Chapter 64

304 7 0
                                    


CHAPTER SIXTY-FOUR

NAKAHAWAK ako sa mga labi ko hanggang ngayon. Hindi ako makapaniwalang nahalikan ko si Klyzene.

It's already four o'clock in the morning yet, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at umupo. Sinapo ko ang mukha ko at sinabunutan ang sarili ko. Paulit-ulit bumabalik sa alalaa ko ang nangyari kanina! I can still feel her lips in mine and damn! I want to taste it again. Her lips is so sweet.

Napapikit ako saka pabagsak na humiga sa kama. Ang nararamdaman ko sa kanya ngayon ay naramdaman ko na rin noon, at isang tao lang ang kayang patibukin ng gano'n kabilis ang puso niya. At ang taong 'yon ay wala na. Patay na siya.

Divine, oh baby... I'm sorry...

Dumilat ako kasabay ng pagbabalik sa'kin ng pait. Para kong naririnig ang huling sinabi sa'kin ni Divine. Biglang bumalik lahat ng sakit.

Tangina! Napakagago ko! Paano ko nakalimutan kung bakit ako nakikipag-lapit kay Klyzene? Dahil 'yon kay Divine! Kapag natapos na lahat ng 'to wala na rin kami. Tumayo ako at lumapit sa may cabinet ko. Kumuha ako ng isang t-shirt pagkatapos ay kinuha ang susi ng kotse ko.

Lumabas ako ng kwarto at huminto sa tapat ng pinto ng kwarto ni Klyzene. Gising pa kaya siya? Iniisip rin kaya niya 'yung halik—mabilis akong umiling, naglakad na ako palayo at lumabas ng condo ko.

Sa fire exit ako dumaan para makapag-isip ako ng mabuti. Naguguluhan ako at hindi pwede ang ganito. Masisira lahat ng pinaghirapan ko kung sakali.

Sumakay ako sa kotse ko. Binuhay ko 'yon at pinaalis sa parking lot. Naging mabilis ang byahe dahil walang masyadong kotse sa kalsada. Kung meron man ay iilan lang at hindi kami nagsisiksikan. Huminto ako sa isang gilid at pinatay ang makina ng kotse ko.

Bumaba ako at naglakad papunta sa kanya. Umupo ako sa tabi niya.

"Sorry ngayon lang ako nakadalaw," mahina kong paghingi ng paumanhin. Inalisan ko ng dumi ang lapida at ang paligid no'n.

"Alam mo ba... kapag nalaman kong may inalis sila sa'yo? Babawiin ko 'yon," dagdag ko pa. Napangiti ako ng mabasa ang pangalan niya.

Napabuntonghininga ako. Pakiramdam ko ay sobra kong napabayaan si Divine simula ng tumira sa condo ko si Klyzene. Humiga ako sa damo, noon, palagi kaming nagi-stargazing pampalipas oras o 'di kaya naman ay kapag gusto lang namin ng quality time.

I really miss her. We always eat steak when we're having a day...

"Alam mo ba? I'm near to the truth... and this day is crazy, baby." Bumangon ako at tumingin sa langit. Nagkukulay kahel na 'to, papasikat na ang araw.

"Pwede bang tulungan mo ako? Alam kong mali 'tong nararamdaman ko at masasaktan ko siya once na malaman niya ang totoo. What should I do, baby? Please, help me," maramdamin kong ani sa kanya, pumikit ako at dinama ang hangin...

MAGANDA ang naging gising ko kanina. Naalala ko kasi 'yung kiss. Napakagat ako sa lower lip ko bago bumangon sa kama. Kanina pa ako nakahiga at binabalikan ang mga nangyari kaninang madaling araw. Naghahanap ako ng galit sa dibdib ko pero wala.

The trauma that he gave, nawala din dahil sa kanya.

Naglakad ako papunta sa banyo at ginawa na ang morning rituals ko. Masama na yata 'to... bakit nagsasabon na ako ng nakangiti?

The Green Eye DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon