Chapter 10
"Anak? Hindi ka pa ba sasabay sa 'min na kumain?" Tanong ni Papa at umupo siya sa gilid ng kama. 2nd day namin ngayon sa resort at maghapon lang akong natulog, ang sakit kasi ng katawan ko dala ng paglalangoy ko kagabi at pagod na rin sa biyahe.
"Kaning 10 am ka pa huling kumain, 'di ka pa ba nagugutom?" Tanong niyang muli, umupo ako mula sa pagkaka-higa ko at saka ko siya nginitian.
"I just had my snack earlier, 'Pa. I am fine here po, medyo masakit pa din po kasi itong katawan ko." Nanghihinang sabi ko.
"Sige, anak. Pumunta ka na lang sa lobby mamaya, doon kasi kami kakain." Nakangiting sabi niya, I just smiled and nodded.
Pagka-alis niya ay gumawa na lang ako ng mga plates, ginagaya ko lang 'yong mga nakikita ko sa online. Gusto ko na rin kasing matuto kung pa'no gunawa ng plates, sa pagkaka-alam ko at mahirap daw gumawa ng mga plates. Kanina pa nga ako naiinis dito dahil hindi pumapantay 'yong mga lines ng mga ni-dadrawing ko, natigilan ako nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
Friz:
"Hey, good evening. I heard na hindi ka pa raw kumakain:< I brought some foods, on my way to your suite."
Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang message niya, mas lalo akong nagulat dahil may kumatok bigla sa pinto ng suite ko.
"Dianne," I heard the tone of his low voice, I quickly pick my stuffs and I putted on my drawer. I heard a knock once again, baka isipin niya na natutulog ako ulit. Tiningnan ko saglit ang sarili ko sa salamin at saka ko siya pinag-buksan.
"Hi, bakit hindi pa kumakain ng dinner? Nagpapa-gutom ka ba?" Tanong niya sa akin, hindi ako naka-sagot dahil pumasok na siya kaagad. Nilagay niya ang dalawang plastic sa mesa, my forehead creased when I saw the plastic bag.
"Nag-order ka pa sa Max's?" Tanong ko, nilingon niya ako at saka niya 'ko nilapitan. Marahan siyang tumawa at saka ginulo ang buhok ko.
"Yeah, I know that's your favorite. Care to share your foods with me?" He asked in a low tone.
"Galit ka ba kasi dahil hindi pa 'ko kumakain?" Tanong ko rin sa kanya, sinamaan niya ako ng tingin. Mukhang galit nga siya.
"Slight, bakit ba kasi nagpapalipas ka ng gutom?" Sabi niya, humila siya ng upuan saka niya ako hinila at pinaupo niya ako roon.
"Pagod kasi ako kagabi tapos ang sakit pa ng katawan ko dahil sa byahe tapos nag-swimming pa tayo. I took a nap for almost 12 hours but I still want to sleep." I said to him, I rested my head on my chair.
I just observed him preparing my food, I quickly smiled when he finished doing that."Gusto mo magkape tayo after natin mag-dinner?" He asked, I just smiled and nodded.
"Masakit pa rin ba ang katawan mo?" He asked.
"Hindi naman na masyado, pagod lang talaga ako kagabi." Saad ko.
"Dapat hindi ka na nag-swimming kagabi, e. Pagod ka pala sa biyahe niyo, dapat ay natulog ka na lang kahapon." He said.
"Hey, don't be guilty. Choice ko naman na samahan ka mag-swimming kagabi, e. At saka, nag-eenjoy talaga ako sa tuwing kasama kita." Wala sa sarili kong sagot, napansin ko ang pananahimik niya. Napatingin ako sa kanya at namumula ang tenga niya, nakaawang pa ang kanyang labi.
"Tara labas tayo," Saad niya at tumingin siya sa 'kin, nagulat siya dahil nakita niyang nakatitig ako sa kanya. Kaagad akong umiwas ng tingin at saka ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"Okay, diyan lang naman tayo sa lobby, hindi ba?" Tanong ko.
"Oorder lang tayo ng iced coffee tapos iikot lang tayo sa resort, ayos lang ba 'yon sa'yo?" Tanong niya, ngumiti ako saka tumango.
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Teen Fiction"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...