Kendrick's Mother

2 0 0
                                    

Nasa harapan sila ngayon ng mansyon. Napakaganda ng disenyo nito. May pagkaFrench ang disenyo nito mula sa labas. Kung ililibot mo ang paningin sa paligid ay makikita mo ang malawak na halamanan ng Mama ni Kendrick. Halatang alagang-alaga ang mga ito.

Bumukas ang malaking pintuan ng mansyon at doon ay lumabas ang Mama ni Kendrick.

"Oh! Andito na pala kayo? Bakit hindi kayo pumasok!?" Lumapit ito sa kanilang dalawa. Yumakap ito kay Kendrick pagkatapos ay sa kanya.

"Sorry Ma! Gusto ko sanang ipasyal pa ang aking asawa sa paligid para naman makita nya kung gaano kaganda ang iyong hardin." Hinging paumanhin nito sa kanyang ina.

Pinamulahan na naman siya ng mukha ng tawagin siyang asawa ni Kendrick.

"Ah ganun ba!? Hayaan mo hija mga isang araw ipapasyal kita sa aking magandang garden. Ok ba sayo yun!?" Tuwang tanong ng ginang sa kanya.

Tumingin siya dito ng may ngiti sa labi.
"O-opo naman Tita!" Nahihiyang sagot nya dito.

Biglang nameywang ang ginang at sumimangot.
"Kendrick! Teach your wife to call me Mama. From now on hija you will call me Mama. I am now your mother."

Tumingin siya kay Kendrick na wari ay humihingi siya ng tulong dito. Nakatingin din pala ito sa kanya. Bigla siya nitong inakbayan at...
"Ma! You are frightening her. Of course she will call you Mama. Let my wife adapt herself to the situation little by little."

"I'm sorry hija nagulat lang ako na tinawag mo akong tita. Haay! sa dami ng nagpakilala sa aking babae ni Kendrick lahat sila Mama ang tawag sa akin except you calling me tita. Kaya ikaw talaga ang pinakagusto ko sa lahat hindi nagtitake advantage. Mukhang nahanap na talaga ng aking anak ang katapat niya." Iiling-iling na wika ng Mama ni Kendrick.

Kumalas si Dyana sa pagkaka-akbay ni Kendrick, siya naman ang nameywang at tinaasan ng kilay ang lalaki.
"So totoo pala talaga!?"

Napamaang nalang si Kendrick sa kanya sabay baling sa ina.
"Ma!? Do you like to ruin our day?"

"Ooppss! I'm sorry pero totoo naman anak e. Halika na nga hija sa loob at marami pa akong ikukwento sayo tungkol dyan sa asawa mo. But don't take it seriously kasi isa lang ang mahal niyan." Sabay ikinawit nito ang braso sa nakapameywang na si Dyan. Lumakad na sila paloob ng mansyon.

Naiwang naiiling-iling habang nangingiti si Kendrick.

Sa loob ng mansyon...

Kung ano ang ikinaganda sa labas ay mas lalo pa ang loob ng mansyon. Mapapansin na ang mga kasangkapan ay nagmula pa sa iba't-ibang bansa. Napaka-elegante pero ang mga taong nakatira doon ay simple lang kung titingnan mo. Down to earth ang mag-asawang Belizaire na makikita mong minana din ni Kendrick.

Malawak ang living room ng mga Belizaire. May elevator din ito na kung saan kapag sumakay ka ay makikita mo mula sa loob ang kagandahan ng halamanan ng ginang.

Inaya siyang maupo ng Mama ni Kendrick sa mahabang sofa na nanduduon. Nagpakuha rin ito ng meryenda para sa kanilang tatlo. Gumawa daw ang ginang ng dessert na healthy para lang sa kanya. Made of fruits daw iyon dahil alam niyang darating silang mag-asawa.

"Hindi na po sana kayo nag-abala pa. Ok lang naman po sakin kahit ano." Nginitian nya ito ng matamis.

Hindi nya namalayan na nakasunod na pala si Kendrick sa kanila at pasalampak na naupo sa katapat nyang sofa. Naupo rin ang ginang sa tabi nya.

Eksaktong dumating ang meryenda nilam

"Hija ok lang yun, bata kapa lang espesyal kana sa amin ng Papa mo. Hindi mo na siguro natatandaan kasi maliit kapa lang noon ikaw na yata ang pinakacute na baatang nakita ko. Inalagaan din kita nung baby ka kapag dinadala ka ng Mama mo sa mga gatherings." Paliwanag ng ginang.

"Po!? Totoo po ba yan?" Gulat nyang tanong.

"Oo naman. Natatandaan ko one time na birthday party ng anak ng isa ng mga kaibigan namin noon. Kasama ka ng Mama mo at si Kendrick kasama namin. Si Alex kasi madalas na nagpapaiwan lang sa bahay. You were one year old at that time at si Kendrick five years old." Pag-alala ng ginang sa pangyayari.

Habang si Kendrick tahimik lang na nakikinig. Siya naman ay nangingiti habang nagkukwento ang ginang.

"Tama! As I remember hiniram kita sa Mama mo that time kasi tuwang-tuwa ako sayo. Then nakita tayo ni Ken na nakaupo sa sofa. Lumapit ang batang to (turo kay Ken) tapos tinanong nya ako Ma! Who is this baby?  I told him she's your little sister." Natatawa ang ginang habang sinasabi yun.

Si Kendrick na kanina ay nakikinig lang ay biglang nagkaroon ng interest sa sinasabi ng kanyang ina.
"Then what happened next!?" Seryoso nitong tanong.

"Anak wag ka ngang excited! O eto na. Pagkasabi ko ng she is your little sister aba nagalit sa akin ang bata. Alam mo ba kung ano ang sinabi mo sa akin Ken? You said No! No! I don't want a little sister...I want her to be my future girlfriend." Tumawa ng malakas ang ginang pagkasabi niyon.

Napatawa na rin si Dyan sa sinabi nito.

Pinamulahan si Kendrick sa narinig.
"Ma! Are you sure that is the real story?" Takang tanong nya sa ginang dahil hindi siya makapaniwala.

"Anong tingin mo sakin anak sinungaling?" Pinaningkitan nito ng mata ang anak.

Sumimsim lang ng juice si Kendrick.

Sumingit si Dyan sa usapan na nakangiti pa rin at wari'y natuwa sa narinig na kwento.
"Ibig po pala sabihin matagal na kaming nagkikita ni Kendrick? Pati kayo po kilala na ako?"

"Oo naman maraming beses na tayong nagkita-kita nung maliliit pa kayo. Kaya lang after that party we needed to moved to France for some business. Bumalik kami dito after three years for good. Nagkaroon ng party dito noon. The twins were eight at that time and that was also the time na napagkasunduan ng ating mga pamilya na ipagkasundo kayong dalawa." Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ng ginang ng mga oras na iyon.

Napamaang siya sa sinabi ng ginang. Pagkatapos ay binalingan si Kendrick.

Biglang tumayo si Kendrick lumapit sa kanya at inalalayan siyang tumayo.
"Ma! I think we should go upstairs now!"

"Why so sudden!? Hindi pa ako tapos magkwento..." tumayo na rin ang ginang sa kinauupuan.

"Next time Ma, I'll let you have a little chitchat with her. But for today her time is mine." He smirked and then winked an eye to her mom.

Ngumiti lang ang kanyang Mama...wari'y nahulaan na nito ang ibig ipahiwatig ng anak.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon