Chapter 24

19 1 0
                                    

Chapter 24

Trigger Warning: Abuse, Death, Rape and Sexual Harassment

“D-dianne,” rinig kong tawag sa akin. Hindi ko maaninang kung sino ba iyon. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong katawan ko, unti-unti kong minulat ang mata ko.

“Nasaan a-ako?” nanghihinang tanong ko, lumingon ako sa aking paligid. Agad na kumunot ang noo ko nang makita ko si Papa at Tita Ziela.

“Nasa hospital ka ngayon, Dianne.” Iniikot ko ang paningin ko. At bakit naman ako nasa hospital?

“1 day ka nang natutulog diyan sa hospital bed, anak. M-may lagnat ka, ang taas-taas ng lagnat m-mo,” nauutal na sabi ni Tita Ziela sa akin.

Ano naman ngayon kung nilalagnat ako? Bakit pa ako kailangang dalhin dito?

“Lagnat lang naman ‘to, bakit niyo pa ‘ko dinala rito?” naiinis na sagot ko.

Nakita kong nagkatinginan silang dalawa at hindi makasagot. Papa glanced at me seriously and then let out a heavily sigh.

“You have a dengue, sobrang pale mo rin kagabi. You fainted last night, the night you turned your back to us.” I gasped when he mentioned what happened last night. I just smirked weakly.

“Gutom ka na ba? Ano‘ng gusto mong pagkain? Bibilhan kita sa labas,” tanong ni Tita Ziela.

Okay.

Ngayon ay hindi ko alam kung ano ang tatawagin ko sa kaniya.

I didn‘t hesitate to answer her dahil gutom na rin naman ako. Walang maitutulong ang pag-iinarte ko ngayon. “Kahit ano,” I answered coldly.

Gustuhin ko man na ayusin ang lahat-lahat na nangyari kasama sa kanila pero alam ko sa sarili ko na... na hindi pa ako ready na ayusin ang relasyon ko sa mga magulang ko. Dahil masakit pa rin, e. Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit na ‘yon.

Inalalayan ako ni Papa na maupo sa kama, naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” Papa asked and then he sat on my bed.

“Pain, I‘m in pain.” He smiled weakly when he heard me.

“Hmm, paano ko mababawasan ‘yang nararamdaman mo? G-gusto mo pa ba ako b-bilang Papa mo?” he asked and all I knew that my heart was hurt.

“H-hindi ko alam, Papa. Gusto kong ayusin ang lahat, gusto ko kayong kausapin. Gusto k-kong makita si Kuya Derrick... lalong-lalo na si Dizelle,” I answered honestly and then he slowly nodded.

“I will try to talk to your Mom, okay? Sa ngayon ay magpahinga ka muna para mawala na ang sakit mo.” Dahan-dahan akong tumango sa kaniya na para bang walang nangyari kagabi.

Hindi ko alam pero mukhang natagalan yata si Tita na bilhan ako ng pagkain.

“‘Pa, nasaan na ba si Tita? Kanina pa siya umalis, ah.” Tiningnan ko si Papa na ngayon ay nakasimangot.

“Malay ko roon, hindi naman kami nag-uusap.” Inirapan ko si Papa dahil sa inaakto niya.

“Your ex-lovers, you should have to talk to her. Hindi ka pa ba nakaka-move on sa kaniya?” pang-aasar ko sa kaniya.

“Naka-move on na kaya ako sa Nanay mo! Ano ang tingin mo sa akin!? Inlove na inlove sa kaniya?” he said with an irritating voice.

Huh. Defensive yata ang Tatay ko.

“Defensive!” pang-aasar ko pa.

Saktong-sakto ay bumukas na ang pinto, nakita kong pawisan pa si Tita. Tita? Mama? Mom? Mommy? Nanay? Well, hindi ko alam! Hindi naman kasi kami masyadong close at saka ang sama-sama kong anak. She don‘t deserve me to call me as her own daughter.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now