The Mansion

10 0 0
                                    

"Like the first stanza of the lyrics, for all this time, I've been lovin you girl." Hinawakan nito ang kanyang kanang kamay at marahang pinisil.

Maang siya sa sinabi nito at wari'y naghihintay pa ng ibang kasagutan.

"It all started here Cherie!.. the first time I saw you." Wari'y inaalala ang nakaraan.

"Huh!?" Tanging naitugon niya na may halong pagtataka.

"Yes, Cheri!... it is the time when you were alone sitting here reading a book. Moa and I were just about to get along here but we saw you. We hid into the bush... this is our hideout dahil malayo sa karamihan at nagulat kami na may iba pa palang tumatambay dito. Kinuhanan pa nga kita ng maraming pictures noon e." Nangingiti ito habang naaalala ang nakaraan.

"Really!? Ang tagal na noon at halos wala na akong matandaan kung alin sa mga araw na yun ang sinasabi mo kasi palagi akong andito." Tila nag-iisip na wika niya.

"You were in first year highschool at that time kaya takot na takot ako na lapitan ka, baka kasi hindi mo ako kausapin dahil mas matanda ako sayo o hindi kaya ay matakot ka sa akin at saka masyado kapang bata. Isa pa..." huminto ito sa pagsasalita na para bang may halong lungkot ang gusto niyang sabihin.

"Bakit naman ako matatakot sa iyo? Hindi ka naman monster diba? Saka ang tagal mo akong pinaasa ha king sino ka talaga. Kumuha kapa ng aktor na hindi magaling." Ang tinutukoy niya ay si Derick Salazar.

"I'm sorry Cherie but I need to do that, later on you would know. Isa pang dahilan is I am about to get married to someone I don't know." Bumuntong-hininga muna ito.

"Ang lalim nun ah!? Same situation pala tayo. Ipapakasal nila ako sa anak ng bestfriend nila na hindi ko pa din nameet and then si Alex pala yun and now you are my husband, his brother. Tadhana nga naman." Naiiling pa siya sa kanyang sinabi.

Nakatingin si Kendrick sa kawalan ng bigla siyang balingan.
"Bilang isang masunuring anak ay hindi ko binigyan ng sakit ng ulo sina Papa tungkol sa bagay na pagpapakasal kahit masakit sa akin. Isa yan sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagpakilala sayo."

Tahimik lang siyang nakinig dito.

"Hanggang sa hilingin sa akin ni Papa na umalis ng bansa at doon mag-aral, masakit man sa akin maluwag kong tinanggap ang alok ni Papa para na rin sa pangarap kong maging isang International Police." May himig pagtatampo sa boses nito.

"And then?" Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa ikinukwento nito sa kanya. May kakaiba siyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Pakiramdam na sa mahabang panahon ay parte siya ng paghihirap ng kalooban nito.

Bigla nitong binago ang kwento.
"Alex and I are twins, he is weak but active. One day while he was playing soccer he collapsed and fell into a rock, he had a scar on his back." You could see sadness in his eyes while talking.

"Yeah! I remember that...the time he wanted to take advantage of me when I was in highschool I saw the scar and it also proved me that you are not Alex when we had those nights in the island...you know!" She looked straight knowhere she knows she is blushing.

He slightly pulled her shoulder leaning her head unto him. He is now embracing her with her right arm holding her right shoulder while both of them was looking knowhere. He claspsed his left hand to her right hand.
"I thought you wouldn't notice!" He smirked

She sighed deeply!

"Later we will go to my favorite place...where I always feel relaxed and comfortable..." he said while he slightly piched her shoulder.

Huminto na si Kendrick sa pagkukwento at nanatili nalang silang dalawa sa ganung posisyon. Makikitaan ng contentment ang mukha nila.

Maya-maya pa ay nagyaya na si Kendrick umalis. Pupunta daw sila sa sinasabi nyang lugar.

Habang nasa biyahe sila ay excited si Dyana sa sinasabi nitong lugar. Iniimagine nya na sana maging relaxed at comfortable din siya sa pupuntahan nila.

Nagtaka siya nang huminto ang sinasakyan nila sa tapat ng isang mansyon...katulad ng kanila malawak din ang tarangkahan ng mansyon na nakasara sa ngayon. Unti-unti ay bumukas iyon, nagmaniobra si Kendrick papasok sa bakuran ng mansyon hanggang makaabot sila sa garahe.

Hindi namalayan ni Dyan na nakababa na si Kendrick, umikot sa gawi nya at ipinagbukas siya ng pinto ng sasakyan. Inalalayan siya nitong makababa...

Manghang-mangha siya sa mga nakikita nya...inilibot nya ang paningin sa kabuuan ng garahe. Napakalawak bulong nya sa isip.

"Hey, are you ok Cherie!?" Nangingiti nitong tanong sa kanya.

"Ah! Yeah! I'm ok...Is this all your car?" Namangha si Dyan sa ilang hilira ng luxury sports car na nasa loob ng garahe. Although hindi naman ito ang first time nyang makakita ng luxury car pero ang isipin na may anim o pito ang nasa loob nito iisipin mo talaga na sobrang yaman ng may ari neto.

Knowing Belizaire's Empire hindi maipagkakaila na isa ito sa pinakamayamang pamilya sa mundo. Kung saan-saang panig ng mundo nagkalat ang kompanya ng mga ito. Kalahati lang siguro ang kanilang yaman kumpara dito.

"It is not mine Cherie! It is OURS!..." Ngumiti ito ng ubod tamis sa kanya.

Pinamulahan na naman siya ng mukha.
"Kendrick!--" magsasalita pa sana siya ng bigla siya nitong hapitin sa bewang at halikan sa labi na parang sabik na sabik sa kanya. Pero saglit lang yun at mabilis din siyang binitawan. Hindi nya tuloy malaman ang kanyang gagawin.

Niyakap siya nito ng mahigpit at bumulong sa kanyang tenga.
"What's mine is yours now Cherie! and I can't wait for you to be mine...again! forever!" binitawan siya nito, hinawakan siya sa kaliwang kamay at naglakad palabas ng garahe.

Mabuti nalang at hindi ito nakatingin sa kanya kung hindi ay makikita nito ang mukhang nyang kasing pula ng kamatis. Alam na nya kasi ang ibig sabihin nito sa mga katagang ibinulong nito kanina.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon