Chapter 40

8 1 0
                                    

Chapter 40

“Oh, ano na ang desisyon mo?” tanong sa akin ni Kinuel, inirapan ko siya.

“Ikaw lang naman ang mag-dedesisyon, ‘no! Hindi na ako sasama sa ‘yo, ayaw ko siyang maka-trabaho!” singhal ko, nagulat ako nang bigla siyang tumawa.

“Sus! Halatang defensive! Gusto mo rin namang makita iyon araw-araw,” pang-aasar niya.

Ngumisi ako para ipakita sa kaniya ang kalandian ko. “Medyo.”

“See!?” pag-agree niya, umismid tuloy ako.

“Pero hindi ko pa rin makakalimutan ‘yong ginawa niya sa akin! Leche siya,” pagbawi ko.

“But seriously, just take his offer. Sayang naman ng 200 thousand, malaking kita na iyon!” saad niya.

“Oh, edi ikaw na nga lang! Hindi ko kayang makipag-kita sa kaniya araw-araw!” dagdag ko.

“Bakit? Sino ba kasing may sabi na magkikita kayo araw-araw?”

Napasimangot ako. “W-wala!”

“Huli kang baliw ka, halatang mahal mo pa.” Tinapunan ko siya ng tissue. “Hindi kaya!”

Kinuha niya ang tissue at nilapag sa table. “Ang dugyot naman!” reklamo niya.

“Kung si Yra ba ang client natin, makikipagkita ka ba sa kaniya, ha?” tanong ko.

Ngumisi siya habang hinahalo niya ang kape. “Oo, dahil unang-una hindi na ako affected sa break up namin. Pangalawa, praktikalan lang! Sayang ‘yong bayad niya sa akin. Lastly... mahal ko pa.” Napatakip ako sa bibig ko, kunwari nagulat ako.

“Oh my God! Mahal mo pa pala si Yra?” tanong ko.

“Kelan ko naman sinabi sa ‘yong hindi ko na siya mahal?” balik niyang tanong.

Doon na ako nalito. “Eh, sabi mo kasi noong nakaraan ay may dine-date ka, eh!”

“Huh? Wala,” sagot niya.

“Pero ‘yong kay Friz nga! Sayang ‘yon,” saad niya pa.

“Pag-iisipan ko.” He was about to say something when his phone rang.

“Oh, speaking of!” Kumunot ang noo ko, ipinakita niya sa akin kung sino ang tumatawag sa kaniya.

Napairap ako. “Friz is calling.”

Umalis muna siya para sagutin ang tawag, napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

Wala naman talagang masama kung makikipag-trabaho ako kay Friz, e. Isa’t kalahating buwan ko lang naman siyang makakasama o baka nga ay bihira ko lang siyang makita. Dahil panigurado na ‘yong secretary niya ang mag-aasikaso ng lahat para sa upcoming restaurant niya.

Bumuntong-hininga ako dahil gulong-gulo ako, alam ko namang pwedeng kay Mama na lang ako magsabi na gusto ko ng makita si Dizelle. Pero alam kong busy din iyon, busy rin si Kuya sa studies niya. Wala rin naman akong mapapala kay Papa kasi busy rin siya sa trabaho niya, patong-patong din kasi ang mga clients sa firm.

“Parang wala akong choice, ah.” I mentally laughed when I see myself being with my ex.

“I can’t believe na mapapayag niya ako sa ganitong bagay.” Basta para kay Dizelle, desperado na ako, e. And I admit it or not, gusto ko pa rin namang maki-alam sa buhay niya. Wala. Gusto ko lang na updated ako.

Umupo ulit si Kinuel sa harap ko, my eyebrows furrowed when he’s smiling.

“Ano raw sabi niya?” tanong ko, ngumisi siya.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now