindi daw sa kaniya? paano niya mapapaliwanag ang pagkakaiba niya sa lahat? matutulungan ba siyang matuklasan ang katotohanan sa likod ng kulay ng kanyang mga mata? Klyzene Black Anderson's Story Started: Feb 24, 2021 E...