Chapter 70

278 6 0
                                    


CHAPTER SEVENTY

MABILIS kaming nakarating sa Condominium kung saan ako ngayon nakikituloy. Huminto siya sa tapat mismo nito. Lumingon ako sa labas. May dalawang Guard na nasa labas at mga staff na nasa front desk.

Nilingon ko si Dowell na nakatingin rin pala sa'kin. Nginitian niya ako.

"Thank you for bringing me home," marahan kong pasasalamat sa kanya.

Habang nasa byahe kami kanina ay iniisip ko na ang mga gagawin ko kapag umiba siya ng daan. Tatalon ako kung kinakaylangan. Hindi rin ako nakapagpahinga habang nasa byahe dahil anxious ako.

"You're welcome. Magpahinga ka, I know you're tired," malambing niyang sabi sa'kin. Tumango ako at saka inalis ang seatbelt bago binuksan ang pinto sa gilid ko. Bumaba ako do'n.

"Thank you ulit," pangalawang pasasalamat ko saka sinara ang pinto nito. Naglakad ako papasok sa condo. Nginitian ako ng dalawang guard na tinanguan ko naman.

Naglakad ako papunta sa elevator at pinindot ang open button, nang bumukas naman ay pumasok ako sa loob saka pinindot ang floor button nila Kuya Ivan. Pakiramdam ko ay natutulog na sila. I don't have extra keys with me. My phone is dead.

When the elevator door opened, I step out. Naglakad ako papunta sa pinto ng unit nila Kuya. Binibilang ko ang mga hakbang ko Panay na rin ang hikab ko. Gusto ko ng mahiga sa kama ko at matulog para makapagpahinga.

Nang tumapat ako sa pinto nila ay kumatok ako ng tatlong beses saka sumandal sa pader. Pumikit ako sandali para mawala ang hilong nararamdaman ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hidni ako dumilat.

"Good eve," mahinang bati ko kung sino man sa dalawang lalaking kasama ko.

"Where have you been?! I'm so worried about you!" nagh-hysterical na tanong ni Kuya Ivan.

Dumilat ako at tiningnan siya. "Sorry for making you worried."

"Where have you been?"

"Work."

"Work?! Why do you have to work?"

Inaantok akong pumasok sa loob ng kabahayan. Huminto ako sa sala at humiga sa sofa. Nakasunod naman sa'kin si Kuya Ivan na seryosong nakatingin sa'kin habang nakapamewang pa.

"Klyzene, I'm asking you! Why do you have to work? Where do you work? Who is your boss there? Why didn't you answer our calls?" sunod-sunod nitong tanong sa'kin.

Hindi ko alam kung makakasagot pa ba ako ng matino dahil inaantok na talaga ako. Pago dang mga kamay ko at babad sa tubig.

"Can I answer that tomorrow? I'm really tired Kuya, I want to rest," nanghihina kong hiling sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. "Fine, but we're going to talk tomorrow. I was worried sick about you a while ago. Don't do that again."

"Hmm..."

I don't know what happened next I just remember him saying unrecognizable words for me.

I WOKE up feeling the pain in my hands and back. I painfully moaned when I tried to move my hands. Dumilat ako at tiningnan ang mga kamay ko. Namumula ang mga 'to at nandon pa rin ang kaunting kulubot dahil sa pagkababad.

Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard ng kama ko. Pumikit ako para agad ring mapadilat ng ma-realize na nasa kwarto ko ako. Who bring me here? Babangon na sana ako pero bumukas ang pinto ng kwarto ko.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon