Chapter 18
Trigger Warning: Death
“D-dianne! Si K-kurt, wala na siya! He's already d-dead!” rinig kong sabi ni Elle sa kabilang linya.
“Huh? ‘Wag mo ‘kong pina-prank diyan, Elle! Kapag ito prank lang, sasakalin kita,” inis na sabi ko sa kaniya. Imposibleng mangyari iyon, pagkaka-alam ko ay magbabakasyon sila Kaitlyn at Kurt sa Albay.
“Hindi ako nang-pprank, Di! Totoong wala na siya.” Napa-upo ako sa aking kama, sobra-sobra akong nanlulumo sa sinabi ni Elle.
Marami akong natanggap na messages mula sa group chat ng CB squad. Hindi ko na inisa-isa pa ang mga messages nila dahil paniguradong si Kurt ang topic doon. Kanina pa namumugto ang mata ko dahil sa nalaman ko kanina. Napansin kong may message sa akin si Friz, I automatically check it.
Friz:
“Hey, have you already knew about it? About Kurt's death?”
Pinunasan ko ang aking luha at nagtype na ‘ko ng message sa kaniya.
Ako:
“Yeah, I already knew about it. Si Elle nagsabi sa akin. I will miss him, Kurt is such a nice friend.”
Nagscroll ako sa Facebook at nakita ko ang mga posts ng mga kaibigan ko tungkol sa pagkawala ni Kurt. I closed the app and then I sighed. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang kaibigan namin. Nagbeep ang phone ko, may message na si Friz sa akin.
Friz:
“Let‘s just pray for his soul, babe. He can now rest in peace. By the way, pupunta ka pa rin ba dito?”
Tama naman siya sa sinabi niya, alam kong masaya na rin si Kurt kung nasaan siya ngayon.
Ako:
“Yes, babe. Pupunta pa rin ako diyan sainyo, papunta na ‘ko.”
Ini-ayos ko ulit ang sarili ko at pumunta na ako sa kanila. Maraming tao ang bumungad sa akin pagkarating ko roon, hindi mahagilap ng paningin ko si Friz. Magtitipa na sana ako ng mensahe sa kaniya, nang may biglang humawak sa bewang ko.
“Well, I guess you're finding me,” he said, I just nodded at him.
“Tara na sa loob?” anyaya niya at tumango ako sa pangalawang pagkakataon.
He assisted me to go inside and I saw that there's a lot of foods placing on their table. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin sila Lolo at Lola M pero hindi ko sila makita dahil sa dami ng tao! Pinalo ko ang braso niya, sabay kurot ng pisngi niya.
“Kainis ka, Friz. Sabi mo kaunting salo-salo lang tapos ang dami palang naririto sainyo!” naiiritang sabi ko sa kaniya.
“Hindi ko naman alam na maraming inimbita sila Lolo at Lola, babe. I-enjoy mo na lang ang sarili mo ngayon.” Malungkot akong ngumiti sa kaniya at tumango. Hinila niya ang kamay ko, hindi ko alam kung saan kami pupunta at sumunod na lang ako sa kaniya.
Napansin kong nasa 2nd floor sila Lolo at Lola M, nang makalapit kami sa kanila ay nagmano ako sa kanilang dalawa.
“Happy birthday po, Lolo M!” bati ko sa kaniya, tumawa lang si Lolo sa akin.
“Salamat sa‘yo, ija! Naibanggit pala sa amin ni Friz na kayo na raw na dalawa, sana ay huwag niyong saktan ang isa't-isa.” Tumawa lang ako sa sinabi niya at saka tumango.
“Kakain lang po kami sa baba, Lolo and Lola.” Tumango lang silang dalawa sa amin.
“Anong gusto mo?” tanong ni Friz.
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Teen Fiction"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...