Chapter 12

18 1 0
                                    

Chapter 12

Hawak-hawak ko ang aking dibdib habang hinihingal, tumutulo ang namumuong pawis sa aking noo. I got my face towel to wipe my sweat, I took a deep breathe to start to dance again. I'm trying to learn the dance of ‘TWICE’ new release song, it is “The Feels”. It is really hard to learn the choreography of the song! Kanina pa ako paulit-ulit dito pero hindi ko talaga nakukuha iyong sayaw, nakakapagod.

“I really hate myself for not being a fast learner when it comes to dancing,” I whispered, I just laid down on my bed because of the exhaustion. Napatitig ako sa ceiling ng kwarto ko, bigla kong naalala ‘yong nangyari noong nakaraan, I smiled because of that.

Thinking that Friz; the grandson of the owner of our school is now courting me, I just wanted to scream all night. Siguro kung ibang tao ako ngayon, masasabi kong ang swerte ng nililigawan niya. It means ang swerte ko, napatawa ako bigla sa ‘king naisip. Napaupo ako nang biglang mag-ring ang phone ko, tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang aking kilig.

Friz:

“Are you done in your dance lessons? Pahinga ka rin, ha?”

Paalala niya sa akin, umayos ako ng upo bago siya reply-an.

Me:

“Hi! I'm having a break right now, patapos naman na ako.”

After he discussed to me the Pep Squad competition, I decided to have my dance lessons. Maybe to gain my confidence more ans to know some dance moves, I'm still deciding if I'll join. My phone suddenly beeped, Friz is calling. Nakita ko na sa messenger siya mismo tumatawag, ni-text ko muna siya na liligo muna ako. Kaagad ko siyang tinawagan after kong maligo.

“Hi, kamusta?” Titig na titig siya sa ‘kin ngayon habang nagsusuklay ako.

“Ganda,” bulong niya, inirapan ko siya.

He chuckled. “Chill, babe. I‘m fine, how about you?” I turned off my camera because I felt that my cheeks turned into red.

“Ito, kakatapos ko lang sumayaw. May pasok pa ‘ko mamayang 2 pm sa dance class, baka ma-late ako sa pupuntahan natin,” paalala ko sa kaniya, binuksan ko ulit ang camera ko at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

“Susunduin mo ba ‘ko mamaya? O ako na lang ang pupunta sa inyo?” tanong ko, narinig ko ang buntong-hininga niya.

“Ako na lang pupunta sa‘yo, ako ‘yong nanliligaw sa‘yo hindi ikaw,” tumatawang sabi niya, napasimangot tuloy ako. Mukha ba ‘kong excited na makita siya!?

“What are you thinking?” Napatitig ako sa kaniya ng seryoso, pogi mo.

“Kung bakit ka pumasok sa buhay ko, role mo yatang sirain ‘yong buhay ko.” Nakita ko na gumalaw ang braso niya, parang sira! Tinatawanan pa ‘ko!

“Role ko sa buhay mo na mahalin ka habang buhay, Dianne,” nakangising sabi niya.

“Cringe,” tumatawang sabi ko, napatingin ako sa laptop ko dahil may nakita akong message ng dance instructor ko. Nice, wala kaming pasok.

“Friz, wala kaming pasok sa dance class,”
I uttered.

“Buti naman ‘yon, miss na kita,” bulong niya, may narinig akong may kumakatok mula sa labas ng kwarto ko.

“Teka, may tumatawag yata sa ‘kin sa labas.”
I turned off my camera and I opened the door, I saw my Dad approaching me.

“May ipapabili sana ako sa‘yo, Di. Hindi ka naman busy, ‘di ba?” Kaagad akong umiling sa kaniya, tinanguan niya ako.

“Sino kausap mo?” tanong niya.

“Ah, si Friz lang po ‘yon. Ano po pala ipapabili mo?”

“Grocery, medyo marami ‘to. Sabihan mo si Friz na samahan kita, kung hindi pepektusan ko ‘yan.” Lumapit siya sa phone ko, namilog ang mata ko dahil mukhang narinig ‘yon ni Friz.

The Calm After The Storm  (Athenians Series #2)Where stories live. Discover now