CHAPTER ONE HUNDRED AND THIRTY-FIVE
ILANG beses akong nag-imagine kung anong pakiramdam kapag humingi nang tawad ang mga taong nanakit sa'kin at kung paano ko sila papatawin. Naisip kong masakit at palaging mauuwi sa failure ang lahat dahil nawalan ako nang tiwala sa taong 'yon na pwede pa silang magbago, at do'n ako nagkamali. Hindi ko dapat inisip na hindi na magbabago ang isang tao dahil pagbabago lang ang mananatili sa mundo.
Nakatitig ako sa kisame nang kwarto ko. Yes, hindi ako umuwi dahil ayaw rin nila akong pauwiin. Pumayag na ako dahil aalis na rin naman ako sa susunod na araw.
Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Sobrang emosyonal namin kagabi. Lahat kami ay nag-iiyakan. Nakita kasi kami ni Zia, at dahil nga emotional ang mga buntis. Naki-iyak din siya hanggang sa makisali na si Mommy at Kuya. We had our family time, which feels like forever.
Wala pa ring pinagbago ang kama ko. Malambot pa rin katulad nung dati. Tumagilid ako nang higa at tumingin sa pinto ng common room.
Bumangon ako at naglakad palapit sa may pinto. Hindi na ako nag-ayos nang sarili ko. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit 'yon pabukas.
Umawang ang labi ko.
W-wala ring nagbago. It looks like new. Pumasok ako sa loob. Lumapit ako sa kama ko. Hinaplos ko ang ibabaw no'n bago naglakad papunta sa table ko. Nakaka-miss.
"Ang linis noh?"
Nilingon ko si Zia.
Nakatayo ito sa may pinto nang sariling kwarto, may hawak na isang face towel at nakatali ang buhok. Mukhang kalalabas lang niya nang banyo.
Pumasok rin sa loob ang babae at tumabi nang tayo sa'kin. Nakangiti siya.
"Alagang-alaga nga yata ang mga kwarto dito," puna ko pa.
Tumango ito. "Gusto kasi nila na malinis ang kwarto para daw kapag nagpunta tayo. Umuwi o magbakasyon ay may matutulugan tayo."
"Hmmm."
Kinuha ko ang isang unan at inilapit sa dibdib ko.
"Kumusta ang pagtulog mo?" tanong nito pagkaraan nang ilang minuto.
"Okay lang naman," sagot ko habang nakatingin sa ilalim nang kama ko. Para kasing may mga kahong nakatago doon.
"How's your heart?"
Natigilan ako dahil sa tinanong niya. Nag-angat ako at sinalubong ang nagtatanong nitong mga mata.
Tipid ko siyang nginitian.
"Magaan." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Nawala lahat ng mabigat...para bang kaya ko nang huminga nang maluwag," dagdag ko pa.
Sunod-sunod siyang tumango.
"That's good," sagot nito at saka ako niyakap.
------
TANGHALI na nang maka-uwi ako sa condo. Hindi na ako nagpahatid sa driver nila Mom at nagpasundo kay Hunter o Kuya Ivan dahil abala lang 'yon, kaya ko namang mag-commute.
Nagpakawala ako nang isang malalim na hininga. Nandito na kasi sa ibaba ang ibang mga kahon na dadalhin pabalik nang New York. Ilang araw na lang ay makaka-alis na kami dito kahit hindi pa tapos ang Resort.
Binaba ko ang bag ko sa may couch. Nilapitan ko ang boxes at tiningnan ko ang laman no'n. Ilang mga gamit ni Papa. Sinarado ko ulit.
"Ow!! You are already here!"
BINABASA MO ANG
The Green Eye Devil
RomanceShe owning a pair of eyes na hindi daw sa kaniya? paano niya mapapaliwanag ang pagkakaiba niya sa lahat? matutulungan ba siyang matuklasan ang katotohanan sa likod ng kulay ng kanyang mga mata? Klyzene Black Anderson's Story Started: Feb 24, 2021 E...