Photos

60 3 0
                                    

Continuation...

Kendrick's POV

Ilang araw nalang at nalalapit na ang aking pag-alis. Labag man ito sa aking kalooban ay kailangan kong sundin ang kahilingan ng aking ama. Ako lang ang pwede nyang asahan pagdating sa ganitong bagay. Nasa ganito akong pag-iisip ng biglang dumating si Moa.

"Ang lalim ng ating iniisip ah!? Share ka naman?" sabay hampas sa aking balikat.

"Wala ka bang pasok ngayon at andito ka? Gusto ko na tuloy isipin na may gusto ka sa akin." biro ko sa kanya.

"Uy! sobra ka ha? Sportsfest ngayon kaya wala kaming klase at saka masama bang dalawin ang bestfriend ko?" medyo patampo nitong wika.

Nginitian ko siya at naupo naman siya sa tabi ko sa bench na aking kinauupuan.

"Sya nga pala matanong ko lang, tuloy kana ba talaga sa pag-alis mo?" Biglang naging seryoso ang usapan namin.

Napabuntong hininga ako sa tanong na iyon ni Moa.

"Wala akong magagawa Moa, kailangan kong sundin ang kagustuhan ni Papa."

"Pero matagal mo nang pangarap ang makapag-aral sa France para makasali ka sa INTERPOL bakit parang nagdadalawang isip kana ata?" takang tanong nito sa akin.

"Oo matagal ko nang gusto yun tulad ng kagustuhan mong makapagpulis balang araw pero simula ng makilala ko siya biglang nagbago ang lahat."

"Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy mo ah!?" nginitian nya ako na may kasamang panunukso.

"Oo, tama ka Moa siya nga ang dahilan at hanggang ngayon ay hindi ko parin siya kilala at ni hindi malapitan." Malungkot kong wika.

"Eh, ewan ko nga ba sa iyo kung bakit hindi ka magpakilala sa kanya. Pwede mo naman siyang lapitan at magpakilala ka pero ako nga din kahit nasa iisang compound na kami hindi ko rin siya masyadong kilala pa palibhasa kasi iilang buwan palang siyang pumapasok sa highschool at masyado siyang misteryosa sa totoo lang ano?" mahaba ang paliwanag na ito ni Moa at doon ay may bigla akong naisip bigla akong nabuhayan ng loob.

"Moa alam mong hindi pwede ang gusto mong mangyari,ayokong maiskandalo siya at pag-usapan na nililigawan siya ng isang matanda sa kanya. Knowing a teenager like her they do believed na dapat kasing age din nila ang dapat maging kasintahan nila o kung gusto mo naman ay makasuhan ako ng child abuse?"

"Bestfriend hindi iyon pwedeng mangyari dahil according to the law lahat ng minors ay hindi pwedeng ikulong ok!?" Umandar na naman ang pagiging pulis-pulisan nito pero minsan naiisip ko na mas bagay itong maging abogado sa dami ng alam.

"Moa will you do me a favor? Ikaw naman ang mas malapit sa kanya, gusto ko na bago ako umalis ay may maiwan man lang ako sa kanya na isang ala-ala."

"Kol ako dyan bestfriend basta ikaw." may pagthumbs up pa ito sa akin.

Bukas na ang araw ng aking pag- alis. Nandito ako ngayon sa second floor ng isang building sa may pasilyo habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa magkabila ng aking bulsa. Mula dito natatanaw ko si Moa may hawak itong sobre at tila may hinihintay. Oo, hinihintay nya si Ms... "Ravilo" according to her jersey shirt but her first name... I don't know.

Maya-maya pa ay dumarating na ito mag-isa lang siya wala ang mga kabarkada nyang palaging nakasunod sa kanya. Mabilis itong naharang ni Moa at kinausap. Habang ginagawa iyon ni Moa ay naging mabilis ang aking mga mata sa pag-observe sa kanya.

She was standing sa pwestong hindi nya ako nakikita mula sa taas ng building. I think mga five six ang height nya at kapag nagsuot ito ng high heeled shoes ay konti nalang ang difference sa height ko.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon