Chapter 43

8 1 0
                                    

Chapter 43 

Trigger Warning: Mention of Rape and Abuse

Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko na ngayon ang kakambal ko. Para kaming baliw na nakatitig lang sa isa’t-isa.

“Totoo ba talaga ‘tong nangyayari?” bulong niya at hinawakan niya pa ang kamay ko.

I chuckled and nod. “Oo, Dizelle.”

“Ang ganda mo pala sa personal,” untag niya, inirapan ko siya.

“Ikaw din naman, ‘no! Magkamukha kaya tayo!” natatawang sagot ko.

“Kain na tayo?” excited na yaya niya, tumango ako.

“Kumusta ka na?” tanong ko.

“Okay lang naman ako, Dianne. Alagang-alaga ako ng jowa ko, kaya mainggit ka,” she said with a teasing smile. I just rolled my eyes.

“Nagkabalikan kayo ng ex mo?” tanong ko pa.

“Omg! Are you referring to Jude?” she asked.

“Oo, siya kaya iyong huli nating pinag-usapan. Kung siya lang naman, break up with him.” Umirap siya sa akin at saka tumawa.

“Gosh! I am not that stupid to be with him again, ‘no!”she uttered.

“Oh, edi sino?” She leaned on her chair and she smiled.

“Si Friz.” Nabulunan ako dahil sa sinabi niya, binigyan niya ako ng tubig at saka ko iyon iniinom.

“Totoo?” seryosong tanong ko.

“I’m just kidding!” she said and she even laugh at me! Na akala mo ay may nakakatawa sa sinabi niya!

“Walang nakakatawa, beh.” Inirapan ko siya at humalakhak pa siya lalo.

“His name is Lim, Limace Buena Lezuno.” Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya.

“I know that you know him, Dianne. And he apologized to me when I found out what happened to you.” She shrugged his shoulders and smiled at me.

“I met him on their church, 1 year na akong member doon. My friend invited me to go there kasi tapos ayon... naging close kami ni Lim.” Ngumiti-ngiti pa siya.

“Nagustuhan mo ‘yon? At saka bakit nag-iba ‘yong apelyido niya?” tanong ko.

“Grabe ka naman! Nagbago naman ‘yong tao, e. At saka... ang galing niyang mag-preach,” sabi niya pa. “And about his surname... it’s a personal issues thing. You know.” Tumango-tango ako.

“Okay pero... sigurado ka na ba talaga sa kaniya? I mean... I really don’t know him well. I know that you are traumatized and I’m sorry for bringing it up. I’m just worried. Alam mo naman ‘yon.” She held my hand and smiled.

“Don’t worry, ‘Di. I’ll be fine and I know that I am safe with him.” Tumango na lang ako.

Napansin kong tumitingin-tingin sa amin si Friz sa likod ng kitchen, curious siguro siya kung ano ang pinag-uusapan namin ni Dizelle. Napasimangot tuloy ako sa kaniya, palihim akong umirap at alam kong nakita niya iyon.

He chuckled and nodded, then he waved his hands.

“Ba’t nakasimangot ka?” tanong niya. Napansin niya siguro na nakamasid ako sa likuran niya. Tumingin tuloy siya sa direksyon ni Friz.

“Umasa ka, ‘no?” panunukso niya.

“Umasa na ano?” bored na tanong ko habang hinahalo ang shake ko.

“Na kayo ang magka-date!” sagot niya.

Ngumisi ako. “Hmm... oo.”

“Omg ka! Galaw-galaw, sis!” Gumalaw-galaw ako para asarin siya. She gave me a shot glare.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now