Total Resemblance

44 0 0
                                    

Alex's POV

Nilingon ko ang receptionist na tumawag sa akin kanina.
"Yes, that's me." Sagot ko sa kanya.

Sinabi nito na may naghahanap sa akin na nakachecked in din sa hotel. Pinahanap ko ang pangalan dahil wala naman akong inaasahan na ibang kasama maliban sa dalawa nina Andrew. Pure business ang ipinunta namin dito.

"Ayan na po pala sila Sir e!" Nakatingin ito sa hagdan ng lobby.

Lahat kaming naroroon ay nalipat ang atensyon sa hagdan. Hindi agad ako nakakibo ng makita ko siya, may akay itong batang nasa limang taong gulang ang edad habang naglalakad ito pababa sa hagdan.

Siya si Juliana. She's as tall as Dyan, beautiful and sophisticated. She's everyman's dream. Kahit hindi nya sabihin alam ko na gusto nya ako. Ngunit para sa akin ay kaibigan lang ito at hindi iyon lingid sa kanyang kaalaman.

Nang makababa sila ng hagdan ay agad silang lumapit sa akin sabay na yumakap at agad ding bumitaw.

Napatingin sa katabi kong si Dyan si Juliana napansin ko ang pagkagulat sa mukha nito ngunit mabilis ding nakabawi.

Hindi ako makatingin kay Dyana nang mga oras na iyon, hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat. Hindi ko narin nalaman ang reaksyon nya habang hinahaplos ni Juliana ang aking mukha.

Nagsalita si Jundrick, ang batang kasama ni Juliana kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makaiwas sa mga hawak nito. Lumuhod ako upang magpantay kami ng bata. Sa sobrang tuwa ko ginulo ko ang buhok nya at niyakap ko siya.

Naramdaman ko nalang na nagmartsa mula sa likuran ko si Dyan. Sa harapan ko siya dumaan at kitang-kita ko mula sa pagkakayakap ko sa bata nang sundan siya ni Dave.

I know what she's thinking and I hate to see her in the arms of another man especially to that Dave. I'll break his neck if ever...

Tumayo ako habang buhat-buhat ang bata habang si Juliana ay ikinawit ang mga kamay sa aking braso.

"Sir ang pogi naman po ng anak nyo kamukhang-kamukha nyo. Saka po ang ganda ng asawa nyo. Ang saya nyo pong tingnan." Narinig kong sinabi ng isa sa mga receptionist doon. Nginitian sila ni Juliana.

"Mon (for male) Cherie, we want to transfer into your suite." May paglalambing na sabi nito.

"No need Juliana, just stay in your suite but the boy can stay with me. Right Jundrick?" I tickled him and he laughed. I saw her when she pouted. I know she doesn't liked the idea.

"Daddy, I'm hungry..." He said holding his tummy.

"Ok, daddy will bring you to the restaurant, let's see what they serve for my little boy." I walked still carrying him while Juliana is following us.

When we were at the restaurant I ordered for them as they waited for me sitting on the corner.

Kumakain na kami ng makita kami nina Jas.
"Sir, andito po pala kayo?" Nalipat ang atensyon nito sa dalawa kong kasama.
"Ang cute naman nya sir, sino sila?" Nakangiting wika nya.

"She's Juliana my friend and Jundrick my...son." I introduced them to the two.

Gulat ang reaksyon ni Jas, si Andrew naman ay hindi malaman kung ano ang sasabihin. Maya-maya pa ay napadako ang tingin nito sa may entrance ng resto para itong nakakita ng multo.

"Si...Ms. Dyan." Turo ni Andrew dito.

Lahat kami ay doon napatingin maliban kay Jundrick na abala sa pagkain. Kasama parin nito ang Dave na yun. Nakabihis na ang dalawa ng mga oras na iyon.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon