Chapter 29

5 1 0
                                    

Chapter 29

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyari kagabi, ang ginawa ni Papa kay Mama. Nangyari ba talaga iyon!? O nagmamalikmata lang ako!? Pero parang imposible naman kasi iyon dahil sobrang malinaw pa sa memorya ko ang nangyari.

Totoong mahal pa ni Papa si Mama? E, bakit niya pa pinakasalan si Tita Anya? Ano ba ang pumasok sa utak ni Papa at pinakasalan niya pa ‘yang si Tita Anya kung mahal niya pa si Mama!? Napapailing na lang ako habang nagsusulat. Tinawag na ako ni Papa para mag-tanghalian, ngumisi pa ako sa kaniya at kumunot ang noo niya nang gawin ko iyon.

“Pag-ibig nga kaya. Pareho ang nadarama. Ito ba ang simula. ‘Di na mapipigilan. Pag-ibig nga ito. Sana‘y ‘di matapos ang nadaramang ito. Pag-ibig nga kaya ito.” Pagkanta ko.

“Ano na naman ‘yang trip mo, Dianne?” tanong ni Papa sa akin. Matamis na ngiti ang pinakita ko sa kaniya.

“Ikaw, Papa, ah! May hindi ka sinasabi sa akin!” kunwaring pagtatampo ko sa kaniya.

“Ang alin ba? Wala naman akong sikreto sa ‘yo, ah?” pagkukunwari niya.

“Talaga ba?” pangungutya ko. Inis siyang bumaling sa akin.

“Oo!” suway niya sa akin, kinuha ko ang phone ko at may hinanap ako.

“Iyon! Nakita ko na!” tuwang-tuwang sabi ko at pinakita ko sa kaniya ang picture nila ni Mama kagabi.

“Nakita ko kayo na nag-iinuman kagabi,” panunumbat ko. I saw how he pursed his lips.

“E, ano naman ngayon!?” singhal ni Papa.

“Hindi lang kaya kayo nag-inuman kagabi. I even saw something!” I uttered.

“A-ang ano?” nauutal na sabi ni Papa.

Mukhang kinakabahan rin siya!

“You kissed her... my Mom,” nakangiting sabi ko.

“Oh? Tapos?” tanong niya na parang hindi ‘yon big deal.

“Anong ‘Oh, tapos?’ ka diyan!?” singhal ko. Sa totoo lang, sino ba talaga ang anak dito!?

“Ano ba ang kaso roon? Big deal ba ‘yon sa ‘yo?” tanong niya.

“Duh! It is really a big deal! You still love my Mom, right!?” I asked.

“Hindi kaya!” pagsisinungaling ni Papa.

“Hindi raw pero hinalikan,” panunukso ko sa kaniya.

“Ikaw, Dianne, ah! Huwag mo ‘kong sinisimulan diyan.” Tumawa ako nang malakas dahil sa inasal niya.

“Ito naman si Papa, oh! Masyado ka namang defensive! Kalma ka lang po kasi, hindi ko naman ‘yon sasabihin sa kaniya,” tumatawang sabi ko kaya tumawa lang din siya.

“Pero seryosong usapan, ‘Pa.” Umayos siya ng upo, kaya inayos ko rin ang pag-upo ko.

“Hmm?” tanong niya habang nakatitig nang mariin sa akin.

“Do you still love my biological mother?” I asked seriously. His mouth went agape and he smirked. He looked at his wrist watch and then he stood up, ready to leave.

“Hindi naman ‘yon nawala, e.” Nagkibit-balikat siya at namilog ang mata ko.

“What!? Seryoso ba ‘to!?” tanong ko pero tinawanan niya lang ako!

“Just leave me the rest, anak. Hintayin mo na lang ang mga gagawin ko.” He then waved his hand and left me. I just shook my head again and again.

“Grabe talaga itong mga pakulo ni Papa, hindi ko kinakaya!” naiinis na bulong ko sa sarili ko. Kung ano man ang gagawin niya, susuportahan ko na lang siya.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now