Chapter 15
"Dianne," rinig kong tawag ni Ella.
"Ano?" tanong ko.
"May practice raw mamaya, 10 am to 3 pm daw." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ay oo? May sinabi sa GC?" Tiningnan ko ang GC namin at nakita kong may announcement si Sir.
Sir Dennis:
"Practice later in Magsaysay Dance Studio, 10 am to 3 pm."
"Bakit? Anong meron?" tanong ko.
"Huh? Ba't 'di mo alam? Ay, oo! Nagka-sakit ka pala, ngayon ko lang naalala. Nagkaroon kasi ng meeting kahapon, magkakaroon daw ng performance ang Pep Squad sa darating na Intrams next month. Kaya we need to prepare daw sa performance natin, nakaka-excite na nakakakaba," mahabang pahayag niya, namilog ang mata ko dahil doon.
"Kinakabahan kaagad ako kahit matagal pa naman 'yon. Grabe, for sure maraming tao sa araw na iyon." Tumango si Ella bilang pag-sang ayon. Nang dumating si Friz ay tinanong niya ako kung ayos na raw ba 'ko, tumango-tango lang ako sa kaniya.
"Oo, okay na ako. May practice nga pala kami mamaya." Seryoso niya akong tiningnan saka kumunot ang noo niya.
"Saan? Anong oras? Kaya mo na ba?" tanong pa niya, magsasalita na sana ako pero nagsalita si Cleia.
"Friz being clingy and possessive to Dianne. Day 1," tumatawang sabi niya, pati ako ay natawa rin.
"Magsaysay Dance Studio, 10 am to 3 pm. Don't worry, I'll be fine." Tinapik ko ang balikat niya, nakita ko na ang professor namin at saka ako na-upo.
Nang mag-10 am na ay dumating na si Ate Joh para i-excuse kami.
"We are here to excuse the Pep Squad Members. Dianne Arevalo, Ella Bernales, Faith Cruzado and Elizabeth Santos." Kaagad na nagsitayuan ang mga tinawag ni Ate Joh, nginitian ko siya nang makalapit ako sa kaniya.
"Kunin niyo na 'yong mga bags niyo, hindi na raw tayo babalik dito." Kinuha na namin ang mga bags namin, lalabas na sana ako nang hawakan ni Friz ang braso ko.
"Bakit?" I asked, I saw the cuteness in his eyes.
"Doon ka na maglulunch?"
"Oo, e. Kita na lang tayo after class."
What a clingy and possessive, Friz.Umalis na sila kaagad ako at nakita ko na hinihintay na nila ako. Sir Dennis gave us some instructions and we already went there afterwards. Malaking dance studio pala ito, may malaking salamin din sa gilid at may mga upuan din sa likod.
May pinanood sa amin na video si Sir at iyon na raw ang i-peperform namin next month. Itinuro nila sa amin ang mga steps at by pair daw namin iyon isasayaw mamaya. We dismissed our session and we had our lunch break. Habang naglalakad kami ay may narinig akong may tumatawag sa akin.
"Dianne? Ikaw ba 'yan!? Hoy!" sabi ng isang pamilyar na boses.
"Kin!" Kaagad kong niyakap ang kaibigan ko, ginugulo-gulo pa ni bangkay ang buhok ko.
"Kamusta ka na? Tagal kitang hindi nakita, ah!" sabi ko, kumunot ang noo niya.
"Ayos lang naman ako! Anong ang tagal na hindi nagkita!? Nakita kita last month sa London, e!" aniya.
"Ha!? Ano!?" Tinanguan niya ako.
"Oo, Didi! Nakita kita sa London, short blonde hair ka pa nga, e!" Nag-iba bigla ang reaksyon ko.
"Nagulat nga ako na naroon ka, e! Nag-eye to eye pa nga tayo tapos hindi mo man lang ako pinansin!" nagtatampong sabi niya.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Kinuel. Sa Sorsogon at Batangas kami pumunta noong summer, promise! At saka, never ako nagpakulay ng buhok." Hinawakan ko pa ang buhok ko, it's pure black and my hair is long.
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Teen Fiction"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...