Chapter 11
"Dianne! Anong section mo!?" bungad sa 'kin ni Bea nang makita ko siya sa basketball court, kakarating niya lang siguro sa school.
Today is our 1st day of being a Grade 9 student, isang year na lang ay Grade 10 na 'ko next year. Ang bilis naman ng panahon, binalingan ko ng tingin si Bea.
"Hindi ko pa alam sa 'kin, girl! Sa'yo ba? Alam mo na ba 'yong section mo?" tanong ko sa kaniya, umiling siya sa akin at inilagay niya ang braso niya sa braso ko.
"Ayoko pa tingnan, wala pa sila Cleia, e! Pero kasama ko na si Brenna at Callein, nag-breakfast lang 'yong dalawa. Tara, puntahan natin?" Tumango ako at pumunta kaming dalawa sa cafeteria.
"Nasaan ba sila, Bea?" tanong ko kay Bea, hindi kasi namin makita sila Callein at Brenna.
"Ah, oo na! Nakita ko na sila, beh," singhal ko kay Bea na ngayon ay busy kaka-pindot sa phone niya, kaagad na kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi niya ako naririnig.
"Bea!" sigaw ko sa kan'ya.
"Ha? Ano?" tulira niyang tanong, tiningnan niya ako at napa-irap ako sa kanya.
"Sabi ko, nakita ko na sila! Ano ba kasing pinipindot mo riyan sa phone mo?" inis na sabi ko sa kaniya, she smiled apologetically.
"May pupuntahan lang ako, Di. Mauna ka na roon, sige na," paalam niya sa 'kin, aangal na sana ako pero bigla siyang umalis. Inis akong pumunta sa direksyon nila Brenna at Callein, napa-irap na lang ako sa kawalan.
"Oh, Mien. Ba't mukhang frustrated ka? Anong nangyari sa'yo?" Callein asked, I looked at him and I breathe heavily.
"Si Bea kasi! Basta-basta na lang ako iniiwan," naiiritang sabi ko.
"Libre mo nga 'ko, Callein." Utos ko kay Callein at tinapik ko ang braso niya, bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Sa 'kin ka pa magpapa-libre, Dianne. Naka-iphone 7 ka na nga tapos wala kang pang-agahan mo!? Humihirap ka na ba? Kaya ka ba nagpapa-libre sa 'kin!?" pagrereklamo niya, sinamaan ko siya ng tingin at saka ko siya inirapan.
"Dami-dami mong sinasabi, pwede ka namang humindi," singhal ko sa kan'ya at tinawanan niya lang ako, kaagad kong kinuha ang wallet ko para bumili pero laking gulat ko nang mapansin ko na nawawala ang wallet ko pati na rin 'yong phone ko.
"Oh My God! Oh My God!" I reacted because of the anxiousness that I'm feeling right now.
"Bakit, Dianne?" Brenna asked, that made me look at her.
"I can't find my wallet, my phone is also missing. Hindi ko maalala kung saan ko 'yon nailagay, ang alam ko ay nailagay ko iyon dito sa bag ko, e," sabi ko sa kanilang dalawa. Kumunot ang noo nila at mariin akong tiningnan.
"Sigurado ka bang nailagay mo 'yon sa bag mo, 'Di?" Brenna asked, I nodded at her and I keep on finding my things that are missing.
"Hindi pa naman na time, hahabol na lang ako sa first period or second period ng class natin. Uuwi muna ako baka naiwan ko lang iyon sa bahay," paalam ko sa kanila at saka ako tumayo.
"Hoy, wala kang pera pang-commute mo!" sabi sa 'kin ni Brenna, napasapo ako sa noo ko. I realized of what she said, muli akong bumalik sa table nila.
"Bakit 'di ko iyon naisip!?" I asked frustratingly, they just laughed and Callein handed me a small amount of money afterwards.
"Oh, sa'yo na 'yan. Huwag mo na 'yang ibalik sa akin, keep that as a blessing from your boy best friend that is so so so very very very handsome," he said, I laughed and I rolled my eyes.
"May 'so' na nga tapos may 'very' pa, baliw ka talaga. Pero sige na, oo na. Pogi ka na, thank you, Callein!" pasasalamat ko sa kaniya at saka ako umalis.
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Teen Fiction"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...