Chapter 50

316 3 0
                                    

CHAPTER FIFTY

LUMAPIT ako sa may cabinet at binuksan 'yon. Kinuha ko mula sa taas ang maleta ko at inilagay sa ibabaw ng kama. I'm starting to remove my clothes from my closet and putting it in my bag. The door opened, Kuya entered there and closed the door. He looked at my suitcase on the bed.

"What are you doing?" tanong niya at inalis ang damit sa maleta ko. Tumalim ang tingin ko sa kanya. Naglakad ako papunta sa may kama at ibinalik ang mga damit sa maleta ko.

"I'm leaving," walang kagatol-gatol kong sabi.

"Why?! Klyzene, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kanina. Saan ka nagpunta? Anong nangyari sa'yo?" Inilabas nito lahat ng damit na inilagay ko sa maleta at hinawakan ako sa magkabilang braso para iharap sa kanya. "Are you serious right now?! Ganiyan ka na ba talaga—"

Galit kong inalis ang kamay niya sa braso ko at tinulak siya ng mahina. Lumayo ako at inilagay lahat ng gamit ko sa maleta. Bumukas naman ang pinto at sumilip do'n si Zia with her teary eyes. Damn! Bakit lahat kaylangan idaan sa iyak?! Sila ang nagsinungaling sa'kin pero bakit sila pa 'yung galit?

Bakit parang kasalanan ko pa?! Kasalanan ko pang gusto kong malaman 'yung totoo?!

"Saan ka pupunta?!" nag-aalalang tanong ni Zia habang nakatingin sa maleta ko.

"Aalis," sagot ko at kinuha ang maleta ko. sinarado ko ang zipper at binuhat pababa ng kama. Tiningnan ko silang dalawa ng puno ng lamig bago ako dumaan sa gitna nila. Lumabas ako ng kwarto at hinabol ako ni Zia, buhat-buhat ko ang maleta ko habang pababa ako ng hagdan.

"Black pag-usapan natin 'to. Huwag ka ng umalis. Wala kang mapupuntahan if ever!"

"Klyzene!"

Napatingin sa'kin ang mga magulang ko, and their faces is expressionless like mine. Nang tuluyan na akong makababa ay nahawakan ako ni Zia at hinarap niya ako sa kanya. Nakasunod naman agad sa 'min si Kuya at kinuha ang maleta ko na hindi ko binibitawan.

Her eyes and nose are already swollen because of too much crying.

"Hayaan niyo siyang umalis kung 'yan ang gusto niya," ani Dad na parang walang pake kung aalis ako.

Si Mom naman ay nakayuko lang at nag-iwas ng tingin sa'kin. Mapait akong ngumiti sa kanila. Anong klaseng magulang kayo?!

"Dad! Walang pupuntahan si Black!" ani Blue.

"Dad, we should talk this as a family. Hindi pwedeng baliwalain ang issue na 'to," gatong pa ni Kuya.

Malamig akong tiningnan ni Dad pagkatapos ay nginisihan. "Kusa siyang aalis, Jake. Walang nagtulak sa kanya na umalis. Ginusto niya 'yan. It's her choice so be it! Kung marunong siyang umalis dapat ay marunong rin siyang bumalik."

Umiling si Kuya sa sinabi ni Dad. Tumingin it okay Mommy. "Mom, wala kang gagawin? Hindi mo ba siya pipigilan?! For fuck's sake! Kakauwi lang niya at lalayas na naman siya!" naiinis nitong sigaw.

Napalunok si Mom. "What do you want me to do, Jake? Magmakaawa sa kanya katulad ng ginagawa ni Klyzia? Jake, anak ko lang siya. Kung ayaw niyang magpapigil edi huwag," anito.

"Isa pa, baka nag-iinarte lang 'yan at masyadong nagpapapansin. She thinks she's special na lahat ng tao iintindihin siya," ani Dad.

"What the fuck, Dad?!!!" galit na sigaw ni Kuya Jake at lumapit kay Dad.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon