Chapter 16

13 1 0
                                    

Chapter 16

“Alam mo ba kung nasaan si Glenn?” tanong ni Mama sa ‘kin nang pumasok siya sa kwarto ko, I am revising our research now.

Matagal bago ko siya nilingon at tinititigan ko ang kaniyang mukha. 

“I don't know if where he is, Ma.” Nakita kong lumungkot ang mukha niya, tinanguan niya na lang ako at saka siya umalis sa kwarto ko. I sighed heavily.

When I discovered who I actually was, I decided to avoid my father and stepmother as much as possible. I don't want to hear any more accusations from them, probably because it's too difficult to trust them. 

Nanghihina akong sumandig sa swivel chair, unti-unti kong inaalala kung ano ang nangyari noong nakaraang araw. To prevent my tears from falling, I tried very hard to look up. Napaiwas ako ng tingin dahil biglang tumulo ang luha ko.

Hanggang kailan pa ba ako magiging ganito? Hanggang kailan ba ‘ko magtatanong sa sarili ko? Sa mga tanong na hindi pa nabibigyan ng kasagutan.

“I don't know what to do anymore,” I whispered to myself. I sobbed because I am too messed up. Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko… kung sino ang kakausapin ko. I am here… just by myself.

Hindi ko… hindi ko magawang kausapin si Friz dahil ayokong mag-alala siya sa akin. Gusto ko rin ng makaka-usap pero nag-aalinlangan akong lumapit sa ibang tao. Dahil siguro ay baka maka-istorbo ako sa kanila o siguro mas gusto ko na lang na sinasarili ko ang bigat na nararamdaman ko.

Ni-off ko muna ang laptop ko, paniguradong wala akong matatapos ngayon dahil sa gulo ng aking isipan. Humiga ako sa kama at ilang minuto akong nakatulala sa kisame. Iniisip ko kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko, hindi ko na alam kung paano ko kakayanin ang lahat.

Nagulat ako nang biglang tumawag si Friz sa akin, I automatically wipe my tears. Yes, he‘s still here. The one of the reasons why I am still alive, why do I choose to be alive.

“Hey,” bati ko sa kaniya, nakita ko sa screen ang biglaang pagngiti niya.

“Ba‘t ka napatawag? May kailangan ka ba?” tanong ko sa kaniya, nakita kong seryoso ang mga titig niya sa ‘kin.

“Nothing, Mien. I just want to check you.” Kaagad akong napangiti dahil doon. This guy is really random! 

“Huh? Bakit naman?” tanong ko sa kan'ya.

“Just simple, I love you, Mien. I will always love you,” he seriously said to me.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga katagang iyon. Napairap tuloy ako sa kaniya dahil ramdam kong biglang uminit ang pisngi ko.

“Parang miss mo ‘ko, ah.” Umupo ako saglit para makausap siya ng maayos, narinig ko ang mahihinang tawa niya. 

“Sakto lang,” pag-amin niya, napangisi lang ako roon. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang bigla akong nakaramdam ng lungkot sa aking sistema. I sighed heavily, I want to breakdown again. I want to tell him about my family issues. Pero wala akong lakas ng loob na sabihin ang lahat-lahat sa kaniya, dahil nahihirapan ako na i-open up iyon sa kaniya. Hirap na hirap pa rin ako na tanggapin iyon lahat-lahat.

“Friz, inaantok na ako. Kanina pa kasi ako nagrerevise ng research namin, matutulog na muna ako,” pagdadahilan ko, humikab ako kunwari para paniwalaan niya ako.

“Do not forget to rest din, Dianne. Sleep well.” Siya na ang kusang pumatay ng tawag at pagkatapos noon ay saka bumuhos ng tuluyan ang luha ko.

Bakit kaya ganoon? Bakit kailangan pa na mangyari ito sa buhay ko? Bakit ako pa? I wiped my tears when someone knocked at my door, I pretended that I am doing something. Nalaman ko na lang na si Papa pala iyo nang lingunin ko ito.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now