Isang linggo na ang nakakaraan simula ng makita nya ang dalawang picture. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Ilang araw narin siyang natutulala.
Hindi nya kasi malaman kung susundin ang ama o hahayaang lumigaya nalang ang kapatid at magpaparaya nalang. Wala rin siyang maisip na pwede nyang kausapin tungkol dito upang mabigyan ng linaw ang lahat.
Kung si Moa ang kakausapin nya malamang hindi lang sila magkaintindihan, sa phone lang nya ito pwedeng kausapin dahil magkalayo sila, hanggang isang araw...
Semestral break nila noon at nagpasya siyang magtungo sa America upang bisitahin ang iba pa nilang mga negosyo. Kasalukuyan namang naka OJT si Moa sa sarili nilang kompanya sa America. Ito mismo ang tumawag sa kanya upang ibalita na doon ito magtatrabaho pansamantala.
Nabuhayan siya ng loob ng malamang naroroon din ang kaibigan. Sinabihan nya ito na magkita sila sa isang park na may isang bench na malayo sa karamihan.
Alas otso ng umaga ang usapan nila pero alas siyete y medya palang ay nandon na siya, yun ay upang maihanda ang sarili sa mga dapat niyang malaman.
Nakatayo siya at nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. Nakaharap siya sa isang malaking puno patalikod mula sa park. Maya-maya pa ay may narinig siyang mga yabag at alam niyang dumating na ang kaibigan niya.
"Brad!" Mahina ang pagkakasabi nito niyon sapat lang upang marinig niya.
Hinarap nya ito at nginitian ito ng bahagya.
"Kumusta kana bestfriend!?" Malumanay na wika ni Moa wari ay tinatantya pa ang kanyang mood.
Isinenyas nya na umupo ito sa nag-iisang bench na naroon. Umupo naman ang kaibigan at tinabihan nya ito.
"So, how's Philippines!?" Balik tanong nya sa tanong nito kanina.
"Ayun, magulo parin sa dami ng nagrarally laban sa gobyerno and still marami parin ang naghihirap." Sagot naman nito sa tanong nya pero alam ni Moa sa sarili niya na hindi yun ang tinutumbok ng tanong ni Kendrick.
"Oh! I see!... Wala paring pagbabago." Walang emosyon nyang wika.
"E brad ikaw kumusta ka naman!?" Nag-uusap sila pero hindi nila tinitingnan ang isa't-isa.
"Eto ok pa naman. Nagstart na ng training nakabakasyon lang kami ngayon." Bumuntong hininga siya pagkatapos.
"Halata nga e. Ang laki ng ipinagbago mo. Lumaki ang katawan mo, mabuti kapa malapit nang maabot ang mga pangarap mo." Tumawa ito ng pagak.
Hindi siya nagsalita bagkus ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at katulad ng kung anong itsura nya ng madatnan ni Moa kanina ay ganon din ang naging ayos nya ngayon, ang pinagkaiba lang ngayon sa halip na nakalagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa ay nakakuyom ang mga ito at halatang may pinipigilang emosyon.
Napansin agad iyon ni Moa...
"Patawarin mo ako bestfriend." Naihilamos nito ang mga kamay sa kanyang mukha."Bakit Moa may dapat kabang ihingi ng tawad!?" May diin ang bawat salitang binibitawan niya at nagtatagis ang kanyang mga bagang. May kirot sa kanyang puso, mabuti nalang at nakatalikod siya upang hindi mahalata ni Moa ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa kanyang mga mata.
"Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para paghiwalayin sila pero matigas ang kapatid mo gagawin nya ang lahat makuha lang ang gusto nya. Alam kong hindi karin papayag na kalabanin ko siya." Paliwanag ni Moa sa nagngangalit na kaibigan.
"Tama na Moa wala kang kasalanan. Gusto ko lang na magkwento ka." May galit sa tono ng pagsasalita nito.
"Nung araw ng pageant napansin ko na agad na palaging lumalapit si Alex sa kanya kaya gumagawa ako ng paraan para lumayo si Alex kesehodang kaladkarin ko pa ang kapatid mo paalis ng gym." Paunang salaysay ni Moa.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...