She's Back

16 2 0
                                    

Kendrick's POV

Two days had passed... nakaupo ako sa swivel chair ng aking opisina habang nilalaro ng aking mga daliri ang isang ballpen sa ibabaw ng aking mesa. Malalim na nag-iisip tungkol sa mga nangyari sa isla.

Hanggang ngayon kasi mabigat parin ang kalooban ko sa pag-alis namin sa islang yun. Bakit ba ang pakiramdam ko mayroon siyang hindi sinasabi sa akin.

Kailangan kong gumawa ng paraan kung paano...

...nasa ganito akong pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng aking opisina.

"Kendrick ano ang nangyari at hindi mo kasama ang aking anak?" Dumadagundong ang boses ng ama ni Dyana.

Tumayo ako upang magbigay respeto sa matandang Olivar.
"Papa have a seat." Itinuro ko ang upuan sa harapan ng aking mesa.

"No! I need your explanation right now. Nangako ka sa akin na aalagaan mo siya kaya ako pumayag sa mga plano mo na hindi sabihin kung sino ka talaga alang-alang sa paglutas ng kaso ng iyong kapatid." Halatang galit na galit ang matanda... maya-maya pa ay napaupo ito sa silyang itinuro ko kanina at habol hininga habang nakahawak sa dibdib.

Naging madali ang aking pagkilos... agad ko siyang dinaluhan.

"Papa are you ok!?" Tanong kong may pag-aalala. Nag-intercom ako sa aking assistant na kumuha ng tubig sa pantry ng opisina at ilang saglit lang ay dumating naman agad ito dala ang aking iniutos.

Makalipas ang ilang minuto ay habol hininga parin ito kaya nagpasya na akong magpatawag ng ambulansya para madala agad ito sa ospital at mabigyan ng paunang lunas.

Sa ospital...

Nagising ang Papa ni Dyana na nakahiga sa kama ng ospital at nakaoxygen. Ang sabi ng doktor sa akin mabuti daw at naagapan na madala siya dito dahil kung hindi baka inatake na ito sa puso.

Tinawagan ko narin si Mama ang asawa nya, siguro maya-maya lang ay nandito na iyon.

Nag-aalala ako para kay Dyana, hindi pa nya alam na nasa ospital ang Papa nya. Nagdadalawang-isip ako kung ipapaalam ko ba ito sa kanya dahil alam kong marami pa ang bumabagabag sa kanya.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Iniluwa niyon ang Mama ni Dyana at mabilis na lumapit sa asawa.

Tumayo ako bilang pagbibigay galang sa kanya.

Bumaling ito sa akin...

"Hijo, maraming salamat sa pagdadala mo sa asawa ko dito...kung hindi dahil sayo baka kung napano na siya." Halos maiyak na ang ginang sa nakikitang kalagayan ng asawa.

"Wala pong anuman Mama, ang mahalaga po ligtas na si Papa." Maikli kong sagot sa ginang. Akmang aalis na ako upang bigyan sila ng pagkakataon na makapag-usap ng muli itong magsalita.

"Kailangang malaman ni Dyana ang nangyari sa Papa nya. Kailangan na niyang bumalik dito. Hindi na pwede itong ginagawa nyang pag-iwas sa responsibilidad nya. Matanda na kami at siya nalang ang maasahan namin." Mahabang paliwanag ng ginang.

Hindi agad ako nakapagsalita sa mga sinabi ng ginang...kung alam lang nito na maraming problema ang pinagdadaanan ng kanilang anak ngayon.

"Hijo! I know you know where she is...please tell her to go back and that her dad is in the hospital. Can you do that for me?" Nagsusumamo ang himig nito.

"Y-yes Ma! I'll do what I can do...please excuse me but I need to go back to the office." Pagpapaalam ko sa ginang.

Tumango ito bago muling nagsalita.
"Thank you hijo! I'm looking forward to that."

I nodded then headed to the door and get back to the office.

Sa Opisina...

Dumating ako sa opisina na malalim na nag-iisip kung papaano tatawagan si Dyana at sasabihin ang nangyari sa kanyang ama. Umupo ako sa aking swivel chair, isinandal ko ang aking likod na para akong pagod na pagod. Nakatukod ang aking siko sa arm chair habang minamasahe ko ang aking ulo na sumasakit na rin dahil sa pag-iisip.

Maya-maya pa ay may biglang kumatok sa aking pintuan.

"Come in." Tugon ko sa kumatok.

Si Jasmine ang pumasok, ang secretary ni Dyana. Biglang may pumasok na solusyon sa aking isip pero bago yun ay tinanong ko muna ang secretary kung bakit ito nanduduon.

"Bakit Jasmine? May problema ba?" Tanong ko dito.

"Sir kasi po hindi ko na alam ang gagawin ko, panay na ang tawag ng mga kliyente at gusto makausap si Ms.Dyan...hindi ko na po alam ang sasabihin ko sa kanila. Kung hindi daw po nila makakausap si Ms. Dyan magbaback-out daw sila sa mga orders nila at kukuha nalang sa iba." Nag-aalala na nitong salaysay.

"Don't worry Jasmine there will be a solution for that but for the meantime I need your help." Paninigurado ko sa secretary at kasunod na rin ang paghingi ng tulong.

..........kinabukasan nang gabi habang nagpapahinga ako sa aking condo bandang alas-siyete palang ay biglang nagring ang aking cellphone. Tumatawag ang Mommy ni Dyana. Agad kong sinagot iyon.

"Hello Ma!.." mahinahon kong sagot sa tumatawag sa kabilang linya.

"Hijo! Am I disturbing you?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"No, Ma It's fine... how's Papa?" Tanong ko sa kausap ko.

"I'm glad you asked, he's fine now. Your parents just came and visited him. And I just wanna say thank you." Napakalambing talaga magsalita ng Mommy ni Dyana kabaliktaran ng personalidad ng babaeng mahal ko. Bigla akong nalungkot nang maalala ko siya. Nasa ganun ang pag-iisip ng maalalang may kausap ako sa kabilang linya.

"Thank you for what Ma?" Tanong ko ulit dito.

"Thank you for everything, for calling Dyana and asking to go home. Dumating siya kagabi at nagstay dito hanggang kaninang umaga. Pinauwi ko muna siya para magpahinga." Bumuntong hininga si tita.

Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni tita na bumalik na si Dyana. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong umalis ng condo at puntahan siya pero pinigilan ko ang sarili ko at humugot ng malalim na hininga. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa muli naming paghaharap.

"Hijo, are you still there!? Is there something wrong?" Nag-aalala nitong tanong sa akin.

"No, Ma I'm just glad to hear that she's back." Pag-aassure ko dito.

"Ok hijo! I have to cut this call. I need to entertain some visitors, bye!.." Hindi na nito hinintay ang aking sagot, mabilis na nitong pinutol ang tawag.

Mukhang mahimbing akong makakatulog ngayon. Thanks to Jasmine maasahan talaga ito...

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon