Two days ago na ang nakakaraan simula nung mangyari ang engagement pero hindi parin sya makamove on. Mas pinili nya kasi ang magpakasal dito kahit ayaw niya. Hindi dahil ayaw nya sa binata kundi sa set up na nangyari sa kanila.
Aminin man nya o hindi nawala ang pagmamahal nya sa binata noon pero nang muli nya itong makita parang me kakaiba syang naramdaman. Nawala ang galit nya dito at may kakaibang feelings syang naramdaman na hindi nya maexplain. Ibang iba sa naramdaman nya sa dating Alex.
The way he moves or acts parang hindi si Alex. Ang mga gestures at pananalita nito...bigla nya tuloy naalala ang mga halik nito. Mas ramdam nya at mas may kilig. The way he moved his lips to her.
Umiling iling sya para iwaksi na ang mga iniisip.
Pagkatapos ng naging pag-uusap nila ni Alex ng gabing iyon sa may pool. Naisip nya na mawawala sa kanya ang kalayaan pero mas hindi naman nya kakayanin na makita ang mga magulang nya na naghihirap kaya nagpasya syang pumayag nalang sa kasunduan. Kasama rin sa napag-usapan nila ni Alex na magiging sweet lang sila at mukhang magkasundo tuwing kaharap lang nila ang mga magulang.
Nang gabing iyon... bumalik sila sa party at opisyal na syang ipinakilala nito bilang mapapangasawa. Mabuti nalang at hindi na nagtanong ang mga magulang sa biglaang pagbabago ng pakikitungo nila sa isa't isa.
Isinuot din nito sa kanya ang engagement ring na halatang pinaghandaan ng binata dahil nakaukit doon ang mga initials ng pangalan nila.
Bumalik ang isip nya sa kasalukuyan ng may kumatok sa pinto ng opisina nya.
"Yes! come in." She said.
Iniluwa ng pinto ang kanyang secretary na si Jasmine na may dala-dalang bouquet of flowers.
"Maam may nagpapabigay po." Iniabot ng secretary ang dala.
"Kanino daw galing?" Takang tanong nya.
"Basahin nyo nalang daw po yung nakasulat sa card, sige po labas na po ako." Mukhang kinikilig ito ang laki kasi ng ngiti nito. Lumabas narin ito pagkabigay sa kanya ng bulaklak.
Kinuha nya ang card at binasa.
You are not answering my calls cherie.Meet me outside now or I will break your door.
Mukhang alam na nya kung sino ang nagpadala nun. Pagkatapos ng party ay palagi na itong tumatawag. Isang beses nyang sinagot ito dahil unknown number iyon. Nang sagutin nya ay napag alaman nya ngang sa binata iyon at nang palagi na itong tumatawag at nagtitext ay di na nya sinasagot pa.
Wala sana syang balak labasin ang binata pero bigla itong nagtext.
Come outside or i will go inside your office and punish you.
Tumayo sya para labasin ang binata hindi dahil natatakot sya sa punishment na sinasabi nito kundi dahil naiinis na sya.
Paglabas nya ay nakita nya agad itong nakaupo sa isang silya sa tabi ng bintana at nilalaro laro ang ballpen na hawak nito. Sigurado siyang dito na nya isinulat yung nakasulat sa card kanina.
Hindi agad nya ito nilapitan, sa halip ay pinagmasdan nya ito. Ibang-iba talaga ito sa dati nyang kilalang Alex. Mas naging matikas ito, aminin man nya o hindi mas gumwapo ito. Napansin din nya na parang naiba ang hugis ng mukha nito. Nasa ganun syang pag iisip ng lumingon ito sa kanya.
"What?" Napakunot ito ng noo.
"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo?" Inis nyang sagot.
"I'm asking why are you staring at me?" Paliwanag nito sa unang sinabi.
Namula sya sa sinabi nito napansin pala nito ang ginawa nyang pagtitig dito.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...