"Juliana and your son, where are they? Did they returned back to Paris?" Tanong nito sa kanya na nasa ganun paring posisyon.
Tumayo siya pagkatapos pulutin ang gamit nya at dumiretso na sa kanyang table habang nakasunod ng tingin ang isa saka niya ito sinagot.
"Nope! They will be staying here for 4 months. Why asking?" Tanong niya dito.
"Invite them on our wedding day, ok?" Saka siya nginitian nito ng matamis.
Pagkatapos ng kanilang conversation ay tinawagan na niya ang mga dapat tawagan para sa kasal nila.
After a days...
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang totohanin ni Dyana ang pag-aaral ng self-defense, paghawak ng baril at pagbili nito. Lahat ay dinaan niya sa legal na proseso para walang maging problema.
Nagawa na rin nila ang magpapresscon at sinabi ang dahilan kung bakit closed to public muna. Gumawa nalang si Dyana ng dahilan upang di na magtanong ang mga ito. Nabalita na sa tv, radio, magazines and newspaper ang plano nila at kung kailan.
Nakalabas na rin ng ospital ang kanyang ama at lubusang nagpapagaling sa isang farm nila sa probinsya.
Sakay sila sa kotse ng binata at plano nilang kumain sa isang restaurant. Kagagaling lang niya sa training at palagi siya nitong sinusundo. Hindi ito lumiliban sa paghatid sundo sa kanya. Mahirap na daw at baka takasan na naman daw niya ito.
Nakahinto ang sasakyan dahil sa pulang ilaw. Napatingin ito sa kanyang mga kamay. Kinuha nito iyon at minasahe.
"These hands are tired, how I wish I could massage this everyday." Itinaas nito iyon at hinalikan.
Namumula siya sa ginawa nito. Sana lang ay hindi nito mapansin ang tensyon na palagi niyang dala-dala tuwing magkasama sila.
"I'm glad suot mo pa rin ang singsing na ito. Napakahalaga nito sa akin. Maraming salamat!" Tuluyan na nitong pinaandar ang sasakyan ng magkulay green ang traffic light.
"Syempre naman at hinaplos niya ang pisngi nito ng kamay niyang hawak nito kanina. Gusto ko lang itanong hon, asan yung singsing mo? Nung nasa isla tayo napansin ko na hindi mo na yun suot kaya inakala ko na may relasyon talaga kayo ni Alyanna."
Naninikip ang dibdib niya sa sarili niyang tanong. Gusto niyang malaman kung ano ang isasagot nito sa tanong niya. Kung magugustuhan ba niya o hindi.
"When I was in Paris, to my office I removed the ring and left it to my table to wash my hands and cleaned it after. But when I got back, the ring was gone. I don't know if someone just entered my office but according to my assistant no one entered." Dire-diretso ang paliwanag nito sa kanya.
Mukha namang nagsasabi siya ng totoo ang sabi ng isip nya. Tila naman nagustuhan niya ang sinabi nito ngunit hindi ang kasunod na tinuran nito.
"I reviewed the CCTV footage and it was falsify. I don't know who did that just for that ring!?" Deklara nito.
Kinabahan siyang bigla. Mukhang alam na niya ang nangyayari. Naalala niya ang USB device na binigay sa kanya ni Alyanna. Hindi siya marunong tumingin sa mga ganung kuha pero ginawan niya ito ng maraming copy in case magkaproblema.
Mukhang napansin naman ito ng isa kaya ito naman ang nagtanong.
"Are you ok, sweetheart? You looked pale!" Pag-aalala nito. Inabutan siya nito ng tubig na dala. Tinanggap niya iyon at ininom.
"I'm ok hon, I'm just hungry." Pagsisinungaling nya dito.
"Ok!ok! We are near!..." at mabilis na pinatakbo ang sasakyan patungo sa pupuntahan nila.
Napapansin nya na medyo binabawasan na nito ang pagsasalita ng French words marahil narin siguro ay napapansin nito na hindi nya maintindihan ang ibang sinasabi nya.
Paminsan-minsan nalang kung maglalambing ito at may sasabihin sa kanya na ayaw nitong ipaintindi sa kanya. Ayaw man niyang aminin sa sarili pero natutuwa siya sa ipinapakita niyang sincerity nito sa lahat ng ginagawa sa kanya.
Hindi pwedeng mahulog muli ang loob niya sa lalaking pinagsinungalingan siya ng maraming beses...
One week before the wedding...
Okay na ang lahat, araw na lang ang hinihintay. Gagawin ang kasalan sa mansyon mismo ng mga Olivar. Puspusan ang pagpiprepara ng mga taong nanduduon ngayon.
Sinisugarado ang mga gagamitin sa araw ng kasal. Punong abala ang mga magulang nilang dalawa kahit na simple lang naman ang magiging kasalan.
Noong una ay ayaw pumayag nang mga ito sa simpleng kasal lang. Dapat daw ay isang enggrandeng kasal ang mangyari dahil sa dami ng gusto nilang imbitahin dahil espesyal daw ang araw na iyon.
Ngunit hindi pumayag ang dalawa ayun na rin sa napagkasunduan nila.
Simple lang ang isusuot nila sa araw na iyon. Hindi magsusuot ng gown ang bride at hindi rin nakatuxedo ang groom.
Isang puting bestida lang ang isusuot ni Dyana at isang long sleeve polo ang kay Kendrick.
Ang magkicater ng pagkain ay ang mismong restaurant ni Dyana.
Pagdating sa wedding ring ay hindi na pumayag si Kendrick na basta-basta singsing lang ang isusuot nya. Kaya pumili ito ng pinakamahal na wedding ring para sa kanila.
Pagkatapos nilang ikasal ay didiretso sila sa bahay nina Kendrick doon muna sila mag-istay para sa honeymoon. Ayaw ni Dyana na magtour pa sila kasi sayang daw ang panahon at oras na dapat itrinabaho nya sa kompanya.
Nagtataka man ang lahat sa asal niyang iyon wala silang nagawa kundi ang sundin siya dahilan nila baka daw makapagbackout pa siya.
Pero binigyan nya ng assurance ang mga ito na hindi siya magbabackout kahit anong mangyari.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...