Itinakda na ang araw ng kanilang kasal. Nagsisidatingan na ang kanilang malalapit na kaibigan at kamag-anak.
Sarado ang malawak nilang bakuran at binubuksan lang ang gate sa mga taong dumarating na imbitado.
Kumpleto ang kanyang mga kaibigan na andito ngayon at nagkakagulo sa kwarto niya.
Bandang hapon ang napili niyang oras ng kanilang kasal. Mas maganda raw kasing magcelebrate ng gabi kaysa araw. Not the usual wedding.
"Guys! Guys! Will you please calm down? Daig nyo pa ang ikakasal e." Sita nyang nakangiti sa mga ito.
"Friend natutuwa lang kami sa nangyayari sayo ngayon. You found your true love..." tuwang-tuwang wika ni Janna.
"Ahe!.." Ngiting nang-uuyam lang ang isinagot niya.
Biglang may pumasok sa kanyang kwarto ng wala man lang kakatok-katok.
"Asan ang bride na yan!? Asan!?" Bungad ng pumasok na si David.
Gulat ang lahat.
Natatawa siyang pinagmamasdan ito. Para itong naghahanap ng away.
"I'm here!" Wika niya na parang hindi siya nakikita nito. Nakaupo siya sa silyang nakaharap sa salamin. Kakatapos niya lang kasing lagyan ng make-up habang ang buhok niya ay nakaroller pa.
Lumapit si David sa kanya at nagbeso.
"Hoy! Ikaw bruha ka. Alam mo bang halos basagin ni pogi ang mukha ko nung nasa isla tayo dahil dyan sa kakatampururot mo sa kanya? Tapos heto after two months ikakasal kana? Ang landi! Landi mo talaga!" With matching actions pa kung magsalita ito.Nagtawanan silang lahat. Kilala ng mga kaibigan niya si David. Dahil nung mga bata pa sila, sila-sila din ang magkakasama.
"At andito pala ang ibang mga witch." Tumingin ito sa mga kaibigan nya at pumipilantik pa ang mga kamay habang nakatilos ang nguso.
Pumasok na ang make-up artist hudyat na dapat na siyang magready dahil ilang sandali nalang ay magsisimula na ang kasalan.
Sa kabilang kwarto...
Inaayos ni Kendrick ang kanyang polo ng biglang pumasok si Moa na may dalang laptop.
Hanggang ngayon ay wala pa ring kaalam-alam ang mga ito na alam na ni Dyana na hindi siya si Alex.
"Bro! Look at this!.." lumakad ito sa may kama at doon ipinatong ang laptop na dala nito na waring may pinapanood ito.
Lumapit siya dito upang makita kung ano man ang sinasabi nito.
Isa iyong CCTV footage sa maraming bahagi ng building kung saan nakatira noon si Alex.
Sa pagkakatanda niya ay kuha iyon ng araw na pinatay si Alex. Wala silang nakuhang ebidensya noon dahil nafalsify na lahat ng footage.
Pinanuod nila ang footage.Dahil gabi na nang araw na iyon walang masyadong makikitang tao sa camera maliban sa isang taong nakablack pants,rubber shoes, nakajacket at nakalagay ang hood sa ulo nito kaya hindi ito makikilala. Naglalakad ito sa hallway hanggang sumakay ng elevator.
Halatang iniiwas nito ang mukha sa mga camera.
Pagbaba ng elevator ay naglakad ulit ito sa isa pang hallway sa 5th floor kung saan andun ang unit ni Alex.
Talagang pinagplanuhan ang lahat.
Huminto ang tao sa tapat ng unit ni Alex. May CCTV camera din sa mismong tapat ng pintuan. Nagdoorbell ito at ilang sandali palang ay bumukas ang pinto.
Lumabas ang kapatid nyang si Alex.
Halatang may pinagtatalunan ang dalawa pero dahil walang microphone ang camera doon hindi nila marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
Maya-maya pa ay bigla nalang sinipa sa dibdib si Alex ng kausap dahilan upang ito ay mapapasok muli sa kanyang unit. Mula sa jacket ay may hinugot na maliit na baril ang tao at itinutok sa nasa loob na si Alex.
Nakagwantes na black ang nasabing tao kaya pala wala silang makitang kahit anong fingerprints sa bahay.
Pumasok ang tao sa loob at sinundan si Alex. Isinarado nito ang pinto. Hanggang doon nalang ang kanilang napanood dahil wala namang camera sa unit ni Alex.
"Forward it!" Utos niya kay Moa.
Finorward nya ang video. Umabot pa ng 10 minuto bago lumabas ang tao. Halatang iwas na iwas itong makita ang mukha nito sa camera.
Nakakuyom ang mga kamay ni Kendrick at tiim-bagang. Waring gusto nitong pumatay ng araw na iyon.
Napansin agad iyon ni Moa kaya pinakalma niya ito.
"Bro relax! This is your wedding day. Ayoko sanang sirain ito pero nagulat din ako ng may magpadala sa email ko kanina. Anonymous kung sino man ito. Don't worry bro...after ng kasal mo saka natin hahanapin kung sino man yang taong yan." Tinapik nito ang balikat ng kaibigan.
Bumuntong hininga siya.
"Yeah! You are right, araw ko ito kaya dapat masaya ako. Ayoko rin masira ang araw na ito para sa amin ni Dyana."Maya-maya pa ay may kumatok at sabay pumasok ang isa sa mga kaanak niyang lalaki para sabihing mag-uumpisa na ang kasal.
Dali-dali nilang inayos ang mga sarili at lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
Storie d'amoreNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...