Chapter 133

188 4 2
                                    


CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-THREE

DAHIL sa narinig ko ay nawala ang mabigat na nakapatong sa dibdib ko. Unti-unting sumilay sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti. Mabilis akong napatayo at patakbong lumapit sa kanya. Sinalo naman niya ako at binuhat.

Ipinalibot niya sa kanyang bewang ang mga binti ko. Nakangiti akong tumingin sa kanya. Hinalikan ko pa ang mukha niyang mukha at ang labi niya nang walang humpay dahil sa saya.

He just chuckled.

"You have your energy back," nakangiting puna niya.

I pouted my lips, "yeah... I'm sorry, Hunter... you look disappointed."

"I will not deny that. I really thought magkakaroon na tayo ng anak...but...it's okay. Ang haba pa ng panahon, maari pa tayong gumawa ng madami kapag ready ka na," mahinahon niyang ani.

I smile.

"Thank you for understanding me, babe," I said calling him in his call sign to me.

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpipigil nito ng ngiti pati na rin ang pamumula ng punong tenga nito.

"Are you blushing?" nasisiyahang tanong ko.

Umiling ito bilang sagot.

"N-no..."

"Really?!"

"YES!"

"Harap ka nga sa'kin kung talagang hindi ka nagblu-blush..." hamon ko dito.

Seryoso ang hitsura niya nang tumingin siya sa'kin. Nagtama ang mga naming dalawa. Walang gustong mag-iwas ng tingin o humiwalay man lang. Hindi ko na namalayang.

Malakas akong natawa nang iaangat niya ako at muling ipagpantay ang mukha namin. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa batok niya.

Ninakawan niya ako ng isang marahang halik sa labi.

Kumunot ang noo ko nang mapansing nasa may kama na pala kami. Itinulak ko pahiga sa kama si Hunter at tumabi sa kanya. Inunan ko ang kanang braso nito, siya naman ay iniyakap ang kaliwa sa bewang ko. Kahit may pagkamalayo ang pagitan naming dalawa ay rinig ko pa rin ang kabog ng puso nito.

"Hunter... gusto mo talagang ako ang maging mommy ng mga anak mo?" curious kong tanong.

Pinaglaruan ng lalaki ang buhok ko.

"Oo naman. Sa'yo lang. Pero hanggang hindi ka pa handa ay hindi kita pipilitin." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"P-paano kung ayaw kong mag-baby?" dagdag kong tanong.

Bumaba ang tingin niya sa'kin. "E...I will respect it, babe. Kung ayaw mo, ayaw mo. Hindi kita pipilitin."

"Akala ko gusto mong magka-anak..."

Napansin ko ang pag-lungkot ng mukha nito bago sumagot.

"Gusto ko nga pero kung ayaw mo, wala na akong magagawa do'n. Pwede naman tayong mag-adopt."

Napangiti ako.

"Don't worry, Hunter.... Once na maging ready ako I will tell you agad," pampalubag ko ng loob dito.

Tinanguan niya ako at hinalikan ang ilong ko bago pinagdantay ang noo naming dalawa.

"Nakahinga ako ng maluwag nung nalaman kong hindi ako buntis...ibig sabihin makakapagtapos pa ako ng pag-aaral at makakabalik ng New York," pag-amin ko.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon