Chapter 148

179 3 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED AND FORTY-EIGHT

"KLYZENE Black Anderson, will you marry me?" nanginginig nitong tanong.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa'min bago muling nagsalita si Hunter. Nakatitig lang siya sa mga mata ko.

"I know I have shortcomings. Sometimes, I'm annoying. I'm jealous all the time, but I will change. I will be a better man for you. I know sometimes I'm confusing, hard to talk to, and especially to understand, but I'm only sure about one thing. Sa loob ng isang taon nating relasyon napagtanto ko ang lahat...na ikaw ang gust kong huling makikita ko sa paglubog ng araw at siyang mabubungaran ko sa kinabukasan. Gusto kong makasama kang umiyak, masaktan, maging masaya. I want you to be my wife, my other half, my home, the mother of my children...kasi kung hindi rin lang ikaw, Klyzene Black...wala nang iba..."

Hinaplos ko ang pisnge niya at pinunasan ang pagtulo ng luha.

"So, will you let this guy be your husband, baby? Will you marry me, Klyzene?"

Napapikit ako bago sinalubong ang tingin niya. Sunod-sunod akong tumango.

"Y-yes! I-I will marry you!!" nakangiting sagot ko.

Para namang nakahinga ang lalaki at nanginginang ang kamay na isunot sa daliri ko ang singsing. Nang mai-suot niya sa'kin ay hinila niya ako patayo at inangkin ang labi ko.

Napakapit ako sa batok nito at ngumiti. Naramdaman ko ang pagtaas rin ng labi nito.

Nang matapos kaming maghalikan ay niyakap niya ako ng mahigpit. Tumatawa kami. Napatili ako nang buhatin niya ako at iikot.

"I love you, baby. I love you so much. I love you. I love you," sunod-sunod na sabi nito nang halikan niya ako sa noo.

Humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"Mahal rin kita, Hunter. Mahal na mahal," nakapikit kong sagot.

Naramdaman ko na lang na isinasayaw ako ni Hunter kaya napabukas ako ng mata. There's no music except for our heartbeats. We swayed in the rhythm that we were the ones who could hear.

Hinawakan ako ni Hunter sa kamay at pinaikot. Umikot ako pero hindi naghihiwalay ang mga mata namin. Muli niya akong hinapit sa bewang at idinikit sa katawan niya. Sa sobrang dikit namin sa isa't isa ay wala nang hanging maaring makadaan.

"Kaylan mo nalaman na ako na ang gusto mong pakasalan?" mahina kong tanong.

Ngumiti ito. "No'ng galing tayong Spain."

Tiningnan ko siya na para bang sinasabing magpatuloy siya.

"I see you picking flowers and playing with the kids who throw flowers at you, then I suddenly saw you in my mind. Wearing a wedding gown, holding flowers while I'm waiting at the altar."

It feels deja vu. Something like that happened to me before too. Ngumiti ako. Should I tell him na about that? Or saka na lang?

Saka na lang.

"Hindi naman halatang patay na patay ka sa'kin niyan," pang-aasar ko.

Nginisihan niya ako kahit na pulang pula na ang itaas na tenga nito.

"Proud akong patay na patay ako sa'yo, babe," anito.

"Talaga lang ha."

"Oo naman!" puno ng kasiguraduhang sabi niya.

Nang maalala ko kung paano niya ako pina-iyak kanina ay hinampas ko siya sa braso na kina-aray nito.

"Babe!" angal nito habang hinihilot ang braso.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon