Maya-maya pa ay nagulat sya nang may humawak sa kanang braso nya, napalingon siya dito. Si Moa pala, matagal na itong may gusto sa kaniya. Kaibigang matalik ito ni Alex ngunit nasira iyon nang dahil sa kanya.
"You look beautiful tonight, how are you now?"...hanggang tenga ang ngiti nito.
"Oh! Hi! Moa, I-I'm good...how about you?" Nauutal nyang sagot. Gwapo rin naman kasi itong si Moa, mayaman at mabait pero ewan nga ba nya kung bakit di nya ito magustuhan. Siguro kaibigan lang talaga ang nararamdaman nya para dito.
"I'm good, nakabalik kana pala from the States? It's been ten years since you left. Nalaman nalang namin after a month na nakaalis kana. Sobrang tahimik ng pag-alis mo. May nangyari ba sayo?" He asked.
"Ah! no! no!, nothing happened it's just that...my parents just want me to study abroad." Biglang napalitan ang music ng love song "break away by Kelly Clarkson." Nagpalinga-linga siya na parang may hinahanap, her eyes caught a couple dancing on the dance floor so sweet she can say. Ewan ba nya kung bakit parang may kumurot sa puso nya. Dahil ba sa kanta o dahil hindi sya ang unang isinayaw ng ex-bf nya? Dati rati naman kahit makita nya yung dalawa na magkausap wala syang pakialam.
"Something wrong Kim?" Nakakunot noo ito habang nakatingin din sa kung saan siya nagmamasid.
Napalingon ulit sya dito at nagulat pa sya ng igiya sya palapit sa dance floor. Nakahawak pa nga pala ito sa braso nya pero napakagentle.
"W-what are you doing?" Pabulong nyang tanong kay Moa habang naglalakad sila papunta sa gitna.
Hindi ito nagsalita, tumigil ito malapit sa mga sumasayaw na sina Alex. Nang akmang hahawakan na sya ni Moa sa bewang ay biglang may sumangit sa kanilang gitna. Si Janna....
"Oopps! Sorry Moa saka mo nalang gawin yan..." Ngumiti ito ng nakakaasar kay Moa saka siya hinila papunta sa mga kaibigan.
Kumpleto ang barkada nya. Si Janna na bestfriend nya na isang modelo at siyang nakakita sa kanya sa U.S...si Andrea na isa nang Architect sa isang malaking construction firm, si Che na nagpapractice ng law sa isang kilalang law firm at si Mikaela na isang practice resident doctor sa isa sa pinakamalaking public hospital sa bansa.
Lahat sila ay pawang mga propesyunal sa mga piniling kurso. Napagkasunduan kasi nila noon na hindi sila magtatrabaho sa kani-kanilang kompanya na pagmamay-ari ng kanilang mga magulang. Ngunit taliwas ang nangyari sa kanya...pero heto siya ngayon at bubuuin ang sariling pangarap
"Girls meet my girlfriend Dyana Kim." Pagpapakilala nito sa kanya sa mga kaibigan nila.
"Girl! we missed you." Sabay-sabay na sabi ng tatlo at hinug sya.
"Girls! Siguro naman we're matured enough to drink? Right! Let's go and celebrate." Nauna na itong lumakad papunta sa isang bakanteng bilog na mesa.
Sumunod silang tatlo, nakaupo na sila pero di makapagsimula dahil sa sunod-sunod na paglapit ng mga junior team na mga babae at kanya-kanyang papicture sa kanila. Pati mga teenagers na member ng soccer. Feeling ata nila artista sya.
"Oh! Ano pwede na ba? Lumalalim ang gabi." Halatang naiinip na ito. Nagkatawanan silang lahat dahil sa reaksyon ni Janna.
Sina Che at Andrea ang kumuha ng drinks. Hard drinks ang kinuha ng mga ito at hindi ladies drink.
"What the....?" Kunot noo si Dyana.
"What?" Tanong ni Che na nakangisi.
Sasagot pa sana sya ng mahagip ng mga mata nya ang isang pares na umupo sa bakanteng mesa na malapit sa table nila. Naisip nya agad nananadya?
"Hey girl!, what's wrong?" Tanong ni Mikaela kinaway-kaway pa ang kamay sa mukha nya, lumingon ito sa tinitingnan nya. Napalingon narin yung tatlo at sabay-sabay ring nagbawi ng tingin pabalik sa kanya. Bakit parang balewala sa mga ito ang nakita nila?
Andrea snapped her finger at her right ear. Napapitlag sya bigla.
"Iinom or iinom?""As if me choice ako." Sagot nya ng makabawi sya. Sa loob loob nya ay naiinis sya lalo sa mga kaibigan nya na parang balewala lang ang lahat.
Ininom nilang apat ang hard drinks na kinuha ni Che. Medyo tipsy na sila ng lumapit sa table nila si Moa.
"Hi girls! mukhang mauubos nyo na tong boteng ito ah?" Tanong ni Moa habang nakangiti sa kanila.
"Itso kashing shi Che e d papigil." Sagot ng lasing na si Janna at tatawa-tawa pa.
Hindi sya nagsasalita kasi alam nyang ganun din ang magiging salita nya.
"Guys I have to go, it is getting late at baka di na kayo makauwi nyan " Natatawang sabi ni Che at tumayo na ito.
Oh my parang hindi tinablan ng espirito ng alak ang babaeng ito ah? Balewala lang?
"I'll go with you now Che." Tumayo narin si Andrea.
Tumayo narin yung dalawa na parang balewala lang. Gusto nyang itry tumayo pero kapag ginawa nya babagsak sya.
"Pano ba yan Dy, mauna na kami?" Sabi ni Che. Lumakad na palayo ang mga ito.
Shit! Bulong ng isip nya. Dahan-dahan syang tumayo. Nahihilo talaga sya. Napatuon sya sa table nila.
"Are you ok Kim?" May himig pag-aalala nitong tanong. Sya lang ang tumatawag sa pangalan nyang yun dahil gusto daw nyang maiba.
Sa di kalayuan ay may isang pares ng tenga ang nakikinig at kanina pa naiirita. Tumayo ito at humarap sa kanila ni Moa. Hindi ito napansin ng dalawa dahil nakayuko si Dyana habang hawak ang ulo at si Moa naman ay abala sa pag-alalay sa kanya.
Umikot na sya paharap sa may pintuan letseng high heels ko to ipapahamak pa ata ako.
"Are you sure you're ok? I can drive you home." Nag-aalala nang wika ni Moa.
Narinig nya yun pero ewan ba nya parang nag echo lang sa tenga nya. Humakbang na sya pero di nya inaasahan ang sumunod na nangyari...naramdaman nalang niya na may matipunong braso ang sumalo sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...