MDV University stands for Manuela Del Valle University. Isang university para sa mga mayayamang pamilya at may mga piling courses lang specially related sa business.
Mula nursery ay maari kang mag-aral dito hanggang kolehiyo at si Dyana Kim Olivar ay dito nagsimulang mag-aral mula pagkabata.
Noon pa man ay pinangarap na nya ang maglaro ng volleyball. Kayat ng nagkaroon ng pagkakataon ay agad nya itong sinubukan. Nasa first year highschool sya ng mapasali sya sa varsity at nakilala agad sya sa kanyang husay at galing.
Hindi rin maitatanggi na marami ang humahanga sa kanya. Ngunit may ilan rin ang naiinggit kabilang na si Alyanna Salvacion.
Isang araw isang sobre ang kanyang natanggap mula sa isang hindi kilalang tao. Binuksan nya ang sobre at namangha sa nakita. Kuha nya iyon na tumitira ng bola, maganda ang pagkakakuha niyon na may note pa sa likod.
Ma Cherie,
I will wait till the time you are ready.
Kendrick,
Hinanap nya ang taong iyon pero walang makapagsabi kung sino ang Kendrick na nasa sulat at kung anu ang ibig nitong sabihin sa note dahil bukod sa maraming Kendrick ay hindi nya alam ang apelyido nito.
Tumuntong sya ng third year highschool at hindi sya nawalan ng pag-asa na magkikita pa sila ng taong nagbigay sa kanya ng picture.
Hanggang sa dumating ang panahon na dumating sa buhay nya si Alex. Nagkakilala sila ng binata nang minsang magkaroon ng labanan ng Mr. and Ms. MDVU. Sya ang nakakuha ng title sa babae at isang nasa fourth year highschool ang lalaki.
Si Alex ang dating title kaya sya rin ang naimbitahan upang magsalin ng titulo. Nasa second year college na ang binata kaya hindi nya akalaing mapapansin sya nito. Balitang-balita rin kasi sa buong campus ang pagiging playboy nito.
Niligawan sya ni Alex ng nasa third year highschool sya. Wala syang balak na sagutin ang binata dahil hindi pa sya sigurado dito dahil nasa puso parin nya si Kendrick at sa tingin nya ay masyado pa syang bata. Isama narin na bawal syang magboyfriend dahil nakatakda na syang ikasal sa isang taong hindi nya pa nakikilala.
Pero naging masugid ang binata at isang taon na sya nitong nililigawan. Hindi nito pinapansin ang mga babaeng nagpapacute at patay na patay dito. Nakita nya ang mga pag-iwas at pagpapaalis nito sa mga babaeng umaaligid dito kasama narin si Alyanna.
Naisipan nyang sagutin na ang binata dahil nakita nya ang pagkasinsero nito at ang magandang intensyon nito sa kanya. Maalaga rin ito, sweet at talagang mabait. Hindi ito nawawalan ng oras at panahon sa kanya kahit gaano pa ito kabusy na tao dahil nga kasali rin ito sa soccer.
Sinagot nya ang binata ng malapit na ang sem-break sa college dahil madalang na nya itong makikita sa school. Hindi katulad nilang highschool na walang sem-break kaya mas madalas parin sya dito. Naging masaya naman ang bawat sandali nila kahit na patago ang relasyon nila. Alam lang sa school dahil labas naman ito sa mga personal nilang buhay.
Isang araw nga ay yung nakita sila ng assistant ng Papa nya sa mall. Dahil sa pakiusap nya ay nanatili naman itong tahimik.
Grumaduate sya ng highschool at kumuha ng business management sa school din na yun. Habang nag-aaral sya ay nagtatrabaho sya sa kompanya ng daddy nya.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomansaNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...