One Night Nurse!

83 2 0
                                    

Pumasok sya sa restaurant at si Moa agad ang nakita nya.May kausap itong gwapo at mukhang matangkad na lalaki.Biglang bumilis ang tibok ng puso nya.Sya na ba si Kendrick?

Lumapit sya sa mga ito at agad syang nakita ni Moa kaya tumayo narin ang dalawa at binati sya.

"Kim meet Kendrick Saavedra."

"Hi! Dyan." Bati ni Kendrick.

"He-hello!" Naiinis sya bakit ba sya nauutal at para syang namesmerize sa kagwapuhan nito pero mas gwapo parin talaga si Alex...

Kinamayan sya nito nang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.

"Tama nga sila maganda ka sa personal."

"Huh!?" Gulat ang reaksyon nya.

Tumikhim si Moa na ikinagulat ni Kendrick.

"I mean maganda kapa rin talaga lalo na sa malapitan.Dati kasi nakikita lang kita sa malayo."

"Ah ganun ba?" Napangiti nalang sya.

"O guys alis na muna ako para makapag-usap kayo ng maayos." Tuluyan na ngang umalis si Moa.

Tumango lang sya.

"Thanks bro!"

"So!" Hindi na nya hinintay na ipaghila pa sya nito ng upuan sa halip umupo nalang sya.Ganun din ang ginawa ni Kendrick nang maupo na sya.

"Where do we start?"Nginitian nya ito.

"First is we need to order and then start the conversation." Ganting ngiti ni Kendrick.

"Just juice..."

"Do you want to eat something?"

"No thanks, just juice please..." nginitian ulit nya ito.

"Ok, anything you want will be serve." Tinawag nito ang waiter at nag-order.

Ilang minuto lang at dumating na ang order nila.Nag-juice lang si Kendrick dahil yun lang din ang inorder nya.

"So! Can you tell me now the meaning of that letter?" Nginitian nya ito ng matamis.

Natigilan ito pero saglit lang at sinagot agad ang tanong nya.

"Oh! About the picture and the note.You were so young at that time I admire you kaya pinigilan ko ang sarili ko na ligawan ka and then that's also the time that I had to leave to study in France."

"France?" Kunot noo nyang tanong.

"Yes! France!" Maikli nitong tugon.

"Medyo mahabang kwento but to make the story short." Hinawakan nito ang mga kamay nya.

Napatingin sya sa mga kamay ni Kendrick.May suot itong golden ring sa kaliwang palasingsingan nito.Ayaw man nyang itanong pero kailangan.Humugot sya ng malalim na buntong hininga.Kinakabahan sya at malakas ang pintig ng puso nya.

"A-are you ma-married?"

"Y-yes!" Hesitant din ang sagot nito.

Agad nyang binawi ang mga kamay at saka tumayo.

"I-I'm sorry I don't know." Hindi sya mapakali sa nalaman.Yung kaninang saya at pagkasabik na nararamdaman nya kanina ay napalitan ng pagkalito at lungkot.

"Please sit down.You are not sorry."

"It's ok all I want is to meet you, it's my pleasure to meet you." Nakipagkamay sya dito at pagkatapos ay mabilis na naglakad palabas.Sinundan lang sya ng tanaw ni Kendrick.

Nakalabas na sya ng lumapit kay Kendrick sina Moa at Alex.

"What did I told you?" Naniningkit ang mga mata ni Alex at nakakuyom ang mga kamay.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon