Chapter 34
Trigger Warning: Harassment, Rape, Suicidal Thoughts
(A/N: Please do not share in any social media platform of what happened on this chapter, thank you.)
“‘Pa!” sigaw ko nang makarating ako sa apartment.
Hindi ako nakatanggap ng sagot mula kay Papa at dumiretso na ako sa kwarto ni Tita. Nakita kong nakaupo si Papa at Mama sa tabi ng kama ni Tita Anya. I stared to Tita Anya, I pitied her to see what’s going on her.
“We really need to transfer her in Paris, her cancer got worsen,” the Doctor said.
I glanced to my stepmom that is now awake, staring at me and gave me a weak smile. I went towards her and held her hand.
“We will transfer her there immediately, Doc. Thank you for your help,” Papa said and the Doctor went out to give us some privacy to talk.
“S-sabi ko naman sa inyo na h-huwag niyo na akong dadalhin sa Paris, magiging abala lang ako sa inyo.” Umiling ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
“Tita naman, e! Huwag naman matigas ang ulo!” naiinis na sabi ko.
She just chuckled and she touched my hand. “Huwag na kayong gumastos p-para sa akin, mamamatay naman lang d-din ako. Mag-sasayang lang kayo n-ng pera, e!” .
“Don’t be stubborn, Anya! Pupunta tayo ng Paris at magpapagaling ka roon!” hiyaw ni Papa sa kaniya.
“Hindi na ako aasa na g-gagaling pa ako, Glenn. Malabo... mukhang malabo na mabubuhay pa a-ako sa sakit na ito,” malungkot na sabi niya.
Lumapit si Mama kay Tita Anya at hinaplos-haplos niya ang buhok nito. “Gagaling ka, Anya. H-huwag kang mawawalan ng pag-asa.”
After 1 hour of convincing Tita Anya, she finally said yes to us. Inayos na ni Papa ang mga papeles papuntang Paris, si Mama naman ay may tinatapos na project sa firm nila.
Nagpa-excuse na muna ako sa class ko dahil walang magbabantay kay Tita Anya ngayon. “Tita, kumusta naman po ngayon ang pakiramdaman mo?”
Alanganin siyang ngumiti sa akin, kitang-kita ko sa mata niya na masyado na siyang nahihirapan. Lumunok ako para hindi tumulo ang luha ko.
“Medyo nahihirapan pa rin akong huminga, Dianne. Hindi ko nga alam kung magigising pa ako bukas, e,” nanghihinang sabi niya.
“Tita naman... huwag ka naman pong magsalita ng ganiyan.” Tumawa lang siya sa sinabi ko at hinaplos niya ang kama. Senyales na pinapa-upo ako. Nagulat ako dahil bigla siyang umiyak nang makalapit ako sa kaniya.
“G-gusto ko lang humingi ng t-tawad sa iyo, anak. Habang buhay kong pinagsisisihan ang ginawa ko sa iyo, sana ay mapatawad mo ako. Sorry kung n-nasaktan kita noong mga p-panahong nasasaktan din ako. W-wala, e. Mahirap mawalan ng a-anak,” humihikbing sabi niya.
“Tita... huwag mo nang isipin ‘yon. Ang isipin mo ay ang pagpapagaling mo sa Paris. Don’t worry, Tita. Tapos na po ‘yon, e. Ang mahalaga ay okay na tayo at saka gagaling ka pa. Magbobonding po ulit tayo together,” mahinang sabi ko sa kaniya.
“Thank you, Dianne...” Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ko nang marahan ang braso niya.
“Alam mo ba kung paano nagkakilala ang Mama at Papa mo?” nakangiting tanong ni Tita.
“Opo, Tita. Naalala ko na si Papa ‘yong nagligtas kay Mama noong time na gusto nang magpakamatay ni Mama,” sabi ko pa, ngumiti siya sa akin.
“Alam ko rin ang pinagdaanan ni Demi, Dianne. H*yop ‘yong Tatay niya, sana nga ay patay na ang isang ‘yon.” Umirap pa siya at nakita ko ang inis sa mata niya. Natawa na lang ako sa inaksyon niya.
YOU ARE READING
The Calm After The Storm (Athenians Series #2)
Novela Juvenil"Her anxious thoughts became silent when i kissed her forehead. I knew I made her calm in the storm inside her." Introduction: Athenians Series #2 Finding their biological parents on their own is a mission that must be completed. Dianne Arevalo need...