Nakapwesto na ang lahat sa kani-kanilang gagawin.
Kinakabahang naghihintay sa unahang bahagi si Kendrick kasama si Moa habang tumutugtog ang wedding march.
Ang mga magulang nila ay kapwa nakaupo na sa mga designated na upuan nila.
Hindi ito ang typical na traditional wedding na kailangang ihatid ng mga magulang ang mga ikakasal. Hindi na naman daw bata ang mga ito at kilalang-kilala na ng bawat pamilya ang isa't-isa.
Isa-isa nang nagsilakad ang mga sponsors sa wedding entourage hanggang sa kahuli-hulihang tao bago ang bride.
Ilang segundo ang lumipas bago pumailanlang ang isang kanta ni Shane West na Beautiful in White.
Nakatayo na sa dulo ng white carpet ang bride suot ang isang simpleng white wedding dress na may maliit na belo sa ulo na nilagyan ng katamtamang laki na bulaklak na puti.
May dala rin itong isang katamtamang laki ng bouquet of mixed white and pink roses.
Matindi ang kabog ng dibdib ng groom habang pinapanood na malumanay na naglalakad ang kanyang bride.
"She's stunning!" Napapangiting bulong nito sa sarili at humugot ng malalim na buntong hininga.
Hindi tuloy mapigilan ni Moa na mapangiti habang iiling-iling. Alam na alam niya kasi ang istorya ng dalawang ito mula pa noon.
Samantala sa side ng bride...habang malumanay siyang naglalakad ay hindi niya maalis sa sarili na hanapin ang taong gusto niyang makita sa araw na iyon.
Lahat ng tao ay sa kanya nakatingin at sanay na siya dito. Sa kanyang peripheral vision ay nahagip ang isang tao. Binalingan niya ito at binigyan ng isang matamis na ngiti.
Halata sa itsura nito ang galit at inis. Sa wari niya ay gusto siyang sabunutan.
Nakarating siya sa unahan at dahang-dahang itinaas ni Kendrick ang kaliwang kamay at inabot ang kanyang kanang kamay.
Inalalayan siya nito habang naglalakad sila patungo sa pari.
Sinimulan na ng pari ang seremonya.
"Bago ang lahat meron ba sa inyong tumututol sa kasalang ito?" Tanong ng pari sa mga taong nanduduon.
Lumingon silang dalawa. Hindi nakaligtas sa paningin ni Dyana ang matatalim na tingin ng isang taong nakaupo doon. Nginitian niya lang ito, nagtataka naman siya kung bakit hindi ito tumutol sa kabila ng lahat.
Ibinalik na ng dalawa ang paningin sa pari ng muli itong magsalita.
"Sa palagay ko ay wala namang tumututol kaya uumpisahan ko na ang seremonya." Wika ng pari.
Ilang minuto pa ang lumipas... magkahawak sila ng kamay.
"Alexandre say your vows to Dyana Kim." Wika ng pari.
"I, Alexandre Belizaire, take you, Dyana Kim Olivar, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life.
"Dyana say your vows to Alexandre." Wika ulit ng pari.
"I, Dyana Kim Olivar, take thee, Alexandre Belizaire, to be my wedded Husband, to have and to hold from this day forward, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, to love, cherish, and to obey, till death us do part, according to God's holy ordinance; and thereto I give thee my troth." Habang sinasabi nya ito ay may nagsisimulang mamuo sa sulok ng kanyang mga mata.
Hindi siya naiiyak sa tuwa, kundi dahil nagpapakasal siya sa isang sinungaling na tao. Alam niyang hindi Alexandre ang totoo nitong pangalan at hanggang sa kasal nila ginagamit parin siya nito sa undercover nito.
"Cheri! Are you ok?" Pabulong na tanong nito sa kanya. Siguro ay napansin nito ang biglang pagbalatay ng lungkot sa kanyang mukha.
Tumango lang siya at ngumiti dito. Hindi siya pwedeng maging emosyonal sa mga oras na ito.
Itinuloy ng pari ang seremonya...nasa punto na sila na kapwa isusuot ang mga singsing.
Nauna si Kendrick..hawak nito ng kanang kamay niya habang dahan-dahang isinusuot ang singsing sa palasinsingan niya.
"With this Ring I thee wed, with my body I thee worship, and with all my worldly goods I thee endow: In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen."And vice versa...
Malapit nang matapos ang seremonya.
"And now I pronounced you husband and wife. You may kiss the bride." Sinabi ito nang pari habang binabasbasan sila.
Nakangiti sila sa isa't-isa habang nagkakantyawan ang mga tao sa paligid nila.
Hinawakan siya ni Kendrick sa magkabilang pisngi at masuyong hinalikan sa labi. Mabilis lang yun pero ramdam niya ang pagkasabik nito sa mga labi niya.
Pagkatapos nun ay nagsigawan ang mga tao.
Natapos ang seremonya picture doon, picture dito at nagsimula ng kumain ang bawat isa.
Nang matapos kumain ay niyaya siya ni Kendrick na mag-entertain ng bisita at ipapakilala daw siya nito sa kanilang kamag-anak.
Nanduduon ang mga kamag-anak nito na pure French base na rin sa salita at itsura nila galing sa side ng kanyang Papa.
Ganundin sa side ng Mama niya na halos lahat ay mukhang nagmula sa isang mayamang pamilya.
Gabi na, habang ginagawa nila ang pag-entertain sa mga bisita ay may bigla nalang humawak ng mariin sa kanyang kaliwang braso habang nasa kanang bahagi si Kendrick.
Nilingon siya ni Kendrick ng mapansing hindi siya nagsasalita. Nakita nito si Juliana na nakahawak sa kanyang braso.
" Congratulations to both of you! I'm so happy! Thanks for inviting me." Binitawan nito ang kanyang braso at yumakap sa kanya sabay bulong ng "can we talk in private?" Mabilis din siya nitong binitawan.
Hindi niya alam kung napansin ni Kendrick ang tensyon sa pagitan nila o nagkukunwari lang ito na walang napapansin upang maiwasan ang diskusyon.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomansaNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...