Chapter 45
Niyakap ko ang likuran ni Dianne nang bumisita siya sa apartment ko. “Oh, bakit?” tanong niya saka tumawa.
“Wala, ang bango mo kasi,” sagot ko at mas lalo siyang tumawa. Bumitaw siya sa yakap ko at hinawakan niya ang pisngi ko.
“Ang clingy mo na palagi sa ‘kin, ah?” sabi niya habang nakangiti sa akin. Ang ganda niya talaga.
Hinawakan ko rin ang pisngi niya. “Kasi mahal kita.”
Nakita ko kung paano namula ang pisngi niya at napahalakhak ako. Bumitaw tuloy siya sa akin para paluin ang braso ko.
“Kainis ka!” natatawang saad niya. I just chuckled and I hugged her waist again.
“Tumawag pala si Lolo M sa akin kanina.” She looked at me.
“What did he say?” she asked and I smiled. I tucked the strands of her hair on her ears.
“He wants to see you, pati na rin pala si Lola M. Miss na raw kasi nila ang magiging asawa ko, e.” She just pouted and smiled.
“Oh, sige!”
“Gusto mong maging asawa mo ‘ko?” seryosong tanong ko pero tinawanan niya lang ako. Come on, babe. I’m serious in here!
“Siraulo! Sabi ko ay payag ako na bisitahin sila,” sagot niya at tumango lang ako.
“Pero... gusto mo ba na maging asawa mo ‘ko?” tanong ko ulit. Sumeryoso ang mukha niya at tumikhim. Bahagyang naiilang sa titig ko.
“Hmm... nangliligaw ka pa lang nga, e. Tapos kasal na agad?” tanong niya, napakamot na lang ako sa ulo ko. This girl... is really cute.
“Pareho lang naman ‘yon, Dianne.” Itinaas-baba ko ang kilay ko para asarin siya.
“Oo naman... bakit hindi?” she asked while smiling. Napabitaw ako sa kaniya para pigilan ang ngiti ko. She saw my reaction and she laughed so hard.
“Grabe naman! Iba ka pala kiligin sa ‘kin!?” pang-aasar niya pero nangingiting tumango ako sa kaniya.
“Kalma, ako lang ‘to.” Pareho kaming natawa sa sinabi niya.
“Narito na ba sila sa London?” tanong niya, kaagad kong ipinilig ang ulo ko.
“Wala. Nasa Pilipinas pa rin sila,” I answered.
“So, uuwi pa tayo sa Pilipinas?” I nodded.
“Oo. Bakit? Ayaw mo ba?” tanong ko sa kaniya.
“Syempre, gusto ko! I mean... kailan natin sila bibisitahin?” I squinted my eyes.
“Sa Friday, nakabili na rin ako ng ticket natin.” Ngumiti siya at tumango sa akin.
“Ano na ba ngayon?” tanong niya.
“Wednesday pa lang naman, you still have one day to pack your things.” She nodded and smiled.
“Samahan mo na lang ako bukas sa apartment ko,” sabi niya at tinanguan ko lang siya.
“Anyway, gutom na ako.” Tumabi siya sa akin at humilig sa balikat ko.
“Saan mo ba gustong kumain?” tanong ko habang kinakalikot ang phone ko.
“Sa Mcdo ka na lang umorder ng foods natin, miss ko na pagkain doon, e.” Kaagad akong tumango, sinabi niya rin naman kaagad ang order niya.
Nang maka-order ako ay kaagad kong niyakap ang bewang ni Dianne, napahagikgik lang siya. Hinawak-hawakan niya ang buhok ko habang nag-sscroll siya sa phone niya.
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Teen Fiction"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...