Chapter 22
Napabuntong-hininga ako dahil kanina pa ako nag-aaral dito sa library, ako lang ang mag-isa na naririto sa library dahil vacant namin ngayon. Hindi ko nga alam kung ano ang uunahin ko. Kung gagawa ba ako ng plates ngayong araw o mag-aaral ba ako for our midterm exam.
I rested on my chair because of the exhaustion that I am feeling, I closed my eyes to relax my mind and to have some inner peace. Resting is the best choice that I am doing whenever I cannot focus and concentrate in my studies or during reviewing my notes. I heard a noise from a chair, I automatically opened my eyes to see what's happening.
Napa-atras ako ng upo dahil may lalaking naka-upo sa harapan ko, bigla-bigla man lang siyang umupo riyan! Ni hindi man lang magtanong sa akin kung may naka-upo ba riyan o wala!
I observed his face, he looked unbothered with my presence! He has wide set eyes, his hairstyle is a hockey one. And his lips are too thin yet pinkish. Kung tutuusin ay para talaga siyang isang model sa isang sikat na clothing brand. Aaminin ko rin na gwapo siya pero mukhang hindi siya mapagkakatiwalaan.
"Miss?" he called me. I widened my eyes because I didn't expect that he will call me!
"Bakit?" masungit na tanong ko.
"Tanong ko lang kung may naka-upo rito sa inuupuan ko? You looked bothered," he said honestly.
"Ah wala, nagulat lang kasi ako sa presensya mo." Bumalik ang tingin ko sa mga notes ko at nagsimula akong mag-review ulit.
"I guess, you're reviewing for the midterm exam." I sighed because of his jolliness!
"Dami mo namang tanong," sabi ko at hindi ko mapigilang ngumisi.
"Sungit mo naman, Dianne! Nakakasakit ka ng feelings!" sabi niya at humawak sa dibdib niya, umaaktong para talaga siyang nasasaktan.
"How did you know my name?" I asked.
"Nakakalat ang mga gamit mo, Miss. Syempre, inalam ko ang name mo," sabi niya habang nakataas-baba ang kilay niya. Hinayaan ko na lang siya na umupo riyan dahil baka vacant din siguro nila ngayon.
Nasa kalagitnaan ako nang pagrereview nang istorbohin na naman ako ng lalaking 'to! So, ano ba'ng trip niya sa buhay niya!? Wala na ba siyang ibang kaibigan na pwede niyang kausapin!?
"Maxlaur Keinore Delgado," he said. Napakunot ang noo ko.
"Ano?" nalilitong tanong ko. He brushed his hair and gave me a playful smile.
"My name is Maxlaur Keinore Delgado, I am from Japan." He offered his hand, I just stared at it giving him a firsthand embarrassment.
Hinawakan niya na lang ang kamay niya at doon ako tumawa. Kinuha ko iyon para sa shake hands.
"Mukhang mabait ka naman, well, siguro." I shrugged my shoulders.
"Grabe ka naman!" pag-aangal niya na siyang ikinatawa ko.
"Ano'ng course mo, Arevalo?" he asked.
"Bachelor of Science in Architecture," I answered.
"Ikaw?" He rested his back on the chair, pagod na rin siya siguro kakadaldal.
"Fine Arts 'yong course na kinuha ko," sagot naman niya. Tiningnan ko ang wrist watch ko kung anong oras na, pasado 1:30 pm pa lang naman. 2:50 pm ang pasok ko mamaya, marami pa ang time ko na makapag-review.
"May gusto lang akong itanong sa'yo," ani Maxlaur, kumunot ang noo ko habang hinihintay ko ang sasabihin niya. Kahit kailan talaga, iniistorbo na ako ni Keinore sa pagrereview ko for our exam!
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Novela Juvenil"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...