Chapter 23
Nakita ko kung paano nahuhulog ang mga dahon mula sa puno na malapit lang sa bintana ng kwarto ko. Kanina ko pa pinagmamasdan ang malakas na buhos ng ulan, nanlalamig na ako kaya sinara ko na lang ang bintana ko. Hapon na rin kasi at malapit nang sumalubong ang gabi kaya mas lalong nilalamig ang katawan ko.
Pinili ko na lang na humiga dahil sumasakit na rin ang buong katawan ko, hinawakan ko ang leeg ko at naramdaman kong mainit iyon. Masakit na nga ang puson ko dahil meron ako ngayon tapos bigla naman akong lalagnatin!?
“Mukhang lalagnatin yata ako,” bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang phone ko at marami akong na-receive na text and calls kay Friz. Umirap ako.
“Galing niya naman, ano. Ngayon lang niya ako sinuyo!” naiinis na singhal ko. Kahit na naiinis ay tiningnan ko iyon isa-isa. Iba-iba ang date na naroon at napansin kong last week pa ang mga messages niya.
Him:
“Mien, I think we need to talk.”
“Please... Dianne. Kausapin mo naman ako, oh.”
“Hey, how are you feeling? Hindi ka raw kumakain mula kagabi, sabi sa akin ni Papa. Should I visit you?”
“I miss you so much. I love you and it will always be.”
Nangilid ang luha ko nang mapagtanto na gusto niyang ayusin ang relasyon namin... naming dalawa. Nariyan pa pala siya. Hindi niya pa rin pala ako iniiwan. Muling tumulo ang luha ko dahil gulong-gulo pa rin ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
“Paano ko ba ito sisimulan? At saan ako magsisimula muli?” I whispered while sobbing.
My phone rang after 3 seconds, I saw that it was my Dad. Malaki ang pagtatampo ko sa Papa ko pero mukhang mahalaga siguro ang sasabihin niya.
“Gladly, you answered my call! Bakit ka ba hindi lumalabas diyan sa kwarto mo!? May problema ka ba? Buksan mo na ang pinto at para mabigyan kita ng pagkain mo!” he yelled through the phone.
“Dad, I don‘t have the energy to have an argument with you. My heart and mind is tired, also my soul. I think I am going to have a sick, I just want to rest. Just leave me... leave me alone for a while,” I begged but he didn‘t listen to me.
“Nandito sa baba si Friz kaya buksan mo na ‘yan pinto ng kwarto mo! May gamot dito sa baba kaya ayusin mo naman ‘yang sarili mo!” he yelled again for the 2nd time. I sighed deeply and decided to unlock the door.
I quickly go to my bed and pretended that I am already asleep. Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Pagtapak niya pa lang sa loob ay nakilala ko na kaagad ang amoy niya.
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Friz sa leeg at noo ko, narinig ko ang mabibigat na hininga niya.
“Ang taas ng lagnat mo. Ano ba‘ng pinaggagawa mo sa buhay mo, Dianne?” sermon niya. Kung hindi lang ako nagpapanggap na tulog dito, paniguradong siya ang sinesermunan ko ngayon!
“Are you already asleep?” he asked. Malamang hindi! Nandiyan ka na naman sa tabi ko, e!
“I guess, you‘re asleep.” He caressed my cheeks and because of that move, I want to open my eyes but I can‘t.
Hindi ko alam kung nariyan pa ba siya pero hindi ko pa rin naririnig ang pagbukas ng pinto.
“We have an upcoming party in our house this week, ‘Pa. A victory party po, my grandparents want to invite you,” rinig kong sabi ni Friz kay Papa. Party? Kailan kaya iyon? Paniguradong matagal na nila ‘yang pinaplano pero bakit hindi niya man lang iyon binanggit sa akin?
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Teen Fiction"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...