CHAPTER SEVENTY-EIGHT
WEEKS passed and today is a special day for me. Before, I don't want to celebrate it because I know they will just throw a party for my twin sister but now? It's different. I know the people with me will acknowledge my decision. They will support me.
Mabilis akong bumangon mula sa kama ko at agad na naligo. Maaga pa pero puno na agad ako ng energy. Nang matapos ako sa morning rituals ko ay nagbihis kaagad ako at nagpasyang lumabas na ng kwarto. Nagpunta ako sa kitchen para subukang magluto.
Napurnada ang plano ko ng tumapat ako sa pinto ng kusina. Nakita ko ang mesa na may mga nakahanda na. Naririnig ko rin ang mga boses nilang nag-uusap.
"Do you think that she's awake now?" tanong ni Uncle ng makapasok ako sa kusina.
Nagkibit balikat si Kuya Ivan. "Maybe not? I don't know, Dad. It's her eighteenth birthday, maybe she'll sleep longer."
Nakita ko ang pagtango ni Uncle sa sinabi ni Kuya. Walang tunog akong lumapit sa mesa at tiningnan kung anong niluto nila. Napa-wow ako ng mahina ng makita ang nasa mesa. It's barbeque with marshmallow, is this eatable? Nakita ko ang pasta, it looks like spaghetti.
Humarap ako sa dalawang lalaki na hanggang ngayon ay busy pa rin sa kung anong ginagawa sa may kalan. Napatawa ako dahil sa hitsura nila. Mukha silang aligagang-aligaga. Mayroon pa silang suot na party hat habang naka-apron huh.
Sumandal ako sa mesa at pinanood ang dalawang lalaki. Busy-ng busy na hindi nila napansin na pinapanood ko na silang dalawa.
"You know what? You should check her upstairs," ani Uncle.
"Dad! She's still sleeping. Don't worry. She's waking up like, seven or eight," ani Kuya.
"What if she woke up early? I woke up early in my birthdays."
"That's you, Dad. Klyzene's not."
"And good God! Your good watchmen. 'Yung may birthday kanina pa kayo pinapanood!" dismayadong wika ni Kuya Nat ng makapasok 'to ng kusina.
Sabay-sabay kaming lumingon dito. May dala itong box ng cake at mga lobo. Nakasuot din ng party hat. Ngumiti ako sa kanya bago lumingon sa dalawang lalaki. Nakaawang ang bibig ng mga 'to at hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.
Umayos ako ng tayo.
"Good morning!" I greeted them.
Napahampas si Kuya Ivan sa noo niya at umiling-iling naman si Uncle. Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa.
"Don't be disappointed. I appreciate what you did today," nakangiting pagc-cheer up ko sa kanila.
Kuya let a sigh before he look at me. "Happy birthday, Klyzene!" bati niya.
"Thank you!"
"Happy birthday, sweetheart," bati ni Uncle kaya tiningnan ko siya.
"Thank you!"
"That's enough! Finish what you're cooking, I'm sure gutom na si Klyzene," ani Kuya Nat habang inaalis ang cake sa kahon nito. Nilapitan ko siya para tulungan.
Hinawakan ko ang kahon ng cake at siya naman ang nag-alis no'ng laman. Ibinaba niya sa mesa ang cake at kinuha sa'kin ang kahon. Tinabi niya 'to at nginitian ako.
BINABASA MO ANG
The Green Eye Devil
RomanceShe owning a pair of eyes na hindi daw sa kaniya? paano niya mapapaliwanag ang pagkakaiba niya sa lahat? matutulungan ba siyang matuklasan ang katotohanan sa likod ng kulay ng kanyang mga mata? Klyzene Black Anderson's Story Started: Feb 24, 2021 E...