Chapter 32

14 1 0
                                    

Chapter 32

“Sigurado ka ba talaga riyan sa chosen school mo? Baka naman ay ma-pressure ka at mahirapan ka diyan,” paninigurado ni Kuya sa akin.

Kumakain kami ngayon sa isang sikat na restaurant at dito talaga ako dinala ng Kuya ko. The foods really tastes so good! Pwedeng-pwede kong dalhin dito si Dizelle, Friz, at Kinuel. Of course, libre na naman ako ni Kuya Derrick dahil wala naman na siyang choice. Panganay siya, e. Kaya deserve ko talaga ‘to. At saka, sobrang mahal ng mga pagkain dito!

“Oo, Kuya. At saka, duh!? May possiblity kayang makita ko roon si Diz,” sagot ko naman.

“Wala pa rin akong balita sa kaniya, Dianne. She also blocked me in my social media’s accounts. Hindi ko rin siya matawagan, nagpalit siguro siya ng number.” Napasimangot ako sa sinabi niya.

“I checked my conversation with her, she also did what she did to you. Naka-block din ako sa kaniya,” malungkot na sabi ko.

“Kelan kaya siya magpapakita sa atin? I really want to see her,” I added.

“Let’s just trust to the process, we will find her soonest.” I just nodded and gulped.

“Sarap dito sa restaurant na ‘to, ah. Sana always,” pagbibiro ko.

“Of course, this is my favorite place in London.” His forehead creased. “At saka, ano’ng always!?”

“Sana always mo akong i-lilibre rito,” I said while smirking at him. I smiled widely to tease him more.

“Grabe ka, ha. Porket ikaw ang bunso sa inyo ni Dizelle, e!” parang nasasaktan na sabi niya.

“Oo, tama lang iyon! For sure, si Dizelle palagi ang kasama mo rito!” pagtatampo ko pa.

“Malamang, sino pa ba?” tanong niya.

“Iyong ano... iyong girlfriend mo!” dagdag ko pa.

“What? She is not living in London, she just stayed here last month.” I squinted my eyes.

“Huh? Saan mo ba siya nakilala?” tanong ko habang nilulunok ang pagkain ko.

“Sa Ateneo,” sabi niya.

“Ano!?” gulat na sabi ko sa kaniya, sinamaan niya ako ng tingin.

“Oa mo!” natatawang sabi niya.

“Hindi kasi kapani-paniwala na may jowa ka, e!” pang-aasar ko.

“Sobrang judgemental mo naman!” wika niya.

“Paano mo naman ‘yan nakilala? Reto-reto?” tanong ko pa.

“Ano ako!? Cheap!? I don’t do retos,” he said while smiling.

“Pero... I met her in school. She’s a Psychology student, incoming 3rd year.” I gasped.

“Ano nga ulit name niya?” I asked and he smiled again, more wider than earlier.

“Kimylexa,” he whispered, my eyes widened. Suddenly remembered my friend, Amalia. Kimylexa Amalia Lezuno.

“May kakilala rin akong Kimylexa!” saad ko.

“Really? What’s her full name?” he asked.

“Kimylexa Amalia Lezuno! Psychology student din sa Ateneo,” dagdag ko pa.

“Wait... what?” he asked, my forehead creased.

“Bakit!? Siya ba ang girlfriend mo!?” tanong ko pa, tumango siya.

“Oo, e.” Napatakip ako sa aking bibig.

“Seryoso ka ba!?” Tumango siyang muli.

“Paano mo siya nakilala?” simpleng tanong niya.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now