Chapter 42
“And now, we’re finally done,” I whispered as I observed the restaurant.
Nakita kong papalabas sa restaurant si Friz, napatingin siya sa akin at nilapitan niya ako.
“How was it?”
“Wow, ang ganda niya kapag tiningnan sa labas.” He observed the outcome of his restaurant and he looked at me.
“Thank you, Dianne. Thank you for making this happen.” Ngumiti lang ako at tumango.
Magsasalita na sana ako kaso lang ay tinawag siya ni Engineer Hector. “Sandali lang.” I just nodded at him.
Tiningnan kong muli ang kabuuan ng restaurant, sobrang ganda nito. May mga upuan at tables na nakahilera sa labas ng restaurant at meron ding mga halaman na naka-display doon. May nakalagay din na ‘Winterianne Restaurant’ sa entrance.
I just wondered why he named his restaurant like that. I just shrugged my shoulders. Trip niya lang siguro.
Kapag papasok ka naman sa loob ay ganoon din ang disenyo kagaya ng sa labas. Ang pinagkaiba lang ay mga antique designs ang nilagay namin doon, doon daw kasi mahilig si Friz. Which I didn’t knew before.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Kinuel, napatingin tuloy ako sa kaniya.
“Ganda naman ng ginawa natin,” bulong niya sa akin.
“Sus! Plates ko lang naman ginamit diyan!” pagmamayabang ko.
“Huy, correction! Plates nating dalawa.” He really emphasize the word ‘natin’. Loko-loko talaga ‘to! Ako rin lang naman ang umayos ng plate niya.
“Tara, kain?” yaya niya sabay tingin sa akin.
“K, basta libre mo!” Lumayo ako sa kaniya dahil alam ko na ang kasunod doon.
“Kkb tayo, ‘no! Hindi na uso ngayon ang libre,” sagot niya, tinawanan ko lang siya.
Doon kami sumakay sa kotse niya at pumunta kami sa may 14 hills.
“Oh, bakit mukhang malungkot ka?” tanong ni Kinuel nang makuha na namin ang order namin.
“Ha? Hindi kaya,” sagot ko.
“Oo, eh. Kitang-kita ko kaya na malungkot ka,” dagdag niya.
“Hindi nga, may iniisip lang ako.”
I was just thinking about the kisses that Friz and I shared last night. May meaning ba ‘yong paghalik niya sa ‘kin? O kaya... may meaning ba ‘yon sa kaniya? E, bakit niya kasi ako hinalikan!? Sinabi ko lang naman na may mahuhulog, e. Tapos bigla siyang nanghahalik!?
“Oh, ano naman ‘yan?” tanong niya pa, inirapan ko lang siya.
“Pati pa ba naman iniisip ko ay sasabihin ko pa sa ‘yo!?” Tinanguan niya ako para mang-asar.
“Napaka-chismoso mo!” Tinawanan niya lang ako at pinagpatuloy niya ang pagkain.
“Alam ko kung bakit ka nalulungkot,” panimula niya.
“E, hindi nga kasi ako malungkot!” Did I sound too defensive?
“Ma-mimiss mo kasi ‘yang si Friz,” pang-aasar niya, napasimangot ako dahil sa sinabi niya.
“Hindi mo sure!” I raised my hand to call the waiter and I want Kinuel to shut up. Palagi niya kayang sinasali sa usapan namin si Friz kahit wala naman dito ang lalaki.
“Libre mo?” tanong niya, tumango na lang ako para wala na siyang masabi pa.
“Oo na! Oo na! Tutal babayaran naman na tayo ni Friz next week.” Kitang-kita ko ang pag-ngisi niya.
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Teen Fiction"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...