Nagising si Dyan nang may marinig na nagsasalita ng banyaga sa loob ng kanyang kwarto.
"Bonjour (good morning)... Qu'est-ce
que c'est? (What is that?)" Medyo mahina ang boses nito pero sapat lang upang marinig nya.Ang totoo wala syang maintindihan sa mga sinasabi nito pero nasa tinig nito ang galit. Nakatalikod ito sa kanya ngunit ganun ang ipinapahiwatig ng boses nito.
Naupo sya mula sa pagkakahiga, mukhang mabuti na ang pakiramdam nya kesa sa kahapon. Naalala nya na sa condo nya nga pala natulog ang binata at in fairness magaling itong mag-alaga.
Dahan-dahan syang bumaba ng kama upang magtungo sa banyo. Hindi naman sya pansin ng binata dahil nakatalikod ito at nakaharap sa may bintana habang may kausap sa phone.
Lumabas sya ng banyo ngunit nasa ganun paring ayos ang binata.Nakatalikod parin ito at wala ng kausap, nakaharap parin sa bintana tila malalim ang iniisip. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. Mukhang malaki ang problema nito.
Dahan-dahan syang lumapit dito ng hindi nito namamalayan at mula sa likuran ay niyakap nya ito. Hindi niya masabi kung bakit nya ginawa yun, basta ang alam lang nya ay upang pasalamatan ito at maibsan ang nararamdaman nito.
Naramdaman nya ang mga kamay nitong iniyakap din sa mga braso nya at huminga ng malalim as a sign of relief.
Kumalas sya sa pagkakayakap dito at hinarap ito. Nagtama ang kanilang mga mata.
"Are you ok? Is something bothering you?" Tanong nya agad dito.
Nginitian lang sya nito at umiling.
"Kanina kapa ba gising?"
Tumango sya at ngumiti.
"Thank you last night."
"You're welcome. Are you hungry cherie?" Sabay yakap ng mga kamay sa bewang nya. Ngayon ay sobrang lapit na nila sa isa't isa.
"I already cooked, let's eat." Bulong nito sa tenga nya na lalong nakadagdag sa tensyon na nararamdaman nya.
"Y-yes let's eat." Pabulong din nyang wika at bago pa nya masabi ang kasunod na linya ay bigla nalang sya nitong binigyan ng mabilis na halik at saka sya tinalikuran. Naiwan syang nakatulala, para kasing may malalim itong iniisip tuwing hahalikan sya o kapag sobrang intense na sa pagitan nila.
Wala silang imikan habang kumakain at nang matapos na ay hindi rin sya hinayaan na magligpit sa halip ito ang gumawa ng lahat.
Makalipas ang ilang oras at natapos na ito sa ginagawa ay napagpasyahan nya itong kausapin.
Nakaupo sya sa sofa at nagbabasa ng magazine ng lumapit sa kanya ang binata at umupo sa tabi nya.
"Cherie uuwi lang ako saglit at kukuha ako ng ilang gamit, dito muna ako ng ilang araw para masigurado kong magaling kana." Tumayo na ang binata at akmang maglalakad na palayo ng magsalita sya kaya napahinto ito. Nakatalikod ito sa kanya.
"A-alex, I just want to say thank you! But you don't have to do all of this." Nakita nya ang pagkuyom ng mga kamay nito pero hindi nya iyon pinansin at patuloy lang syang nagsalita.
"Matagal kong pinag-isipan ito pero sana pumayag ka, pumayag na maging magkaibigan muna tayo at kalimutan muna ang tungkol sa kontrata."
Bahagya lang itong lumingon sa kanya at walang lumabas na salita sa mga labi.
Nagpatuloy parin sya sa pagsasalita.
"Naisip ko na wala ring kwenta kung magpapakasal lang tayo dahil sa merger. We will not be happy kasi alam kong may kulang sa ating dalawa,alam kong alam mo kung anung tinutukoy ko."
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...