Chapter 75

281 7 0
                                    


CHAPTER SEVENTY-FIVE

HUNTER'S P.O.V.

PARANG nawalan ako ng lakas na sundan pa ang dalaga. Gano'n na ba siya kagalit sa'kin para hindi niya ako pakinggan?

Gamit ang isang kamay ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaybigan ko.

"Nathaniel L. Guevara," tipid kong sabi bago pinatay ang tawag saka umatras ng dalawang hakbang bago tumalikod at naglakad papunta sa kwartong pinanggalingan ni Klyzene. May kakaiba akong pakiramdam tungkol sa sinasamahan niya ngayon.

Nang makarating ako ay hindi na ako kumatok at basta na lang pinihit ang seruda saka basta-bastang binuksan 'yon. Sabay lumingon sa gawi ko ang dalawang lalaking magkaharap. Kumunot pa ang noo nila. Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto.

"Who are you and what are you doing here?" tanong ng lalaking kausap ni Klyzene kanina.

"Ivan Law," malamig kong tawag ng malaman kung sinong kausap ni Nathaniel. "Hah! I knew it there's something wrong in you!" Tinuro ko si Nathaniel.

Kumunot naman ang noo nilang dalawa dahil sa tinuran ko. Mukha pa ngang hindi maintindihan ni Ivan kung anong sinabi ko.

"Okay wait—we don't know who you are, Sir. Please leave," Ivan said dryly.

Umiling ako. "O no-no-no. I will not leave here. We're having a chitchat today boys."

"Sino ka ba muna? Basta-basta ka lang pumapasok dito. It's called office for something," supladong pagsingit ni Nathaniel.

Tumango ako. "My bad. I'm Hunter Winchester and I'm here to talk about Klyzene—"

"What about Klyzene?"

"Bakit mo kilala si Klyzene?"

Magkasabay nilang tanong na nagpangisi sa'kin. Mukhang alam ko na kung anong nangyayari ngayon. Lumakad ako palapit sa kanila.

"You are his son," puna ko kay Ivan.

He raised a brow at me. Nathaniel crossed his arm. I smile.

"We need to talk," marahan kong turan sa kanila.

"OKAY, what do you want to talk about?" naiinip na tanong ni Ivan,

Seryoso ko siyang tiningnan. "Leave Klyzene alone. I know who you are and what you're here for."

"Who are you to command us like that?" tanong ni Nathaniel. "Ano ka ba niya?!"

"I'm her—" I stopped. Ano nga ba ako kay Klyzene? Sino nga ba ako sa buhay niya? Lahat ng ginagawa kong 'to para saan o kanino? For Divine...

"I'm her brother's friend and I don't want her to be hurt. Sigurado akong may plina-plano kayong masama sa kanya. I know you," baling ko kay Ivan. "You are Jude Law's son! Don't deny it!"

Kumunot ang noo nito. "How did you know that?"

"You investigate us?" hindi makapaniwalang tanong ni Nathaniel.

"Klyzene asked my help. She wanted to know the truth behind her eyes and now it's getting clearer to me," dagdag ko habang nakatitig sa mga mata ni Ivan tumingin rin ako kay Nathaniel at parehong berde ang mga mata.

Lumapit sa'kin si Nathaniel at hinawakan ako sa kwelyo.

"Leave! Fucking leave in my office! Wala kaming gagawing masama kay Klyzene, bak ikaw meron!" madiing wika nito.

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon