The Twin's Differences

71 3 0
                                    

Tuwang-tuwa si Luis Belizaire ng isilang ni Emily Belizaire ang hindi lang isa ngunit dalawang sanggol na lalaki, ang kanilang mga tagapagmana.

They named them Kendrick and Alex. Si Kendrick ang pinakapanganay dahil siya ang unang inilabas at bunso naman ay si Alex.

Kendrick...

Malusog na isinilang si Kendrick Belizaire. Habang lumalaki ay kapansin-pansin ang pagiging matalino niya.

Hindi siya katulad ng isang tipikal na bata na nakikipaglaro ng mga outdoor games. Madalas silang maglaro ng kanyang mga kaibigan ng pulis-pulisan, siya at ang bestfriend nyang si Moa ang pulis at ang mga kaibigan nya at kapatid ay mga gangster.

Mas madalas din na nakaupo lang siya sa tabi ng kanyang Papa at nakikinig sa usapang pangnegosyo.

Isang araw na nagkaroon ng pagtitipon sa kanilang bahay noon. Maraming malalaking tao ang imbitado doon at isa na sa mga ito ay ang mag-asawang Charito at Ramon Olivar. He was about eight years old at that time.

"Mon ami (pertaining to male friend) thank you for coming." Yumakap si Luis Belizaire kay Ramon Olivar.

"It's our pleasure Luis." Sagot naman ni Ramon."

Nagyakapan din ang magbestfriend na sina Charito at Emily at mabilis ding nagbitaw.

"And who is this young man beside you Emily?" Nakangiting tanong nito. Napansin kasi ni Charito si Kendrick sa tabi ng kanyang ina.

"Oh, I'd like you to meet our son Kendrick." Hinawakan siya ng kanyang ina sa kamay at ipinakilala sa mga kaharap.

"What a handsome boy!?" Lumapit si Charito at ginulo ang buhok niya.

"But where is the twin brother?" Tanong ng lalaking Olivar kay Emily.

"He's just around playing with his friends. Hindi nya hilig ang ganitong okasyon ibang- iba dito kay Kendrick." Paliwanag ni Emily sa mag-asawa.

Kahit na pure French ang lalaking Belizaire ay matatas itong managalog at madaling makaintindi ng tagalog kaya aakalian mong Pilipino din ito maliban nalang kung pagmamasdan mo ang kanyang itsura.

"Itong si Kendrick ang gusto kong mapangasawa ng inyong anak paglaki nila. Payag ba kayo kumpadre?" Tanong ng lalaking Belizaire sa mag-asawa.

"Honey, don't you think it's too early to talk about it?" Pigil ng kanyang esposa.

"No kumadre iyon din ang gusto kong mangyari dahil alam kong magiging mabuting bata itong anak nyo." Sagot naman ni Luis sa mag-asawa.

"Papa!" Nginitian at tinitigan ito ni Charito nang makahulugan.

"Ma! Ayaw mo bang maging anak itong gwapong batang ito?" Ginulo ng lalaking Olivar ang kanyang buhok.

"Alam nyo I am not against about your idea but this is not the right time to talk about this idea. They are too young for this." Paliwanag ni Charito.

"I agree kumadre, ay naku halika na nga at hayaan na natin sila, come I'll introduce you to my other friends." At tuluyan nang lumisan ang dalawang babae.

Naiwan ang dalawang lalaking naiiling lang samantala sa isang banda ay isang bata ang nagdaramdam sa kanyang mga narinig.

Mawawalan na siya ng karapatan na magmahal ng isang babaeng talagang mamahalin nya pagdating ng panahon dahil ngayon palang na bata siya ay ipinagkasundo na agad siya ng mga magulang sa isang bata din na hindi nya pa nakikilala...

Alexandre...

Kumpara sa kakambal nyang si Kendrick isinilang siyang masasakitin.

Lumaki siyang medyo may katigasan ang ulo at spoiled brat. Dahil nga sakitin lahat ng hilingin ay ibinibigay ng magulang. Kahit ang kapatid na si Kendrick ay mahal na mahal ito at lahat ng gustuhin nya na pagmamay-ari nito ay ibinibigay nito.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon