Isang araw na naman ang lumipas. Hindi parin nakakapag-usap sina Alex at Dyana. Palagi kasing nakadikit si Juliana kay Alex.
Lumapit si Jas kay Dyana nang makasalubong nya ito sa may lobby.
"Ms. Dyan." Tawag niya dito."Yes, Jas...? Me kailangan ka? Nag-enjoy ba kayo dito sa isla? " nakangiti nitong tanong sa kanya.
"Of course Ms. Dyan...pero mas mag-ienjoy ako kung sasamahan mo akong libutin ang isla at itry ang mga activities nyo?" Masayang yaya niya dito.
"Oo ba...ikaw pa. Saka Dyan nalang parang hindi tayo magkaibigan nyan e." Nakangiti nitong sagot sa kanya.
"Sure! Ms...este Dyan..." sagot ulit niya.
"Magbibihis lang ako, dito mo nalang ako hintayin."
"Ok..." sang-ayon niya.
Ilang saglit lang ang nakalipas at nakabihis na ito. Nakasuot ito ng pink boxer shirt at maong brown short. Nagsuot din ito ng rubbershoes.
"Halika na..." yaya ni Dyan sa kanya.
Nakangiti siyang tumayo mula sa sofa na nasa lobby. Tulad ni Dyan ay ganun din ang outfit nya.
Una nilang pupuntahan ay ang zip line area.
Jasmine's POV
Naglalakad na kami palapit sa area ng mamataan ko si Sir Alex. Masaya ito ng makitang kasama ko si Dyan. Ngunit si Dyan gulat ang reaksiyon.
Nakarating kami sa area at agad lumapit si Sir Alex.
"Thanks Jas." Pasasalamat niya sa akin."Jas!..." Wika ni Dyan na may halong pagtataka.
"Sorry Dyan pero napag-utusan lang ako e. Palagay ko kailangan nyong mag-usap." Paliwanag ko dito.
"Please don't get mad to Jas, ako ang nag-utos sa kanya na yayain ka dito para makausap ka." Pagtatanggol naman sakin ni Sir Alex.
Bumuntong hininga si Dyan.
"I guess we really need to talk."Hindi ko na inalam kung ano pa ang sasabihin nila sa isa't isa kaya umalis na ako. Sa aking paglalakad ay isang hindi inaasahang tao ang tumawag sakin.
"Jasmine!...Jasmine right!?" Humahangos itong lumapit sa akin.
"Yes! Ms Juliana?" Tanong ko sa kanya.
"Have you seen Alex? He's not around..."
hinahanap nya pala si Sir Alex."Ah!...No!... I haven't seen him..." Itinanggi ko sa kanya na nakita ko si Sir Alex at kasama pa si Dyan dahil siya ang dahilan kung bakit humingi ng tulong sa akin si Sir Alex. Palagi kasi itong nakadikit sa kanya kaya hindi malapitan si Dyan.
"Oh... ok! Would you mind if you join me to the zip line area? He might be there..." She smiled at me na parang dyosa sa kabaitan pero una ko palang siyang nakilala hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya...
Pinagpawisan ako bigla...kailangang makaisip ako ng paraan kung paano siya ililigaw...
"I've been there Ms. Juliana but he's not there. Maybe he is at the other activity area.""oh! Ok..." mukhang alinlangan parin ito
Habang naglalakad kami ay naitanong ko sa kanya kung nasaan si Jundrick.
"Miss, where is Jundrick?""Ah! I hired a nanny to look for him. I asked Dave the owner to give me one of his staff while we are staying here for days. So now I can enjoy the vacation."
"Ah! Ok..." tanging naisagot ko. Nagawa nyang iwan ang anak para lang makapag-enjoy?
Dyana's POV
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...