Missing!!!

64 0 0
                                    

"Alex!" Isang dumadagundong na tawag sa pangalan nya ang maririnig sa kanyang opisina.

Mula sa ginagawa ay napahinto siya at inalam kung sino ang nagsalita. Madali siyang tumayo nang mapagsino iyon at agad na sinalubong ang galit na ama ni Dyana.

"Pa! May kailangan po ba kayo?" Tanong nya sa hindi maipintang mukha ni Mr. Olivar. Papa na ang tawag nya dito simula ng maengaged sila ni Dyana. Ito rin naman ang gusto ng matanda.

"Any updates about my daughter's whereabouts?" Lumakad ito papunta sa couch na naroroon at pasalampak na naupo.

Lumapit siya sa matanda at nanatiling nakatayo sa gilid.
"Don't worry Pa, my men are still searching for her and according to them she is still in the country. Hindi siya lumabas ng bansa."

"But where is my daughter?" Napahawak ito sa dibdib na animo'y kinakapos ng hininga dahil sa pag-iisip.

Mabilis ang mga naging kilos nya at dinaluhan agad ang matanda.
"Pa are you alright!?" Nag-aalala nyang tanong dito.

"Ok lang ako, iniisip ko lang ang  anak ko. She's my unica hija at hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kanyang masama." He said in a worried tone.

"Hwag na po kayong masyadong mag-isip dahil walang mangyayaring masama sa kanya. Ipinapahanap ko na po siya sa aking mga tao at hindi magtatagal ay makikita din natin siya." Binigyan nya ng pag-asa ang matanda upang hindi na ito mag-isip pa.

"Siya nga pala, I want you to go in Isla de Liberté. Naimbitahan tayo at ang iba pang kompanya na magpresent tungkol sa ating produkto at kapag tayo ang nagustuhan sa atin na sila kukuha ng mga gamit para sa resort-tel nila. Gusto kong ikaw nalang ang gumawa nun at hindi ko pa kaya ang magbiyahe sa ngayon." Bumuntong hininga ito.

Tumango siya sa sinabi ng matanda tanda ng pagsang-ayon.

"Hijo! Sa iyo ko lang ipinagkatiwala ang anak ko kaya sana tuparin mo ang pangako mo na aalagaan mo siya. Pumayag ako sa kasunduan natin noon na ilihim muna sa kanya ang totoong mga pangyayari upang mapangalagaan siya kaya sana tuparin mo ang pangako mo. Hinihiling ko na matapos mo narin ang misyon mo para makalagay na kayo sa tahimik. Makakaasa ba ako sayo ha hijo!?" Mahabang paalala sa kanya ni Mr. Olivar.

"Yes Pa, makakaasa po kayo." Bigay assurance nya kay Mr. Olivar.

Ilang minuto narin ang lumipas mula nang magkausap sila ni Mr. Olivar.

Malalim ang kanyang iniisip at marami ang katanungan sa kanyang sarili. Nakatingin siya sa malawak na siyudad mula sa kanyang opisina.

Simula nang makabalik siya galing France ay sa sarili na nyang opisina siya nagtatrabaho. Mas malaki iyon kumpara sa opisina ni Dyana.

Kumbinasyon iyon ng kulay puti at itim na kulay. Katulad ng kay Dyana ang likurang bahagi ng pader ay gawa sa salamin at ngayon nga ay doon siya nakatayo at pinagmamasdan ang malawak na siyudad.

Kung ano ang kanyang iniisip?...yun ay tungkol kay Dyana, sa pagkawala nito. Oo, nawawala si Dyana at walang makapagsabi kung nasaan ito.

Alalang-alala na ang mga magulang ng dalaga at pati mga magulang niya, higit sa lahat ay siya.

Tatlong buwan na ang nakakalipas mula ng magtungo siya ng France at ng huli nya itong makausap. May usapan sila na pagkaraan ng isang linggo ay susunod ito doon at magpapakasal sila ngunit hindi ito dumating.

Tinatawagan nya ang cellphone nito pero hindi nito sinasagot iyon. Ilang araw ang lumipas at hindi na nya macontact pa ang number.

Tinawagan nya ang lahat ng kaibigan at kakilala ni Dyana ngunit kahit sila ay hindi masabi kung nasaan ito.

Nagpasya siyang umuwi agad ng bansa upang alamin ang mga pangyayari ngunit wala siyang nakuhang sagot kaya sinimulan na nila ang paghahanap dito.

Nasa ganun siyang pag-iisip ng may kumatok sa pinto at iniluwa niyon ang kanyang assistant.
"Sir! Your father wants to talk to you in his office immediately..."

"What about?" He asked in an expressionless tone.

"He didn't mention anything sir!."

"ok! I'll be there in a minute..." he said.

Pagkasabi nya niyon  ay umalis na ang assistant nya. Inayos niya din ang sarili bago tunguhin ang opisina ng kanyang ama.

Nasa tapat na siya ng pinto pero atubili siya na kumatok. Wala naman siyang magagawa dahil kailangan din naman nya iyong gawin. Bumuntong hininga siya bago gawin iyon.

Kumatok siya sa pinto at nang marinig ang boses ng ama na pinapapasok siya ay saka lang nya iyon binuksan at pumasok.

"Pa, Drew said that you want to talk to me!?" Lumapit siya papunta sa mesa ng kanyang ama.

"Yes son! Sit down." He said but not looking at him and just busy doing some paper works.

Naupo siya sa silyang nasa unahan ng table nito.

"Any information about her?" Hindi parin ito tumitingin sa kanya.

Sabi na nga ba nya na ito ang pag-uusapan nila. Everybody was so eager to know where she is. Pakiramdam nya tuloy parang wala siyang ginagawa para mahanap ito.

"Pa! My men are still searching for her."

Huminto ito sa ginagawa.
"When you find her, don't let her go again and marry her as soon as possible. Kahit sa judge lang muna ok lang samin."

"Pa!?" Gulat nyang tanong sa ama.

"We are not getting young anymore, you're my only son now, she is also their only daughter and your mother cannot bear a child anymore. We want a grandchildren." He is very determined about this.

Hindi siya nagsalita, gusto man niya ang idea ng kanyang Papa ay wala siyang magawa. Hindi nila makita pa si Dyan at hindi nya rin alam kung gusto na nito ang magkababy na.

"So son are we making things clear here?" Kapag sinabi ng kanyang ama ay yun ang kailangag gawin.

Tumango lang siya sa sinabi ng ama bilang pagsang-ayon.

Two days after their conversation ay lumipad sila ng kanyang staff sa isla na sinasabi ng Papa ni Dyana lulan ng isang private plane na pagmamay-ari ng kompanya.

Mula sa taas ay tanaw na tanaw na ang ganda ng isla. Napapalibutan ito ng puting buhangin at dagat. Mula sa gitna ng isla ay isang eleganteng hotel na pabilog ang disenyo at sa gitna ay isang malaking swimming pool. Malawak ang isla at sa pakiwari nya ay hindi lang pagsuswimming ang pwedeng gawin dito. Marami din ang mga activities na pwedeng gawin dito base narin sa nasa paligid ng hotel.

Lumapag ang private plane sa isang airport sa isang bayan sa Norte. Kailangan pa nilang sumakay ng isang first class na bangka para makarating sa isla.

Nang nakababa na sila sa isla ay isang kakaibang pakiramdam ang kanyang nadama. Pakiramdam na may kapanatagan na darating sa lugar na iyon para sa kanya.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon