The Discussion

10 0 0
                                    

"I'm glad you came, where is Jundrick?" Expressionless na tanong nito kay Juliana.

"Ow, the kid!? He's just playing around with his grandpa." Nakangiti nitong wika.

"Uhhmm! Hon! I think I should change now. It's getting itchy inside." Pagpapaalam niya kay Kendrick.

"Ok sweetie just get back soon." Pagsang-ayon naman nito saka hinalikan siya sa noo.

Ilang sandali palang siyang nakakaalis ay sinundan na agad siya ni Juliana. Ang pagpapaalam niya kay Kendrick ay hudyat para kay Juliana na pumapayag siya na makipag-usap ng pribado.

Nakarating sila sa kabilang bahagi ng mansyon malayo sa kasiyahan.

Dito sila noon nagkaroon din ng diskusyon ni Alex na ngayon ay si Kendrick na.

Hindi pa sila nakakalapit sa mga upuan malapit sa pool ng biglang hablutin ni Juliana ang kaliwang braso niya at hinawakan ng sobrang higpit.

"I told you to stay away from him and you promised that you would leave him for good for the sake of our son." Galit na galit ito at naniningkit ang mga mata habang dinuduro-duro siya.

Nasasaktan siya pero pinaglabanan niya. Wala pa iyon sa sakit ng katawan na ibinigay sa kanya habang nagtitraining siya ng self-defense at martial arts.

Ang sabi ng trainer niya madali niyang natutuhan ang lahat at pwede na siyang isabak sa tournament.

Pero hindi para doon ang dahilan kung bakit siya nag-aral ng mga bagay na iyon. Dahil yun dito... pinaghandaan nya talaga ang araw na ito.

Tumawa siya ng malakas at agad na iwinaksi ang mga kamay ni Julianang nakahawak sa kanyang braso.

Nakunot lalo nito ang noo at lalong nanlisik ang mga mata.

"Don't you dare touch me or point your finger on me again or I will break your damned fingers." Galit na rin ang tono niya. Nilalabanan niya ito ng lisik ng mata.

"He doesn't love you didn't I warned you about that? You are making things complicated. This was all an act for him. He is just using you for his undercover." Mahina pero matigas ang pagkakasabi nito at halos habol ang hininga dahil sa galit.

Sa di inaasahang pangyayari ay biglang lumawit dito ang kwintas na ipinakita nito sa kanya noon na may pendant na singsing. Ang singsing na nawawala ni Kendrick.

Agad niya iyong hinablot...nagulantang ito sa ginawa nya at akmang susugurin siya.

"How dare yo..." nakataas ang kanang kamay nito handa na upang sapakin siya ngunit natigilan ito sa sinabi nya.

"You stole this right? Don't you!?" Kalmado niyang tanong dito habang nakataas ang kanyang kamay na may hawak na necklace.

"Wha-at are you talking about? He gave..." nauutal nitong sabi wari'y di malaman ang gagawin. Mas lalo pa itong nagulantang ng sumigaw siya dito.

"Answer me!" Galit na galit na siya at halos pasigaw na nyang sabihin iyon.

Nagpalinga-linga ito sa paligid na sinisiguradong walang nakarinig sa sinabi nya.

"I wanna know why did you stole this?" Nakataas pa rin ang kanyang kamay upang ipakita dito ang tinutukoy niya.

Humakbang ito ng isa palapit sa kanya ngunit mabilis siyang nakahakbang patalikod.

Mabilis ulit itong humakbang palapit sa kanya at hindi nya naiwasan ang sumunod na ginawa nito sa kanya. Hinablot siya nito sa buhok. Napahawak ang kaliwang kamay niya sa parteng hawak nito.

This time mahigpit na nyang hawak ang mismong singsing sa kanyang kanang kamay.

Hindi siya natatakot dito, lalaban siya kahit anong mangyari.

Habang hawak siya nito sa buhok ay mabilis siyang nadala sa isang maliit na tila swimming pool na maliit na nasa pader. May parang mini falls din ito at napapalibutan ng ilaw.

Iniluhod siya ng babae at inilubog ang kanyang ulo dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Iniluhod siya ng babae at inilubog ang kanyang ulo dito. Nagpupumiglas siya. Muli iniangat at inilublob ulit. Nilulunod siya nito.

Nakaisip siya ng paraan. Nang muling iangat ni Juliana ang ulo niya ay mabilis niyang naitukod ang mga kamay sa konkretong batong nakapaligid sa tubig upang hindi ito umapaw.

Malakas niya itong siniko sa tiyan dahilan upang mamilipit ito sa sakit pero saglit lang iyon

Bago pa ito makabawi sa sakit ay mabilis na siya nakatayo.

Hindi man siya kasinggaling nito sa martial arts ay handa pa rin siyang lumaban.

Mabilis na nakalapit ito sa kanya at akmang bibigyan siya ng isang sipa sa tyan ngunit mabilis nya iyong nasalag.

Wala siyang balak na sumugod dito. Hahayaan niya lang ito hanggang sa mapagod.

Hindi nya namalayan na paparating ang mga kamay nito sa kanyang mukha. Masyadong malakas iyon dahilan para mapaatras siya at dumugo ang kanyang ilong at labi.

Ramdam nya ang pagtulo niyon sa kanyang damit kaya agad niyang pinahid ng mga kamay.

Ang kanyang puting bestida ay nababahiran na ng kanyang dugo.

"Oh! I'm sorry, Did I put stain on your dress!? Yan pa naman ang isusuot mo kapag inilibing ka." Half French, half Filipina ito kaya magaling din managalog.

Akmang susugurin sya ulit nito pero this time mabilis na siya. Agad niyang nasangga ang mga kamay nito at mabilis na nakaganti.

Isang malakas na hampas sa mukha ang pinakawalan niya katulad ng ginawa sa kanya nito kanina. Dahilan upang mabitawan nya ang singsing na hawak. Ang pagkakaiba lang napaupo ito sa ginawa nya.

Dumugo din ang ilong at labi nito dahil sa lakas.

"Oh, I'm sorry! Did I put stain on your dress!?" Ginaya nya ang sinabi nito sa kanya kanina na may himig pang-aasar habang panay parin ang pahid nito sa kanyang dumudugong mukha.

"ENOUGH!" Isang dumadagundong na boses ang kanilang narinig mula sa kung saan.

Hindi nila inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon