The Engagement 1 (edited)

181 3 0
                                    

Naalipungatan siya ng maramdaman ang init ng sikat ng araw na dumadampi sa kanyang makinis na balat, nagmumula iyon sa siwang ng bintana ng kanyang silid. Nakadapa siya sa kaniyang kama at dahan-dahang inayos ang sarili pahiga. Naramdaman nya ang sakit ng ulo, napansin din niyang iba na ang suot nya. Hangover!... gusto tuloy niyang pagalitan sina Che. Pinilit niyang iupo ang sarili sa kama pasandal sa headboard.

"Aww!" Napahawak siya sa kanyang ulo. Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi. Wala talaga siyang matandaan. Paano siya nakauwi, paano siya nakarating sa kwarto niya at sino ang nagbihis sa kaniya? Maya-maya pa ay inirelax niya ang isip at natulog ulit. Tatanungin nalang niya ang mama niya mamaya paggising niya.

Pasado ala-una na ng hapon ng magising siya. Wala na siyang hangover pero parang nanlalata parin ang katawan niya. Pinilit niyang tumayo at magtungo sa bathroom. Simpleng t-shirt at maong pants lang ang isinuot niya. Nang matapos siya sa pagbibihis ay agad siyang bumaba at hinanap ang kanyang Mama. Pasalamat nalang siya, naroon ito at walang ibang pinuntahan.

"Ma!, do you know who brought me home last night?" Takang tanong nya sa ina.

"Hija we're not home last night. We are on my bestfriend's house. They invited us to have dinner with them kasi kakauwi lang nila from France. We got home and saw your car at the garage akala nga namin maaga kang umuwi e. Why anak me problema ba?" Nagtataka narin ito.

"Ay oo nga po pala!" She shooked her head.
"I forgot Ma I got home alone, I am a little bit tipsy last night that I forgot everything... " Little bit tipsy daw? Pero ang totoo sobrang lasing siya at wala siyang matandaan. Ayaw na niyang mag-alala pa ang Mama niya kaya nagsinungaling nalang siya dito.

"Uhmmn, driving when drunk is not a good idea... are you going somewhere hija at mukhang bihis ka?" Pag-iiba ng mama nya sa usapan.

"Yes Ma!... I'm going to visit the site for my business." Mabilis niyang sagot kasi baka magtanong pa ang Mama nya sa nangyari kagabi. "Bye Ma!" Humalik siya dito sa pisngi pagkatapos ay mabilis na tinalikuran ito at lumakad na palayo

"Hey!... come home early we have something to talk about." Pahabol pa ng Mama niya habang siya ay papalayo.

"Yes ma!" Sigaw din niya, hindi na siya nagtanong kung bakit kasi hahaba lang ang usapan.

Malapit na siya sa kaniyang sasakyan ng mapaisip. Pati kotse niya ipinagtataka niya kung sino ang nagmaneho mahal niya ang kotseng yun dahil regalo iyon sa kaniya ng kaniyang Papa noong nag16th birthday siya. Hindi pa nya ito nagagamit kahit isang beses sa kadahilanang wala pa siya sa tamang edad. Ayaw naman niya na kumuha ng driver upang ipagmaneho siya ang kanyang katuwiran dapat siya ang maunang magmaneho nito.Meaning bagong bago parin...

Pagkatapos niyang magpunta sa site ng kaniyang gagawing resto ay makikipagkita siya sa taong nakakaalam kung paanong siya ay nakauwi. Ewan ba nya kung bakit nacurious siya sa kung sino ang naghatid sa kanya. O baka naman she's just expecting someone para gawin yun. Pero pilit nyang iwinawaksi sa isipan iyon.

Nang makarating sa site ay tumayo lang siya sa harap at pinagmasdan ang lumang istruktura na binili niya para sa gagawing niyang business. Sumandal siya sa kotse niya habang pinapangarap kung anung ipapangalan at kung anong design ang gagawin.

Nang magsawa siya sa pagtitig at pag-iisip ay nagpasya na siyang umalis. Sumakay siya ng kotse, bago iistart ang engine ay nagdial muna sya.

"Hello Janna!....I'm fine.....yes....just wanna ask you a favor..." Mabuti nalang meron siya ng kailangan niya at nagdial ulit.

Sa isang coffee shop.....

Kadarating lang niya pero namataan niya agad ang taong kaniyang kailangan. Nakaupo ito sa pandalawahang mesa na nakapwesto sa sulok ng shop.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon