Dyana's POV
Ilang minuto palang na nakakaalis si Alyanna sa aking suite pero para paring nakalutang ang aking isip.
Marami akong nalaman mula sa pag-uusap namin. Tama siya na dapat naming pagtulungan ang paghahanap sa murderer ni Alex. Pero saan ako magsisimula?
Ayokong komunsulta kay Moa, but one thing had caught my mind sa lahat ng sinabi ni Alyanna...na malamang na ako daw ang malaking dahilan kung bakit pinatay si Alex. Dahil alam nyang matagal na kaming walang communication bakit kailangan na mainvolved ang pangalan ko sa nangyari.
Ikinuwento rin ni Alyanna lahat ng nangyari sa Paris. Nung nakita ko silang magkasama at naghahalikan, na narinig ko ang usapan nila na parang may relasyon sila. Halos hindi ko na narinig pa ang ibang pinag-usapan nila noon dahil ang gusto ko lang ng mga oras na yun ay ang makalayo na.
Naalala ko pa ang mga katagang sinabi nya kanina.
Flashback...
"After I kissed him he holds my shoulder so tight and said...
I'm marrying the woman I love so please stop doing this...
then I asked him, anong nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati? Alam kong kapag magkasama tayo ang lamig lamig mo na sa akin. Hindi mo na ako kinikibo, alam ko rin na nilalagyan mo ng pampatulog ang inumin ko para pagkagising ko kinabukasan isipin ko na may nangayari sa atin. Hindi ako manhid Alex...and you know what he said?"
Tumigil pa siya sa pagkukwento at halos umiyak na naman.
"He said that I need to know the truth...
Alyanna please forgive me but mali ang akala mo. You need to know the truth now. It's time...
What are you talking about Alex?...
Since inalis kana namin sa list of suspects I assume na titigilan mo na ako...
hindi ako makapagsalita dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nya...
Alyanna I am not Alex, I'm his twin brother, I'm Kendrick. Alex is--- gone...
what???"
Alam kong hirap na hirap ang kalooban nya sa pagkukwento pero tuloy parin ito.
"No, that's not true...sabi ko sa kanya na baka nagkakamali lang siya..."
Tumingin siya sa akin ng matagal.
"He was murdered five years ago...I'm an undercover agent I am holding the case. I am not supposed to investigate this but they need me to undercover..."
"...hindi ko alam ang gagawin ko pagkasabi nya nun...kaya nagpasya nalang akong hanapin ka at kausapin pero hindi ko nasabi sa kanya na andun kana dahil gusto ko na ikaw muna ang kausapin ko...noong lalabas na ako para tingnan kung andun ka pa sa may pinto, nakita kita na may kausap kang babae at palabas kayo ng building, sinundan ko kayo hanggang makarating sa isang coffee shop."
Tumayo siyang muli at humarap sa kawalan...malalim ang iniisip bago muling nagsalita.
"I was there...Naupo ako malapit sa inuupuan nyo na hindi nyo ako mapapansin. Narinig ko lahat ng conversation nyo and from that I confirmed na totoong wala na si Alex." Naging garalgal ang boses nito. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"From that moment I decided na humanap ng justice para kay Alex. I heard her too na kasama ako sa list ng suspects at hindi ko mapapayagan na pati ako isipin nila na pinatay ko siya. Mahal na mahal ko si Alex." Umiyak na ito ng tuluyan.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...