Chapter 20

11 1 0
                                    

Chapter 20

Trigger Warning: Mentioning Self-harm

Nakatulala lang ako habang sinusubukan kong intindihin ang assignment namin sa Calculus, hinihilot ko ang aking sintido dahil kanina pa sumasakit ang ulo ko.

“Bwisit na Calculus ‘to! Ang hirap-hirap naman bigyan ng computations and answers!” reklamo ko at hinampas ko ang desk ko.

“Anong number ka na ba?” tanong ni Callein.

“Number 2! Pahingi nga ako ng sagot, Callein.” He frowned and he shook his head.

“Matalino sa Calculus ang jowa mo, ‘di ba? Doon ka magpa-tulong sa kaniya.” Itinaas-baba niya ang kilay niya para asarin ako, inirapan ko lang siya.

“Parang hindi ka gumagaya sa ‘kin sa Math noong JHS tayo, ah!” angal ko.

Nakita kong tumitingin-tingin si Friz sa akin, itinaas ko ang kilay ko sa kaniya. Itinaas niya ang Calculus notebook niya at may sinabing “You want answers, my little baby?” he teased, I just rolled my eyes.

“Kahit mamatay pa ‘ko, hinding-hindi ko kukunin ‘yang Calculus notebook mo!” pambabara ko sa kaniya, bago ako lumabas ay mahina kong sinipa ang paa ng boyfriend ko.

“Sorry, sadya.” Narinig ko ang mahinang pagtawag niya sa ‘kin pero hindi ko na iyon pinansin.

Pumunta ako sa comfort room dahil ihing-ihi na ako, inayos ko ang aking sarili bago lumabas sa lugar na iyon.

“Hi, can I ask you something? Saan rito ang SHS faculty?” tanong ng isang pamilyar na boses, lumingon ako para tingnan kung sino iyon. My eyes widened when I noticed who was that person was calling me.

“Hala ka! Oh my God!” I excitedly said and I tapped her arm.

“I missed you so much, Dianne!” Kaitlyn said, I hugged her tightly to comfort her.

“Miss na miss din kita!” sabi ko at ako na ang unang bumitaw sa hug namin.

Inakbayan ko siya at sabay kaming naglakad. “How are you? At saka, bakit ka narito?” I asked, she just smiled. Genuinely.

“I‘m finally okay, babe. Sasabihin ko mamaya sa squad, nasaan sila?” tanong niya sa ‘kin.

“Nasa room! Punta tayo roon!”

Pumunta kaming dalawa sa room pero ‘di na muna siya sumabay sa akin sa pagpasok sa loob. I guess, Katie wants to surprise them. Nakita ko silang lahat na nagkukumpulan doon sa room.

“Guys, ‘di ba January 26 ngayon?” Cleia asked.

“Oo! Hala, teka! Birthday ngayon ni Katie, ‘di ba?” tanong ni Bea.

“Tara, batiin natin siya sa call! I really missed that girl,” Elle said, I gave Katie a sign to enter the room.

Before they dialed her, she tapped Elle‘s shoulder. “I missed you too, guys!” excited na sabi ni Kaitlyn.

“Kaitlyn!” sigaw nilang lahat at sabay-sabay nilang niyakap si Katie.

“Kamusta, Katie!? Na-miss ka namin, sobra!” Callein said.

“Okay na ako, sobrang okay na ako.” Inakbayan siya ni Frielle.

“Sigurado ka ba?” nakangiting tanong niya.

“Yes! Yes! I‘m here to pass my requirements and school works, I‘m sorry if I keep it a secret from you all. I‘m studying here since Grade 11, HUMSS student. Magshi-shift kasi ako,” paliwanag niya.

“Magshi-shift ng strand?” Brenna asked.

“I expected you will say that but no. I‘ll shift to face-to-face classes, boring kasi kapag home school. Wala akong pogi na nakikita,” she said, we just laughed about it.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now