Chapter 44
“Shh... tahan na. Okay na ‘yon,” pag-alo ko sa kaniya. Umiling-iling siya at humikbi pa siya lalo. Hinigpitan niya rin ang yakap niya sa akin.
Ang baby talaga!
“Ang clingy, ha.” Natawa pa ako sa pang-aasar ko sa kaniya. Napabitaw tuloy siya sa akin at inirapan niya pa ako!
“Na-miss kasi kita... sobra,” mahinang bulong niya sabay ngiti. Lumapit ulit siya at sumandig sa balikat ko.
“Ikaw? Did you miss me?” he asked while holding my hand. See!? Ang landi-landi!
“Hmmm... oo na rin.” Nakita ko ang pagsilay ng ngiti niya.
Humikab ako dahil masyado akong pagod, umupo ako nang maayos para magpaalam sa kaniya.
“Antok na ako, gusto ko nang umuwi,” paalam ko at tumingin ako sa kaniya.
He pouted like a child. “Sa akin ka na lang umuwi.” Itinaas-baba niya pa ang kilay niya para mang-asar. Nangingiti akong inirapan siya.
“Wala naman akong damit.” I looked at my dress, it is really showing my upper part. I saw that he glanced at it and looked away.
“You can borrow my shirts,” he uttered.
“Hindi pa ako nagpapaalam kila Papa,” panunukso ko. He grinned at me.
“Pero gusto mo rito, ” he said with a playful but in a low voice.
“Hindi ka sure,” sabi ko sabay kibit-balikat, nakita kong nakatulala pa siya sa akin.
“Oh, ano? Ipapaalam mo ba ako or tititigan mo lang ang kagandahan ko?” panenermon ko.
“Both.” Hahampasin ko pa sana siya ng unan pero tumawa lang siya sa akin.
“Okay, babe.” I became a statue because of what he called me.
Oh, God. May epekto pa pala ‘yang endearment namin sa ‘kin.
Sandali akong napatingin sa kaniya na ngayon ay tahimik na tumitingin sa phone niya. “W-what did you say?” I asked.
He glanced at me and he gave me a smile... a sweetest smile.
“Babe...” he uttered again, I gasped and chuckled.
“Hindi pa kaya tayo nagbabalikan,” biglang saad ko. Alam kong nagulat siya roon at ganoon din ako!
“Gusto mo ba na magkabalikan tayo?” tanong niya. Walang halong biro, walang halong tawa. Seryosong-seryoso siya sa sinabi niya.
“I mean... we’re friends? Tapos tatawagin mo ‘kong babe,” I just said and I let out a fake cough.
“Hindi ba pwedeng friends with benefits?” panunukso niya, matalim ko siyang tiningnan.
“Kahit kailan talaga, napaka-pilosopo mo!” singhal ko.
He just chuckled and went towards me. “Pero hindi naman ‘yon ang tinatanong ko. I’m asking you if you still want me to be with you in your life... again.”
I gave him a smile, my sweetest smile that I’m showing to him when we are still together. “Masasagot ko lang ‘yang tanong mo kapag babasahin mo lahat ng messages sa jar na niregalo ko sa ‘yo.” Itinuro ko sa kaniya ang regalo ko at kinuha niya iyon.
“As in right now?” he asked.
“Kapag nagkikita lang tayo, Friz. Pero kung gusto mong araw-arawin... pwede rin naman. Tapos sabihin mo sa akin ‘yong huling nabunot mo, within this week lang, ah?” hamon ko.
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Roman pour Adolescents"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...