Chapter 28

3 1 0
                                    

Chapter 28 

“Dizelle, please pick up your phone. Please,” I begged. Kanina ko pa siya tinatawagan dahil gusto ko siyang kumustahin. Matagal na rin kasi noong huli kaming nagka-usap.

“Nakakainis!” naiiritang sigaw ko bago ko itinapon ang phone ko sa kama ko.

“Bakit!? Bakit!?” sigaw din ni Papa habang pumapasok sa kwarto ko.

“Dizelle is not answering my calls, she is really ignoring me since last week. Wala naman akong naaalala na may pinag-awayan kami,” nanghihinang wika ko, nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Papa.

“I‘ve been contacting her in her social medias accounts pero wala pa rin talagang response!” naiinis na sabi ko.

“S-sorry, Dianne. Kung ngayon k-ko lang masasabi ito pero Dizelle is now missing,” pag-amin ni Papa sa akin.

“T-teka! Ano!?” hiyaw ko sa kaniya. Narinig ko ang mabibigat na paghinga niya kagaya rin nang sa akin.

“Kailan pa siya nawawala!?” galit na sigaw ko, nakita ko ang sakit na nagdaan sa mata ni Papa.

“Almost 1 week, Dianne. Sabi raw ng mga kaibigan niya ay after nitong mabagsak sa exam ay hindi na raw siya nagpakita pa sa school nila. They also noticed that everytime they are approaching her, nag-fflinch daw ito at laging umaalis sa room nila.” My forehead creased.

“A-at bakit? May nang-bubully ba sa kaniya!?” tanong ko ulit at muli siyang umiling.

“No, no. Mabuti pa na hintayin na muna natin si Demi dahil siya ang nakaka-alam ng lahat,” sabi pa ni Papa at tuluyan na siyang umalis sa kwarto ko.

Napa-upo ako sa kama ko sa aking nalaman, napahilamos na lang ako sa mukha ko. Kung hindi pa ako sumigaw kanina ay hindi man lang nila sasabihin kung ano ang nangyayari sa kakambal ko!?

Napatingin ako bigla sa bintana ko nang makarinig ako ng ingay, lumapit ako roon at kitang-kita ko ang pagmamadali ni Mama na pumasok sa bahay. I went outside of my room and went downstairs.

“S-si Dizelle,” nanghihinang sabi ni Mama.

“M-ma? Ano‘ng nangyari k-kay Dizelle?” malumanay na tanong ko.

Umiiling-iling si Mama habang may tumulong luha sa mga mata niya, nakakunot lang ang noo ko. Gulong-gulo sa mga nangyayari.

“She was... physically abused by her boyfriend.” Narinig ko ang pagsinghap ni Papa, tila pinipigilan ang sarili na saktan ang kung sino man ang nanakit kay Dizelle.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking pisngi, kaagad ko itong pinunasan. I know that their is nothing wrong to cry but I cannot do anything if I will stay in here. Breaking down.

“Puntahan natin siya sa London, she needs help. She n-needs our h-help,” nahihirapang wika ko.

Nakita ko ang pag-iling ni Mama, doon na ako lumapit sa pwesto nila. “Ma! Bakit!?”

“D-dianne,” nahihirapang saad ni Papa.

“Nawawala si Dizelle at hindi namin siya mahanap! She‘s nowhere to be found!” diretsong sabi ni Mama na tila ba ay napakadaling banggitin ang mga salitang iyon.

Tuluyan na akong napa-upo sa kinatatayuan ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Umagang-umaga pa lang tapos ganito na kaagad ang bubungad sa akin. Hindi pa nakatulong na marami pa akong inaasikasong school works tapos dadagdagan pa ako nang aalahanin ko!?

‘Lord, please. Just let me rest for a day.’

Tumayo ako para abalahin ang sarili ko, hindi pwedeng ganito lang. Hindi pwedeng wala akong ginagawa, dapat ay meron. I opened my bluetooth speaker and I played Kpop song. I danced just to relieve my stress. Yeah, right. Dancing is really my coping mechanism.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now