She's Changed

8 0 0
                                    

Maagang dumating ng kompanya si Kendrick. Wala pa ring nakakaalam sa mga staff nya na hindi siya si Alex. Only those who are involved in the mission. Even Dyana doesn't know yet. That is good para sa hindi pa natatapos na kaso ng kapatid nyang si Alex.

Nadaanan nya ang cubicle ng mga staff na nagtatrabaho doon at mangilan-ngilan palang ang mga tao dahil alas-siyete palang ng umaga.

Inakala nyang siya na ang pinakamaagap na boss na pumasok nang pagbukas nya ng pinto ng opisina nya ay mabungaran nya ang isang pigura na hinding-hindi nya kailan man makakalimutan.Tuwid ang pagkakaupo nito sa kanyang silya habang tutok na tutok sa laptop nito. Mas lalo itong gumanda sa paningin nya.

Nakapusod ang buhok nitong kulot at mahaba...bigla itong tumayo at tumingin sa kanya ng may ngiti. Saka nya lang nakita ang suot nitong damit.

She's wearing a black fitted dress that fits her body that she looks more sexier. Maikli ang cut niyon na kitang-kita ang mapuputi nitong legs. Nakasuot din ito ng 5 inches heels na sapatos. Napalunok siya habang pinagmamasdan ang kakaiba nitong itsura.

Nakahuma lang siya ng bigla itong lumakad palapit sa kanya at magsalita ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakahuma lang siya ng bigla itong lumakad palapit sa kanya at magsalita ito.

"Hey! What's into you!?" Ikinaway-kaway pa nito ang mga kamay sa kanyang mukha.

Napakunot noo si Kendrick sa inasal nito. Nagtataka siya kung bakit parang may nagbago sa babaeng kaharap nya. Na parang walang nangyari sa isla. Na halos ipagtabuyan sya nito noong huli silang magkita.

Lumakad ito papunta sa may pintong pinasukan nya kanina. Narinig nyang inilock ni Dyana ang doorknob. Ano kayang binabalak na gawin ng babaeng ito at naisipan pang ilock ang pinto? Bulong nya sa isip.

Naramdaman niya ang paglakad muli nito palapit sa kanya base sa tunog ng takong nito. Napapitlag siya ng haplusin nito ang kanyang balikat at bumulong sa kanyang tenga.

"Kanina pa kita hinihintay, ang tagal mo naman." Sabay lumakad ito pakaliwa patungo sa isang maliit na table na may sofa,tanggapan iyon ng mga bisita. May kinuha itong kung ano doon.

Base sa kilos at pananalita nito para siyang inaakit nito.

Naningkit ang mga mata ni Kendrick sa dahilang hindi nya alam kung ano ang binabalak ni Dyana sa kanya.

Lumingon siya sa kinaroroonang bahagi ni Dyana  upang bulyawan ito.
"What..." napataas ang boses niya kaya sa di malamang dahilan ay nagulat ang dalaga at natapon sa suot na damit ang dalawang cup ng coffee.

Mabuti nalang at hindi masyadong mainit ang kape dahil kung hindi magtatamo sana ito ng first degree burn at masisira ang balat.

Biglang tumalima ang binata at tinulungan ito. Kinuha nya ang hawak nitong mga cup at ipinatong sa mesa.

"I'm messed!" Maktol nito.

"I-I'm sorry!" Hindi nya malaman ang sasabihin dito.

"Don't you know na maaga akong gumising para bumili ng kape para sa ating dalawa? And now you ruined everything. Pati damit ko nagdumi na?" Inis na sabi nito.

"I-I said I'm sorry..." Hindi ito magkamayaw sa pagsasabi niyon.

"Bakit mo ba kasi ako sisigawan? Ayaw mo ba sa ginagawa ko? Sabihin mo lang at..." Hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla nalang hapitin ito ni Kendrick at mariing hinalikan sa labi.

Tumigil siya sa paghalik sa dalaga hinawakan nya ito sa magkabilang pisngi at itinuon ang noo sa noo ng dalaga.

"I missed you..." pabulong niyang wika.

Napapikit ng mariin ang dalaga sa sinabi niya. Hindi nito malaman kung ano ang isasagot.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon